Chapter Thirty

65 7 0
                                    

#BD30 — I'm sorry, Anastasia

"Gabbi? What's up?" I asked Gabbi, my friend since college.

She's a fourth-year resident doctor, too! Kaso nga lang ay hindi kami parehas ng ospital na pinapasukan. Mas pinili niya kasi roon sa ospital ng kamag-anak niya, ayun din kasi ang mas gusto ng kaniyang mga magulang at hindi naman niya iyon matanggihan.

[May shift ka pa? Papunta na ako riyan kaso medyo traffic, e.]

I removed the disposable gloves on my left hand while trying my best to keep my phone at place dahil inipit ko lang talaga iyon sa pagitan ng tenga at balikat ko. "Ah, sige may shift pa naman ako," sabi ko. "Kakatapos ko lang balikan 'yong pasyenteng iniwan ni Drake rito."

[Iniwan? Pinayagan siya umalis kahit hindi pa tapos ang shift niya?]

"Emergency daw, e. Mukhang pinayagan naman siya kaya hayaan mo na," sagot ko sa kanya habang sinesenyasan ang nurse rito sa 6th floor nurse station na bantayan iyong pasyenteng naiwan ni Drake kanina. "Sasaluhin naman daw niya shift ko pag kinailangan ko na—don't worry makakasama ako sa birthday celebration ni Koby."

[Speaking of that bitch! Alam mo ba na hindi ako sinundo niyan nung nasiraan ako? Pinadala niya pa mismo 'yung kaibigan niyang piloto, teh! Pwede namang siya na lang 'yung sumundo sa akin! Parang hindi kaibigan.]

Siya naman itong may gustong maka-bingwit ng piloto simula pa lang noong college kami kaya hindi ko alam kung ano ang pinuputok ng butchi nito. Hindi na nadala doon sa pilotong perpetualite na hanggang ngayon ata ay wala pa rin silang label kahit na naipakilala naman na nila ang isa't isa sa kanilang mga pamilya.

"Lagyan niyo na kasi ng label para hindi ka na inaasar ng mga kaibigan natin," pangiinganyo ko sa kanya.

[Wag mo 'ko simulan sa ganiyang usapan, Celestine Anastasia Lim! Hindi ka rin naman naglalagay ng label, ah!]

Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi niyang iyon. "Magkaiba naman kasi tayo, Gabbi. Busy ako sa buhay, wala akong panahon para sa ganiyan pero ikaw? Ilang taon na ba kayong ganiyan noong taga-perpetual na 'yon, sige nga?"

[Alam mo ikaw? Kung hindi lang kita mahal siguro binatukan na kita at ipinagsigawan ko na rito sa lobby ng ospital niyo na ex mo si Drake Medina at halatang mahal mo pa!]

"What the fuck, Cruz!" Nanlaki ang mata ko. "Hinaan mo nga 'yang boses mo! Baka may makarinig sa 'yo at kung ano pa ang isipin, ayaw kong ma-issue sa lalaking iyon lalo na't hindi naman totoo 'yang mga sinasabi mo," masungit na sabi ko sa kanya. "Pababa na ako, manahimik ka na diyan."

[Okay, fine. Dalian- Shit! Kelsey is here!]

"Oh?" Kumunot ang noo ko. "Ano ang gagawin ko kung andiyan 'yan? Sige na, ibababa ko na." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil bumukas na iyong elevator sa harap ko kaya binabaan ko na rin siya agad ng telepono.

The hell do I care? Malamang pupunta rito 'yan. Dito nagtratrabaho fiancé niya at ang future father in law niya. At saka, ilang beses na rin naman 'yan dito bumibisita simula noong nagtrabaho rito si Drake, ilang buwan na rin siguro 'yan pabalik-balik dito. Minsan nga ay may dala pang pagkain para sa buong team pero hindi rin naman kinakain ng mapapangasawa niya iyong dinadala niyang pagkain kaya imbes na masayang, kinukuha ko iyon para ibigay sa mga security guard at iba pang staff dito sa ospital.

Nang matanaw ko na si Gabbi na abala sa kaniyang telepono, bigla namang sumulpot itong si Kelsey sa harapan ko. "You're here pa pala, Dra. Lim?"

I furrowed my brows at her out of confusion. "Your fiancé left work earlier than his shift kaya sinalo ko iyon, utos kasi ni Tito Jake," I stated, preventing a possible commotion. "Why? Is there a problem? Tito Jake is in his office pa, pwede mo pa puntahan."

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now