Chapter Fifteen

83 13 1
                                    

#BD15 — Roof Deck

Ako? Nagseselos? Sa kanila ng ex niyang mukhang hipon? Itapon ko pa sila pareho sa kangkungan, e! Selos niya mukha niya! Sino ba siya?!

"Kain na tayo!" Pag-anyaya ni Yuriko.

Mukhang tinulungan siya ni Kazuo ilatag lahat ng kakailanganin namin sa hapag. Sinasalinan na rin ni Kazuo ng tubig ang bawat basong nakalagay doon. Mahaba rin naman ang dining table nila kaya magkakasya naman kaming pito rito.

Dumiretso na rin kaming lima sa dining area nila Yuriko. Si Fourthsky ang nasa kaliwa ni Audrey, si Astrid naman ang nasa kanan niya habang ako at si Drake ang nakaupo sa harap nilang tatlo at si Kazuo at Yuriko naman ang nasa magkabilang dulo ng lamesa.

"Ang sarap!" Natutuwang sabi ni Astrid habang hinihigop 'yung konting sabaw ng ulam.

"Walang kupas, Chef Yuri!" Sambit ni Fourthsky.

"Tinulungan ako ni Celestine diyan," banggit ni Yuriko.

"Really?" Audrey looked at me. "You're studying how to cook na?" She asked.

Dahan-dahan akong tumango. "Kinda."

"Why? What for?" Dagdag na tanong niya.

"Uuwi na si Mommy next month. I want to cook for her, 'yun lang," simpleng sagot ko bago uminom ng tubig.

Nagkatinginan sina Fourthsky, Kazuo, Astrid at Yuriko bago sila umiling at tumawa. Totoo naman ang mga sinabi ko, ah? Uuwi naman talaga si Mommy next month kaya ako nagpapaturo kay Yuriko. Gusto ko siyang paglutuan kahit na hindi pa ako gaano kagaling dito.

"Excuses lang niya 'yon." Fourthsky shook his head. "Nagpapaturo 'yan para kay Drake..." bulong niya.

Halos masamid na ako dahil sa binulong ni Fourthsky sa kawalan na halata namang dinig rin naming lahat dito sa hapag. Lalo lang lumaki ang ngisi nitong sina Astrid, Kazuo at Yuriko dahil sa naging reaksyon ko. Ni hindi ko nga maubos itong kinakain ko dahil sa katabi kong hayop kung tumingin tapos dadagdagan pa nitong si Fourthsky.

"Hmm?" I felt Drake's stare. "I thought you don't like me?" He asked while trying his best to stifle a laugh. "Okay then, cook for me..." bulong ni Drake sa tenga ko gamit ang nakakaakit niyang baritonong boses.

Umiling na lang ako at pinilit nang ubusin ang natitirang pagkain sa plato ko para makaalis na rito. Trinaydor na nga ako ng puso ko, trinaydor pa ako ng mga kaibigan ko.

Wala na naman ba akong kakampi?

Sabay-sabay lang rin naman kaming lahat natapos at si Astrid na raw ang maghuhugas ng pinggan.
Ayaw pumayag ni Yuriko sa pagpriprisinta ni Astrid pero kalaunan ay bumigay rin ito. Nakapagusap na siguro sila ni Kazuo dahil kinaya nilang magharap uli ngayon. Maaari naman kaming itaboy ni Yuriko at pauwiin na lang ngunit mas pinili niyang manatili kami rito para kumain ng sabay-sabay.

Dahil ma-aga-aga pa naman, napagpasiyahan naming lahat na tumambay sa roof deck ng bahay nila Yuriko. Nagkayayaan na rin silang lahat uminom at magkwentuhan hanggang mamayang gabi. 'Tsaka na lang daw namin problemahin lahat ng unfinished task namin sabi ni Astrid.

"Bro, what should we buy ba?" Tanong ni Fourthsky kay Drake na nakaupo lang sa tabi ko.

"Hindi siya iinom, Fourth," giit ko.

"Hear that?" Drake smirked at him. "She said no so I won't drink," mayabang na sagot ni Drake.

Inirapan ko na lang silang dalawa bago ko lakarin ang distansya namin nina Audrey at Yuriko na nakahilig sa railings ng roof deck na ito. Mukhang may seryoso silang pinaguusapan dahil ang tingin nilang dalawa ay diretso lang sa langit na onti-onti ng dumidilim.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now