Chapter Thirty-Three

61 8 2
                                    

#BD33— The Perfect Time

"Bothered ka ata, Doctora?" Mitch stifled a laugh.

I gave her a death glare. "Kung mangaasar ka lang, pwede bang wag ngayon?"

"Kailangan may schedule?" Pilosopong tanong ni Mitch.

"Tanong mo sa architect mong busy sa project na hindi naman nag-eexist," I replied with an annoyed tone.

"Bakit ba sa 'kin napunta ang usapan na 'to?!" Singhal ni Mitch bago tumayo para ibalik ang tray ng pinagkainan niya.

Sinundan ko siya ng may ngisi sa labi hanggang sa umabot na kami sa Doctor's Lounge o ang office room namin kung saan kami lahat nagtitipon-tipon lalo na't kapag on-call kami o sadyang sunod-sunod lang talaga ang schedule operations.

"Wag mo akong sungitan, Mitch Sanchez. Ikaw nagsimula nito," mataray na sabi ko nang mapansin kong hindi pa rin niya ako pinapansin nang maayos pagkatapos kong banggitin iyong pag-ka-busy ng kaniyang mapapangasawa.

Yes, she's already engaged with Fronz!

"Puputi lang buhok mo riyan kakahintay sa tawag no'n," bawi ni Mitch bago buklatin iyong makapal na medical book galing sa lamesa ko.

Umiling na lang ako bago ko ibagsak ang aking sarili sa couch dito. "Hindi ko naman hinihintay."

"Ay, weh?" Tanong niya habang nakataas pa ang kaniyang dalawang kilay. "Bothered pero hindi hinihintay? Sige, sabi mo, e."

"Stop it, Mitch." Binatuhan ko siya ng unan. "Ginugulo mo lang lalo 'yung isip ko!"

"Para namang hindi mo mahal," aniya bago isara ulit ang libro. "Tigilan mo nga 'yang pagmamaang-maangan! Binigyan mo ulit ng chance, 'di ba? Panindigan mo naman!"

I watched her walk out of the Doctor's Lounge because of a call from the nurse station. Ako na lang sana iyong pinatawag para kahit papaano ay may ginagawa ako at hindi ako nagmumukmok dito sa isang tabi.

I need to distract myself!

I understand Mitch's point. We're not like the old college lovers who kept on giving mixed signals to each other. Hindi na kami bata para maging ganoon ulit. We're past that shy-and-afraid-to-confess-their-feelings-for-each-other stage. Hindi ko na dapat tinatanggi ang mga ganitong bagay na para akong college student.

Tumatanda na kami at hindi kami pwedeng magpatalo na lang sa takot.

Wait, what?

"Doctora, tumawag po si Dr. Medina," anang isang nurse na lalaki.

"Dr. Jake?" I asked.

"No, Doc." Umiling siya. "It's Dr. Drake Medina po who called earlier," sagot noong nurse na lalaki bago niya i-abot sa 'kin iyong post-it na kanina pa niya hawak-hawak.

"What am I going to do with this?" Tinaas ko nang bahagya iyong papel na inabot niya. "Ay, nako, Nurse Miles! Nagpapa-uto ka na naman doon."

Nurse Miles grinned. "Sweet niyo nga po ni Doc, e!"

Umiling na lang ako habang binabasa iyong sinulat ni Drake sa maliit na papel.

At exactly 11:11 pm, meet me at our favorite spot. Be safe, baby. - D

Inangat ko nang konti ang kamay kong may hawak sa post-it na galing kay Drake. "Thank you for this," nakangiting sabi ko kay Nurse Miles.

"Ingat po kayo, Doctora! Stay strong po sa inyo ni Dr. Drake!" Kumaway si Nurse Miles sa 'kin habang naglalakad ako patalikod at papalayo sa nurse station na may ngiti sa labi.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now