Chapter Two

153 16 1
                                    

#BD2 — Who are you?

Ang kalmado ng lahat, ang lamig ng hangin, at ang liwanag ng buwan. Habang naglalakad na kaming tatlo papalapit sa kotse ni Kuya dahil medyo may ka-layuan rin ito... hindi ko maiwasang 'di sila tignan—nakakainggit.

Only child ako at silang dalawa lang talaga ang nakasama ko buong pagkabata. Nakakainggit kasi halatang mahal na mahal nila ang isa't isa—'yong kaya nilang gawin ang kahit na ano para sa isa't isa...

Pero kahit hindi man nila ako tunay na kapatid, e, ramdam ko naman na importante pa rin ako sa kanila.

"W-who are you?" nagtatakang tanong ko habang pasakay na sa kotse. Nginitian lang ako nito at 'di man lang pinansin ang tanong 'ko. Halatang problemado kaya agad rin nagsalita si Kuya na kakasakay lang sa shotgun seat.

"Uy, bro, did you see her na? I know that look in your face, bro," pangangasar ni Kuya sa kaibigan niya. "Sister ko pala, si Audrey and friend namin si Celestine." Pagpapakilala nito sa'min sa kaibigan niya.

"Tara drive thru na? McDo ba?" Dire-diretsong tanong ng kaibigan ni Kuya habang iniiwas ang tingin sa'ming tatlo.

Kahit anong iwas gawin mo, basang-basa ko ang mukha mo... problemado 'to.

"Good evening po, Ma'am. Can I get your order, please?" Bati ng crew.

"3 BFF fries po, 4 monster coke float, and uhm, 4 McCrispy chicken sandwich po," seryosong sabi ni Audrey.

Halatang may iniisip ito dahil hindi man lang na-excite na mag dri-drive thru kami sa mcdo?

McDo kaya 'to, dapat excited siya!

Ang tagal. Hindi na talaga nakakatuwa 'yung gutom na nararamdaman ko ngayon. Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat, e, 'yung nagugutom ako. Maikli na nga ang pasensya ko, mas iikli pa ito pag gutom ako.

Tulad na lamang ngayon, umiikot na ang sikmura ko. Hindi naman kasi talaga nakakabusog ang pagkain sa eroplano 'no! Besides, unang McDo ko 'to sa Pilipinas, 'di naman siguro masama ma-excite?

"Gutom na 'ko ba't ba antagal? Madaling araw naman, e," pagrereklamo ko.

Humalukipkip na 'ko dahil hanggang ngayon, e, wala pa rin talaga ang order namin kahit halos 30 minutes na kami dito. Nakakailang singhal na rin ako sa sa kawalan pero wala pa rin talaga tapos sumabay pa 'tong magaling naming Kuya. Rinig ko pa rin ang tawa niya kahit anong klaseng pagpipigil ang gawin niya.

Tumataas lang altapresyon ko rito!

"Nothing changed, Anastasia. You're still impatient," nakangising sabi ni Kuya, at sumunod bigla ang pag tawa niya na kinainis ko naman. "Oh, joke lang eh. Nakabusangot na naman mukha mo," natatawang sabi niya.

"Kapal! You're still impatient," pang-gagaya ko sa sinabi niya. "Sus! Mas maikli pa kamo ang pasensya mo kaysa sa pasensya ko, e!" Umirap na naman ako sa kawalan.

Kapal naman nito?

Sa pag kakaalam ko, e, mas maikli pa pasensya niya sa'ming lahat dito. 'Di ko nga alam kung may nadagdag ba sa kanya kahit konti man lang. Ang lakas pa talaga ng loob sabihan akong nothing changed, tss.

"Kita mo! Maikli na nga pasensya, nag tataray pa!" He chuckled.

Kung sakalin ko ba 'to, matatahimik na buhay ko?

"Uy, tahimik mo ah," pabirong tanong ko kay Audrey.

Nilingon niya 'ko gamit ang malalim niyang mga mata. Ilang segundo rin tumagal ang titigan namin. Parang dinurog bigla ang puso ko nang makita ko ang nangingilid na luha niya.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now