Chapter Twenty-Three

56 9 0
                                    

#BD23 — Hold Tight

"Did y'all bring some swimwear with you?" Fourthsky asked.

"Of course!" Sigaw ni Astrid habang naghihiwa para sa lulutuin naming agahan.

Hinanda ko na rin ang iba pang kakailanganin para sa pagluluto. Hindi naman na daw namin kailangan magluto pa ng tanghalian dahil pwede naman daw magutos si Fourthsky sa mga tauhan nila pero hindi namin siya pinayagan doon.

"Mag-t-trecking pa ba tayo rito o sa may kina Astrid na lang?" Tanong ko sa kanila habang abala ako sa hinahanda kong pagkain.

"Let's go straight to Astrid's place na. I'll go back here na lang siguro someday," Sagot ni Audrey.

Nakapagpahinga naman na kami pero malayo-layo pa raw kasi ang biyahe papuntang Siniloan sabi nila Astrid kaya mas minabuti naming doon na lang sa may sa kanila mamasyal tutal ay villa lang naman ang tinitirahan ni Fourthsky dito at para lang ito sa trabaho.

"Sa may sa'min na lang tayo magtagal para mas malapit sa tutuluyan," ani ni Astrid.

"Sa piit ba?" Tanong ni Kazuo.

"Piit?" Nagtatakang tanong ni Drake na nakaupo sa tabi ni Kazuo sa sofa.

I laughed. "Ayan kasi! Made and born in America!"

"Para namang ikaw hindi," sabi ni Yuriko na nakaupo sa breakfast chair sa harap ko.

"Made in the Philippines ako, 'no!" Naka-pamewang ako ngayon. "Raised in America lang," pangangatwiran ko.

Tahimik lang rin kaming kumain ng umagahan bago tumulak papuntang Siniloan. Hindi rin naman ako kinulit pa ni Drake kanina sa villa ni Fourthsky kaya naging magaan rin ang pakiramdam ko. Kada-lumalapit kasi siya sa akin ay para nang bibigay agad ang puso ko. Isang yakap niya lang at baka tuluyan na nga akong mahulog... baka tuluyan ko na siyang pagbuksan ng pinto.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Yuriko na kakagising lang rin ata.

Kanina pa kasi kami na sa biyahe. Ni hindi na nga kami nag stop over pa para lang makarating doon ng mas maaga dahil ang sabi ni Astrid ay nagpahanda na raw siya ng tanghalian sa kaniyang lola.

Nag-offer naman si Fourthsky na sa mansion na lang nila kami tumuloy para mas malapit kami sa Tierra de Lago, iyong resort nila Fourthsky na marami pa lang branch dito sa Laguna. Pero kahit na nag offer naman siya, mas pinili naming kina Astrid na lang muna tumuloy kahit isang araw lang para mabisita rin niya ang kaniyang lola. Pumayag naman silang lahat doon kaya wala naman kaming naging problema sa pagdedesisyon.

"Welcome to my hometown!" Nakangiting sabi ni Astrid habang tinuturo ang welcome arch ng Siniloan, Laguna.

"Nature!" Sabi ni Audrey.

Bigla ko namang naramdaman ang kamay ni Drake sa ibabaw ng kanang kamay ko. "You're awake now."

Dito na kasi siya umupo sa kaninang upuan ni Audrey dahil si Fourthsky naman ang nagmaneho para sa amin ngayon. Ipapasundo na lang daw niya sa driver iyong sasakyan niya na iniwan namin sa Pagsanjan.

"Hmm," I murmured while nodding my head.

Pasikip nang pasikip ang daan dito pero mukhang sanay naman si Fourthsky kaya hindi na siya nahirapan pang pagkasiyahin itong van. Puro tricycle rin ang narito at motor, wala ka masyadong makikitang kotse maliban na lang kung malaki ang bahay ng may-ari dahil dikit-dikit ang bahay dito at kadalasan ay bungalo na o mga bahay pa ata noong sinaunang panahon kaya wala talagang paparadahan.

"Wag niyo na dalhin lahat, 'yung gagamitin niyo lang para sa araw na 'to," paalala ni Yuriko sa amin habang binababa na ang mga bagahe na dadalhin namin kina Astrid.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now