Chapter Fourteen

76 12 0
                                    

#BD14 — Kalma, Celestine

"I'm sorry, Yuri," nakokonsensiyang sabi ko.

"No, It's fine. Ilang taon na rin naman ang lumipas," nakangiting sabi niya.

Alam kong hilaw ang mga ngiting pinakita niya sa 'kin. Bakas kasi sa mga mata niya ang lungkot, takot, at pangungulila.

Sinimulan na namin ang paghihiwa ng mga ingredients. Inutusan niya lang akong hiwain iyong mga carrots, bellpeper, at iba pang kailangan para sa Beef Kaldereta na lulutuin namin. Favorite kasi ito ni Mommy. Ito rin ang madalas niyang lutuin para sa'min nina Drake at Audrey noon sa states tuwing linggo.

Habang naghihiwa, abala naman si Yuriko sa pag aayos ng mga gagamiting pang-luto. Pinakikinggan ko lang din ang kwento niya at hindi na nagtanong pang muli.

"Iyong picture na nakita mo sa may piano..." Tumingin siya sa 'kin saglit. "Kinuha 'yon bago umalis si Ate Aiya. Siya kasi 'yung unang sinama nina Mama at Papa sa Japan," aniya.

"Hindi ka ba nalungkot noon? Ikaw lang naiwan dito, e," nagaalalang tanong ko.

"Naiwan ako rito kasama ang lola ko sa fatherside kaya ayos lang. 'Tsaka may mga kaibigan din naman ako kahit pa-paano kaso bilang lang talaga sila. Hindi naman kasi ako masyadong pala-kaibigan noon."

"Actually, sa airport? Akala ko super tahimik mo'ng tao, 'yung hindi ka kakausapin if hindi mo sisimulan 'yung conversation?"

She laughed and said, "Gano'n naman talaga ako. Magaan lang talaga ang loob ko sa'yo."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ang bilis naman ata gumaan ng loob niya sa 'kin? Ako lang naman 'to. Alam ko namang friendly ako at magaan rin ang loob ng iba kong kaibigan sa 'kin pero nang kay Yuriko mismo ito manggaling, parang may halong pagdududa ang naramdaman ko.

Parang gusto ko pa magtanong?

"Huh? Bakit naman?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Baka kasi ka-ugali mo si Ate Aiya?"

Ka-ugali ko ang ate niya? Edi may pagka-baliw din pala 'yon? But anyways, at least magaan ang loob niya sa 'kin, ayun ang importante. Pinakuluan na rin namin 'yung baka na gagamitin para sa Kaldereta ala Celestine!

Libre naman mangarap kaya okay na ito.

"Paano kayo nagkakilala ni Kazuo?" Tanong ko habang sinisilip 'yung bakang pinapakuluan namin. "It seems like you both know each other for years now na, e."

"Pasaway kasi," maikling sagot niya.

"Ah!" I widened my eyes. "Mala-wattpad pala love story niyo, e! Gangster 'yung lalake tapos good girl 'yung babae!" Humagalpak ako sa tawa kaya naman niya pinalo ang braso ko.

"Sira! Part ako ng dance troupe ng school namin before, mayro'n kaming upcoming competition kaya sunod-sunod na araw ang ensayo namin at sa pinaka huling araw ng ensayo, naapakan niya at ng mga kaibigan niya 'yung saksakan ng speaker kaya tumigil bigla 'yung tugtog sa harap ng mga studyante at teacher na nanonood," pagpapaliwanag niya.

My lips parted. "Tapos sinigawan mo? Pinagalitan mo? Tinuloy niyo ba 'yung practice?"

"Nilapitan ko. Kinausap ko. Pinagsabihan lang," putol-putol niyang sagot.

"That's it? Ayun na 'yung simula ng love story niyo?"

She sighed and said, "Celest, walang love story na nangyari, okay? Magkaibigan lang rin kami tulad ng kung anong mayro'n sa inyo ni Drake." Sumandal siya sa may lababo at humalukipkip.

Pinilig ko ang ulo ko. "Paano mo nalaman 'yung tungkol sa amin ni Drake?"

"He's Drake Medina. Lead guitarist and second vocalist ng "The Unknown." She shrugged. "Usap-usapan kaya kayong dalawa ng iba't ibang thomasians," sagot niya.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now