Chapter Twenty-Eight

49 8 1
                                    

#BD28 — Reunion

"Girl! Tara na! Sumama ka na kasi," pagpupumilit ni Gabbi habang hinahabol ako rito sa labas ng ospital na pinagtratrabahuhan namin ni Mitch.

Umiling ako habang hawak-hawak iyong mga papel na pinagaaralan ko. "Ayaw ko! May pinapaaral na case sa 'kin si Tito, Gabbi!" Pagtanggi ko.

"C'mon, Celest! Sabay-sabay naman tayong magaaral niyan, e!" ani ni Mitch na ngayon ay nakahalukipkip sa harap ko at nakanguso.

Kanina pa nila ako pinipilit sumama sa kanila. It's the ribbon-cutting event of the newly opened hotel and club owned by The Ramos's. Inimbita ni Travis ang buong barkada pati na rin sina Mitch, Gabbi at Fronz. Hindi ko nga alam na they are friends, e! Nagulat na lang ako kanina nang banggitin ni Gabbi iyong tungkol sa event nila Travis at sa afterparty na medyo reunion na rin daw naming magkakaibigan.

Napatigil na lang ako bigla sa paglalakad nang may humila sa palapulsuhan ko. "Sumama ka na."

It was Kazuo.

"Himala! Nagpakita ka na!" Panunuya ko sa kanya habang dahan-dahang pumapalakpak.

Ilang beses na kasi siyang tumanggi sa mga plano namin dahil busy daw sa firm. He's a licensed architect now, with his own architectural firm. Kazuo's already successful in life, just like the rest of our friends. Yuriko? Kazuo's first love? She already has her own restaurant and I heard that she's also one of Travis and Fourthsky's business partners in the chain of hotels owned by the Ramirez Clan.

"Pupunta kami lahat doon, kaya sumama ka na," aniya habang nakahalukipkip dito sa harap ko.

"Hindi nga pwede, p're! Mas makapal pa sa buhok mo 'yung librong aaralin ko!"

"Isang gabi ka lang naman hihinga, Celestine, hindi ba pwede 'yon?"

Tumigil uli ako sa paglalakad para harapin siya. "P're, wag ka ngang bad influence!" Pangangasar ko. "Sumbong kita kay Yuri, e!"

"Ako ang nagutos sa kanya na puntahan ka rito," sabi ni Yuriko na bigla-bigla na lang sumusulpot.

"Yuri! Mukhang galing ka sa trabaho, ah?" Mapangasar na tanong ko sa kanya nang mapansing naka-chef's white pa siya o iyong uniform ng mga chef.

"Oo, galing nga ako sa trabaho kaya tara na! Malalate na tayo!" Reklamo ni Yuriko.

"Ehem-ehem," singit ni Mitch galing sa gilid namin ni Yuriko. "Tara na kaya?"

"Ikaw, Mitch!" Reklamo ko. "Isusumbong kita kay Dr. Medina!" Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Ack-aray! Sinong Medina ba ang tinutukoy mo? Ayaw mo lang ata sumama kasi invited si Kelsey, e!"

Napalunok na lang ako at napakurap pa ng ilang beses. "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, Mitch Sanchez!"

Wala na rin akong nagawa dahil hinatak na ako nina Yuriko at Kazuo pasakay sa kotse habang si Mitch naman ay malamang kay Fronz sasabay. Iyong si Gabbi? Aba, malay ko ba roon. Bigla na lang nawala kanina, baka sinundo na naman noong nabingwit niyang pilotong perpetualite. Tindi ng kamandag! Umabot ng Las Pinas!

A simple champagne dress, heels, and a high ponytailed hair will do, right? I don't want to be overdressed dahil baka isipin pa ng mga netizens pinaghandaan ko ng sobra ang muling pagkikita namin ni Kelsey Herrera, Drake's new girl.

Nagmamadali na akong lumabas ng condo unit ko nang mag ring ang telepono ko. "Hello? Sorry! Pababa na ako. Am I late?" Tanong ko kay Koby nang sagutin ko ang tawag niya.

[No, I'm just early. I'll wait for you here outside.]

"Sige, pababa na ako." Binabaan ko na siya agad ng telepono nang bumukas na ang elevator sa harap ko.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now