Chapter One

291 26 4
                                    

#BD1 — Wake up, Celestine!

"Wake up, Celestine Anastasia!" Sigaw ni mommy habang binubuksan 'yong curtains ng room ko.

"Mom, It's too early pa para bumangon at saka mamaya pa naman po flight ko, diba?" Pagrereklamo ko sa kanya at agad na tinakpan ang tenga ko gamit ang isa ko pang unan.

"You'll miss your flight, Celestine," pagpapaliwanag nito at dinig ko pa ang yapak niya na papalapit na sa kama ko. "Audrey's waiting for you downstairs. She even brought you home last night kasi wasted ka."

"Of course, Mom, despedida party nga po eh," seryosong sabi ko habang inaayos ang aking pinaghigaan. "I'll take a quick bath lang po, paki-sabi na lang po kay, Addie."

We decided to continue our college journey in the Philippines, that's the reason why Addie's waiting for me na downstairs. Audrey talaga 'yun, I gave her that nickname noong kinder kami. She was born here sa US. We met lang noong nagmigrate kami ng family ko dito para sa work nila and para sundan na rin ang iba pa naming family relatives dito.

Pagkatapos ko mag ayos, kinuha ko na ang mga maleta ko na inimpake ko nung isang araw. Two weeks and 2 days from now mag sisimula na ang college journey ko kaya sinigurado ko rin na wala akong maiiwan na importanteng bagay para naman hindi hassle.

Pababa pa lang ako ng hagdan, dinig ko na agad ang usapan ni Mommy and ni Audrey. Ang lakas, e! Babatiin ko na nga sana sila kaso bigla naman nagring 'yung phone ko.

'Kuya <3 is calling...'

"Hello? What do you need?" Tanong ko habang naglalakad papalapit sa breakfast table kung saan kumakain at naguusap 'yong dalawang pinakamamahal ko na babae sa mundo. "Y-you what? Ha? Bobo ka ba? Okay fine," agad ko itong binabaan ng telepono.

Pagkababa ko ng telepono, kinain ko na lang agad iyong pancakes na niluto ng mommy ko. I'll surely miss this.

"Hoy! What? There's no 'Good Morning' for me? Wala man lang 'Thank you for bringing my drunk ass home last night' jan?" Natatawang sabi ni Audrey.

Inirapan ko ito bago ituloy ang pagubos sa aking pagkain.

Hindi ko naman kasi maalala na I passed out last night kasi super drunk ko na. At saka, I know naman na high-tolerance to si Audrey when it comes to alcohols kaya kampante ako na kahit ilang bote pa ang itaob ko, may mag-uuwi sa'kin.

"Uh, Mom, saan po pala ako tutuloy pag dating sa Manila?" I asked my mom while trying my best iwasan 'yung titig ni Audrey.

Ang awkward kaya, diba? Nakakaconscious malala.

Bakit ba kasi tinititigan na naman ako nito? May dumi ba 'ko sa mukha?

"You'll stay with your tito muna, baka next year pa kasi ako makasunod. You know naman, anak, paper works," pagpapaliwanag nito sa'kin habang hinihiwa ang pancake niya. "Your tito will pick you up sa airport, Celest. By the way, nakausap mo na ba ang daddy mo, Audrey?" Dagdag na tanong nito kay Audrey.

"Ah, yes po, tita. Dad will pick us up daw po and pinalinis na rin po niya rooms namin nila Celest," Nakangiting sagot ni Audrey.

Si Tito Jake pala ang susundo sa'min? Akala ko ba busy si tito sa hospital kaya tumawag si Kuya para sabihin na sila na lang daw ng kaibigan niya ang susundo sa'min? Alam ba 'to ni Audrey? O baka kaya sa'kin sinabi ni Kuya para ako nanaman ang mag papaliwanag kay Audrey? Awit ka talaga!

After namin kumain at mag-drama dahil alam ko naman na mamimiss ako nito ni Mommy, sumakay na kami sa kotse para makapunta na sa airport dahil baka maiwan pa kami ng eroplano.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now