Chapter Sixteen

71 12 0
                                    

#BD16 — His Chance

"Why do we always fall in love with someone that we can't have?" Tanong ni Audrey.

Binaling ko ang tingin ko sa kanya. "Hindi ko rin alam... Bakit nga ba?"

"You love him..." She drew a deep breath. "You love Kuya Drake, right?" Nanatili ang tingin niya sa kisame habang ang tingin ko naman ay nanatili lang sa kanya.

I pursed my lip. "Hindi pwede, Addie..." Inalis ko ang tingin ko sa kanya at inilipat ito sa kisameng tinititigan din niya.

"I want you to be happy, Celestine, and I want Kuya to be happy as well," aniya.

"Masaya naman kami ah... Masaya pa rin naman kahit bilang magkaibigan lang, 'di ba? Kuntento naman na ako do'n."

"You're bluffing." Tumagilid siya ng higa paharap sa 'kin. "I know you, so stop lying, Celestine."

I shook my head and said, "Eh! Wag na muna natin pagusapan 'yang mga ganyang bagay... Matulog na tayo, Addie," giit ko.

"Give Kuya a chance... He deserves it and you deserve him too—so stop running away from it." Tinalikuran na niya ako.

Kinabukasan, sabay-sabay uli kaming nagumagahan pagkatapos naming maligo at magayos. Panahon na rin siguro para harapin ito. Panahon na para tumigil sa pagtakbo at hayaan ko siyang abutan ako.

Tama si Mommy at si Audrey, maaari pa itong agapan para maisalba ang pagkakaibigan naming dalawa ngunit kung papalagpasin ko lang ito at tatakbuhan... baka lalo lang masira lahat nang binuo namin at sa huli, ako ang uuwing luhaan.

I'd rather regret the risk the didn't work out than the chances I didn't take at all.

"C-can I drive you to school?" Maingat na tanong ni Drake habang inaayos ko lahat ng kailangan ko uling dalhin para sa araw na ito.

Tumango ako bilang pagsangayon. "Sure."

Lumabas bigla ang ngiti niyang nakakatunaw pati na rin ang dalawang malalim niyang dimples. Nginitian ko na lang din siya bago dumiretso sa kusina para magpaalam kay Nanay Marie at para tawagan si Kazuo.

"Nay... Alis na po kami ni Drake," paalam ko.

"Mag-ingat kayo apo." Niyakap niya ako bago siya maglakad papaalis sa kusina.

"Kaz?"

[Hmm?]

"Hey, Good Morning... Hindi na ako sasabay, Kazu."

[Hahatid ka na ni Drake? Pinayagan mo na?"

"Uh... Oo, e."

[Mabuti. Ingat kayo. See you.]

"Ingat ka rin, Kazu! See you." Binabaan ko na siya ng telepono.

Kukunin ko na sana 'yung bag ko na iniwan ko sa sofa kaso wala na ito doon kaya naman umakyat na lang ulit ako para magpaalam na kay Audrey na hindi pa ata tapos magayos. Si Mang Kulas na rin kasi ang naghahatid sa kanya dahil malayo-layo pa ang school niya.

"Addie... Una na kami ni Drake," paalam ko. "Ingat ka!"

She smiled at me. "Be safe, love birds!" Sigaw niya.

Gaya ng dati, pinagbuksan at pinagsarhan niya ulit ako ng pintuan bago siya umikot para sumakay na rin.

Ginusto mo ito, Celestine Anastasia.

Panindigan mo ang desisyon mo, wala namang masama kung pagbibigyan mo siya kahit ngayon lang, hindi ba? Pagbigyan mo rin ang sarili mo, Celestine.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now