Chapter Four

118 17 1
                                    

#BD4 — Deep, Seductive, and Warm

"That's enough, Woman. Let's go home," seryosong sabi niya habang pilit na kinukuha ang bote ng Black Label sa kamay ko.

"What the hell, Drake?" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"You're wasted, Anastasia," malamig nitong sabi.

'Di naman ako si Audrey para pagbawalan niya magenjoy, ah?

Nasisiraan na ba 'to ng bait?

"Look for Audrey, siya ang ihatid mo. I'm not your sister, Drake." Umirap ako.

"Tss, sa tingin mo ba someone will bring you home pa? Huh? Where's your Travis?" He smirked.

"I can go home by myself." Umayos ako ng tayo at tinalikuran na siya.

"Be careful. 'Di mo pa siya kilala. Travis," putol-putol na sabi nito.

Ano bang pake niya? I'm not ready to commit pa naman and wala pa sa plano ko maging "in a relationship".

I want to have fun.

"Audrey went home na," mahinang sabi ni Drake.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil ang akala ko umalis na 'to, sinusundan pa rin pala ako habang naglalakad pauwi.

"O-ouch," mabilis akong napahawak sa paa ko.

Natapilok pa nga.

Pag-minamalas ka nga naman, oh!

"A-anastasia!" Bigla nalang akong hinawakan ni Drake sa braso dahil sa pagkakatapilok ko. "Here, wear my shoes. Let's go home," walang emosyon na sabi niya habang hinuhubad ang kaniyang sapatos sa paa.

"Wag na, Drake. Mag yayapak na lang ako." Nilayo ko nang bahagya ang paa ko sa pagkakahawak niya.

Inangat niya ang tingin niya sa'kin, his brows furrowed. Tinitigan niya lang ako, he's probably annoyed na. That's why hinayaan ko na lang siya gawing kung ano ang gusto niya.

Alam ko na doon pa lang, e, wala na rin akong laban dito.

Hinayaan ko na lang siyang alisin sa paa ko 'yung heels, pakiramdam ko ay lumulutang na naman ako kaya hindi na rin ako nakipagtalo pa.

But if I'm going to wear his shoes, ano ang gagamitin niya?

"Tara na." Pagkatapos niya isuot sa paa ko ang sapatos niya, kinuha niya yung heels ko at inalalayan ako pabalik sa garaje nila Fourth. "I'll get my car lang. Stay here," seryosong sabi nito.

"M-make it fast, Kuya, I feel like I'm about to pass out na." Sinapo ko ang ulo ko.

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng bahay nila Fourth dahil kukunin daw muna ni Drake yung kotse niya. Ang bigat ng ulo ko pati narin ang mga mata ko, konti na lang nga ata I'll pass out na, e.

"Anastasia, wake up, tara sakay na," mahinang sabi nito habang tinatapik ang balikat ko. "You're so wasted," rinig ko ang pag-singhal niya... at binuhat na niya 'ko papasok sa kotse.

"T-thank y-you, Drake," lasing kong sabi sa kanya habang inaayos niya ang seatbelt ko.

Kinabukasan, sobrang sakit nanaman ng ulo ko dahil sa hangover kaya dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. Amoy ko parin kasi yung alak sa bibig ko.

Paglabas ko ng banyo, kukunin ko na sana ang phone ko sa side table para tanungin si Audrey kung anong nangyari kagabi kaso pagkain at gamot ang nandoon at wala ang phone ko.

'Eat then drink this, gaga ka! - Your Hoemie<3'

Super thoughtful naman talaga ng bestfriend ko parang 'di ako iniwan kagabi sa bahay nila Fourth. Napangisi nalang ako nang basahin ko ang sticky note na iniwan niya at kinain nalang 'yong hinanda niyang sunny side-up egg at toast bread.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon