Chapter Seven

78 14 0
                                    

#BD7 — He Smokes?

"C'mon. Let's dance. Enjoy the night, 'di ba?" Hinila ni Audrey ang palapulsuhan ko patungo sa dance floor.

Hindi ko alam bakit pero wala talaga ako sa mood para makisayaw sakanila. Well, marunong naman ako sumayaw, halos inaraw-araw ko na nga ang mga clubs at bar noon sa America. Hindi pa rin kasi gano'n kalakas ang tama ng alak sa 'kin kaya walang thrill kung sasayaw ako roon.

Kung ako ang tatanungin, e, mas maganda talaga sumayaw pag nakarami ka na ng inom.

Nagpatangay na lang ako sa hatak ni Audrey. Walang makakapigil dito sa babaeng 'to, lahat ng gusto niya ay hindi pwedeng hindi niya makuha kaya narito ako ngayon sa gitna ng mga nagsasayawan na tao habang hawak ang basong pinuno ko ng Cuervo.

Club can't even handle me right now, huh?

Want so many all know me like Twelve

Look like cash and they all just stare

Bottles, Models, standin' on chairs

Fall out cause that's the business

All out it's so ridiculous

Zone out so much attention

Scream out I'm in the building (hey!)

They watchin' I know this

I'm rockin' I'm rolling

I'm holding, I know it

You know it

Medyo tinatamaan na ata 'ko, pakiramdam ko ay lumulutang na 'ko sa ere. As usual, may lumapit na naman para harutin ako pero hindi ko talaga sila type. 'Yung kanina nga, e, mukhang foreigner pero not my type talaga. Gusto ko 'yong moreno, makapal ang kilay, matangkad, sharp nose, mapungay na mga mata, maganda ang fashion taste, at nakakasugat ang jawline.

"Baby, wanna go somewhere quiet?" Malanding tanong niya sa 'kin habang nakapulupot ang kaniyang braso sa 'king bewang.

Nilingon ko ito dahil may naramdaman ako sa may bandang likod ko na hindi ka-aya-aya. I stopped dancing and pushed him away.

I said I want to have fun pero hindi sa gano'ng paraan!

"No," madiin kong sabi at nag badyang mag lakad papaalis ngunit hinigit nito ang braso ko.

"Hmm. Indeed a baddie," bulong nito sa tenga ko.

I'm Celestine Anastasia Lim! Of course I'm a bad ass woman. Sino ba 'tong mukhang tambay sa kalye na 'to? Mahirap ba intindihin ang dalawang letra na 'yon?

No means no! Jusko!

"Fuck off before I humiliate you, piece of shit." Tinalikuran ko na ito at naglakad na papalapit sa table namin.

Nagulat ako nang biglang may kumalabit sa 'kin. Nilingon ko ito pero dahil sa sobrang dami ng tao dito ngayon ay hindi ko masyado mamukhaan kung sino at kung nasaan na 'yung kumalabit sa 'kin.

Ramdam ko na rin ang hilo kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pabalik sa table namin kung saan nakaupo na si Kazuo mag isa habang pinapanood ang mga taong nag sasayawan.

Nakakainis na ha!

Kalabit ng kalabit, anak ng pusang gala!

"Ano ba?!" Galit na tanong ko sa kaninang humaharot sa 'kin na inaya pa ko somewhere quiet daw? Hindi ako uto-uto 'no!

"You look hot when you're mad," nakangising sabi niya habang pilit na inilalapit ang sarili niya sa katawan ko.

I tried to push him away but he's stronger than me, ang hirap niyang itulak. Nagpupumiglas na rin ako dahil ipinulupot niya na naman ang kaniyang braso sa 'king bewang dahilan kung bakit hindi ako maka-alis sa kinatatayuan ko ngayon.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon