Chapter Thirteen

82 14 0
                                    

#BD13 — 19 years

"Nakapagusap na kayo?" Bungad ni Astrid nang magkita-kita uli kami pagbaba ng Ferris Wheel.

Niyakap ko siya agad ng mahigpit. "I'm sorry, Astrid."

I feel so guilty. Kasalanan ko ata kung bakit sila nasira ni Drake. Kung bakit ganito ang nangyari. Astrid doesn't derve this. She's a nice woman, a caring friend, and a loving person. Kahit naman mapaglaro rin 'tong si Astrid, alam kong minahal niya rin si Drake.

"Ano ka ba!" She laughed. "Our plan was perfect... 'di ba? It happened the way we want it to happen." Hinigpitan niya ang yakap niya sa'kin.

Nang kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya, nahagip ng mga mata ko ang mata ni Audrey na parang kakagaling lang sa iyak. Agad ko itong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Bahagyang napaatras si Fourthsky sa ginawa ko but I hope he don't mind.

"Bakit namamaga mata mo, Addie?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya pero umiling lang siya. "I love you, Addie... Ikaw lang talaga best friend ko—promise!"

"Tama na, Celest, uy!" Parang batang reklamo ni Fourthsky habang pilit na inaalis ang kamay kong nakayakap kay Audrey.

"Seloso mo naman!" Panunuya ko.

Ginabi na kami dahil sa Ferris Wheel na 'yon at traffic pa pabalik ng Pop Up. Napagdesisyunan kong kay Fourth muna sumabay. Gusto ko munang lumayo kay Drake kahit na pansamantala lang. Kailangan kong magisip-isip at huminga.

Hindi ko naman inaasahan na gano'n ang isasagot niya sa tanong ko kanina kahit na matagal na akong nagdududa sa pakikitungo niya sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Hindi naman kami magkapatid na tunay kaya wala naman talagang dapat ikabahala.

Pero may parte sa puso ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang magtiwala ulit. Hindi pa nito kayang sumugal ulit sa pag-ibig. Maiintindihan rin naman siguro ni Drake kung hihingi muna ako ng oras para makapag-isip. Sa tono nang pagkakasabi niya kanina ay sigurado akong papanindigan niya ang bawat salitang binitawan niya. He's a man of his word. Kung sinabi niyang liligawan niya ako, ayun talaga ang gagawin niya.

Kahit ano pa'ng tanggi ang gawin ko, alam ko namang ganoon din ang nararamdaman ko para sa kanya.

Niloloko ko lang ang sarili ko. Pinipilit ko lang ang sarili kong si Kazuo ang gusto ko. Oo, gano'n 'yung mga tipo ko at hindi ko naman itatanggi na nahumaling ako sa kanya noong mga unang beses naming pagkikita pero sa bawat araw na nagiging malapit kami sa isa't isa, lalo ko lang napagtatanto na hanggang kaibigan lang talaga 'yung sa'min—we're better off as friends.

Dahil gusto rin makausap ni Drake si Audrey, mabilis namang pumayag si Fourthsky na isabay ako pabalik sa Pop Up habang si Astrid naman ang kasama ni Kazuo. Ngayon ko nga lang nalaman na may kwenta pala kausap 'tong si Fourthsky.

Nang makapasok na kami sa venue, marami-rami na rin ang tao rito, halos thirty minutes na lang din daw kasi at magsisimula na 'yong show ni Just Hush. Nabigla man ako sa naging topic namin ni Fourthsky, pinilit ko pa ring ngumiti ng hilaw sa mga kaibigan naming nauna na rito sa venue. Malamang sa malamang ay hindi papayag ang mga lalake naming kasama na walang iniinom habang nanonood at nakikisaya kaya kahit papasok pa lang kami, natanaw ko na agad sina Drake at Kazuo na bumibili sa isang stall.

Bucket of beers, chill lang daw ang gusto nila. Inabutan rin nila kaming mga babae at si Fourthsky na umalis na sa likod ko para puntahan si Audrey.

Bakit ang daming sinasabi ng mga tao sa paligid?

Kesyo 'di raw tayo bagay, lumayo ka na

Ako daw ay sinungaling, lolokohin ka

Nagsimula nang kumanta si Just Hush. Wala naman kaming balak makigulo pa sa mga taong malapit sa stage, ayos na kami rito. Parang kailan lang pinapakinggan ko pa 'to sa Spotify, e. Nakakailang bote na rin kami, paubos na nga 'yung binili nilang isang bucket sa sobrang bilis nilang uminom. Akala ko pa naman chill lang.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now