Chapter Twenty-Five

53 10 0
                                    

#BD25 — Whatever Happens

I wasn't able to sleep peacefully because of him. I don't actually regret giving him a soft kiss last night to make him feel at ease.

After eating our breakfast, we started packing our stuff and putting them back in our van before we push through our travel agendas. Nagpaalam na rin kami sa lola ni Astrid na Mayora pala rito kaya pala siya kilala noong matandang babae kahapon. Noong una ay ayaw pa kami paalisin dito ni lola, mas makabubuti raw para sa amin kung dito na lang kami sa kaniyang bahay manatili para sa buong bakasyon na ito.

"Sayang talaga 'yung offer ng lola mo, Astrid," sambit ko. "Maybe next time? Gusto ko rin kasi bumisita sa Tierra de Lago."

Tumango naman si Astrid. "Sa susunod na lang ulit. Tama lang din na umalis na muna tayo doon, masyado kasing mahaba ang buhok mo!" Sabi niya.

Dahil nga sa gulong nangyari sa court after the basketball game, napagpasiyahan naming lahat na sundin na ang planong sa Tierra de Lago kami magpapalipas ng bakasyon. Sa susunod na araw pa sana kami aalis kaso hindi na rin namin pinatagal ba at baka magkasalubong na naman iyong mga tropa ni Ralph at sina Drake kung dito kami sa Siniloan mamamalagi.

"Which branch ba, Fourth?" Tanong ni Audrey kay Fourthsky na nakaupo sa tabing upuan niya.

Si Kazuo naman ang nagmamaneho ngayon habang si Drake ulit ang nasa shotgun seat. Sina Astrid at Yuriko uli ang magkatabi habang ako ang mag-isa rito sa may bandang likuran ng van. Hindi naman dikit-dikit ang upuan dito dahil kakaibang van ito, puro lazy-boy ang upuan kaya hindi naman masyado lonely ang buhay ko rito sa likod.

"Main branch ng Tierra de Lago," maikling sagot ni Fourthsky habang nakahilig ang ulo sa bintana.

Hindi rin siguro sila nakatulog ng maayos kagabi tulad naming mga babae. Buong gabi ata ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung saan-saan. Nakita pa nga daw kami ni Yuriko kagabi sa gate, pinapatawag na raw kasi kami para sa hapunan at ang bumungad sa kanya ay kaming dalawa ni Drake na naghahalikan.

Gustong-gusto ko na lang magpalamon sa lupa kagabi habang kwinekwento niya iyon sa amin. Pilitin ko mang matulog na lang, hindi pa rin ako patatahimikin nina Audrey at Astrid.

Tulad nang inaasahan ko, pinaulanan nila akong dalawa ng mga tanong na kahit ako, e, hindi alam ang isasagot habang si Yuriko ay nakikitawa lang at hindi kalaunan ay nauna nang matulog.

"We're here!" Pa-sigaw na sabi ni Astrid habang tinatapik ako.

Kinusot ko muna ang aking mga mata bago ko lingunin ang mga staff ng Tierra de Lago na nakahilera sa labas ng van namin. Wala pa'ng bumababa sa aming pito rito, naka-park naman na ang van pero mukhang hindi pa nakaka-recover ang iba galing sa pagkakagising.

Tulala pa nga 'yung iba, e.

"Tara na? Gusto ko na maligo uli," sabi ko.

"Couple more minutes, please?" Sabi ni Audrey na tulala pa rin.

Ilang minuto rin kami naghintay bago kami tuluyang lumabas ng van. Agad naman nilang sinalubong si Fourthsky, ang kanilang boss. May mga pinagusapan pa sila noong isang head ng staff habang abala kami sa pagbababa ng mga bagahe galing sa van.

"Ma'am, kami na po riyan," hayag noong matandang lalaki na isa sa mga nakahilerang staff kanina.

"Thank you po," maikling sabi ko bago ko i-abot sa kanya ang ibang bagahe ko.

Habang nasa lobby kami ng resort nila Fourthsky, napansin ko bigla ang pagiging abala ni Drake sa kaniyang telopono. Nakakunot ang noo niya kaya nagsasalubong na naman ang dalawang makakapal niyang kilay.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now