ADHIKA KABANATA 2

154 13 52
                                    

[Kabanata 2 - Mapapangasawa]

NANATILI akong gulat na nakatulala kay Danyiel, hindi pa rin ako makapaniwala na sya ang napili ni ama. Tumayo na si Ama at lumapit sa akin, pinaupo na nya ako sa pangalawang upuan dahil ang bakanteng upuan na malapit sa kabisera na kinauupuan ni Ama ay nakareserba para kay Ina. Kaya naman nasa tapat ko ngayon si Danyiel na diretsong nakatingin sa akin, nais ko sana syang awayin ngayon ngunit nakakahiya naman kay ama at sa kanyang mga magulang.

Kaya naman nag iwas na lang ako ng tingin, siguro ay mamaya na lang. "Hindi na ako makapaghintay pang pag-usapan ang tungkol sa pag-iisang dibdib ng aking anak na si Gwenaelle at ang inyong anak na si Danyiel Villanueva, maaari na ba nating pag-usapan ito?" Ngiti ni Ama, napatingin ako kay Ama. Marahil ay inaakala nya ngayon na wala akong pakielam dahil ito naman talaga ako, walang emosyon ang aking mukha kung kaya't hindi nya siguro alam na tumututol ako sa kasal na ito.

Nagsitanguhan naman si Don Samuel at Doña Luzvimida, nanatili namang tahimik si Danyiel. Hindi ba sya tumututol sa kasal na ito? Marahil ay pinilit sya ng mga magulang nya, kung ayaw nya sa akin ay mas ayaw ko sa kanya. Nais ko sanang sabihin kay Don Samuel at Doña Luzvimida ang kasalanang nagawa ng kanilang anak sa akin ngunit ayoko namang gumawa ng eksena, nanatili na lamang akong tahimik. Nagugutom na ako, nais ko sang magsimula nang kumain ngunit hangga't hindi sila nagsisimulang kumain ay hindi rin ako maaaring magsimula.

Tumayo muli si Ama at hinawakan ang balikat ko, "Ang aking anak na si Gwenaelle ay hindi basta-basta nagpapakita ng emosyon. Tulad ngayon, walang emosyon ang kanyang mukha. Ganoon talaga sya ngunit sa kabila noon, may tinatago syang mga emosyon sa kanyang puso ngunit hindi nya nais ibahagi," panimula ni ama. Sa tuwing pinapakilala nya ako, palagi nya na lang binabanggit ang aking kawalan ng emosyon. Marahil ay upang hindi ako magmukhang masama sa paningin ng lahat, mahalaga talaga kay Ama ang tingin ng mga tao sa amin.

"Napansin ko rin na hindi sya nagpapakita ng emosyon, palagi lamang blanko ang kanyang mukha. Ngunit kahit ganoon, nararamdaman ko na mabuti syang binibini." Napatingin ako kay Doña Luzvimida nang magsalita sya, nakangiti sya sa akin ngayon. Bigla ay tila hinaplos ang puso ko, tumango na lang ako upang hindi nya isipin na wala akong paki sa sinasabi nya.

Walang sino man ang nagtangkang tanungin kung bakit ganito ako, marahil ay dahil alam na nila. Masyadong sensitibo ang aking damdamin para sa usaping iyon, ang usapin na kaya ganito ako ay dahil sa pagkawala ng aking Ina. Huminga ako ng malalim at napayuko, binabalot lalo ako ng lungkot sa tuwing naaalala ko ang pagkamatay ni Ina. Hindi na naman mahirap para sa akin na itago ang nararamdaman ko, hindi basta-basta tumutulo ang luha ko.

Inakbayan naman ni Doña Luzvimida ang anak nyang nagpapasira ng araw ko. "Ang aking anak naman na si Danyiel ay isang mabait at maginoong lalaki, pinalaki ko sya ng maayos kung kaya't buo sa aking kalooban na ipaubaya sya kay Binibining Gwenaelle. Maalaga at responsable rin ang aking anak," pagmamalaki ni Doña Luzvimida, ngumiti at tumango naman si Ama at Don Samuel. Napatigil naman ako at napatingin kay Danyiel na napangiti dahil sa papuri ng kanyang ina, nais ko sanang sabihin na hindi totoo 'yan dahil tinakasan nya ako matapos nya akong mabunggo.

"Nararamdaman ko rin na mabuti ang kalooban ni Ginoong Danyiel, panatag na ang aking loob na ipaubaya ang aking anak sa kanya," ngiti ni Ama, ako naman ay hindi panatag. Ama, kung alam mo lang na mali ang iyong nararamdaman. "Hijo, ipinauubaya ko na sa iyo ang kamay ng aking anak. Ikaw na ang bahala sa kanya," nakangiting sabi naman ni Ama kay Danyiel. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ang kanyang ngiti bago tumango sa sinabi ni Ama.

"Masusunod po," magalang na tugon ni Danyiel, bumalik na si Ama sa kabisera at umupo roon. "Ito na ang simula ng habang buhay na pagsasama at pagtutulungan ng ating pamilya, anong petsa ang inyong maimumungkahi kung kailan gaganapin ang kasal ng ating mga anak?" Tanong ni Ama, napangiti naman ang mga magulang ni Danyiel at napaisip.

"Aking inimumungkahi na sa unang linggo ng setyembre gaganapin ang kasal nila." Napatingin ako kay Don Samuel nang magsalita sya, napatango naman si Doña Luzvimida sa inimungkahi ng asawa. "Sumasang-ayon ako mahal ko, sa buwan ng setyembre rin ang kaarawan ni Danyiel. Hindi ba't kay ganda kung ipagdiriwang ni Danyiel ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang asawa?" Ngiti ni Doña Luzvimida, nagsitanguhan ang lahat maliban sa amin ni Danyiel.

Bigla ay kinikilabutan ako ng marinig ang sinabi ni Doña Luzvimida, hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kilabot na nararamdaman ko. Sa buwan ng setyembre pala ang kaarawan ng lalaking ito, sana ay iyon na ang huli.

Sa oras na mawala sya, magiging malaya na ulit ako! Wala na akong asawa at magiging asawa pa dahil iisipin nila na pinagpalit ko agad si Danyiel kung mag-aasawa muli ako ngunit ang totoo ay hindi na talaga ako mag-aasawa, mabubuhay na ako ng malaya hanggang sa mamatay na rin ako. Ngunit napatigil ako nang mapagtanto na kay sama at dilim ng aking iniisip, hindi ko akalaing kay sama ko na pala!

"Anak, kinakausap ka ni Doña Luzvimida," natauhan ako ng marinig ang sinabi ni ama, doon ko lang napagtanto na nakatingin silang lahat sa akin ngayon. Napalunok ako at nahihiyang tumikhim. "A-ano nga ho ulit iyon?" Tanong ko, nais ko nang magpalamon sa lupa ngayon dahil sa hiyang nararamdaman ko. Ngumiti naman si Doña Luzvimida bago magsalita ulit, mabuti na lang at hindi sya nagalit.

"Aking itinatanong kung maaari ba kitang isama lagi sa aming tahanan upang sanayin kita tungkol sa pag-aasawa," nakangiting pag-uulit ni Doña Luzvimida na ikinagulat ko ngunit hindi ko naman ipinahalata iyon. Tumango na lang ako, hindi ko akalaing ganito pala ang pakiramdam sa pamamanhikan. Nakakakilabot!

TAHIMIK akong nakatulala ngayon sa labas, narito ako ngayon sa labas ng aming Hacienda, naroon sa loob si Ama, Don Samuel, at Doña Luzvimida habang masayang nagke-kwentuhan. Ang sabi ni Ama ay igala ko raw si Danyiel sa loob ng mansyon at maging sa labas ngunit sa pagkakataong ito ay ako naman ang tumakas, nagpaalam ako na pupunta muna sa palikuran ngunit ang totoo ay dumeretso ako sa labas.

Hapon na at payapa ang buong kapaligiran, nakaupo ako ngayon sa labas ng aming tahanan ngunit nasa likod na parte ako ng aming tahanan. Gawa sa kahoy ang bangko at sakto lang taas, mahaba rin ang sukat nito. Napatigil ako ng may maramdaman akong presensya na papalapit sa akin, nanatili akong nakatalikod. Alam ko naman na magpapakita ang taong iyon sa akin, bakit kailangan ko pang lumingon?

Umihip ang malamig na hangin, napatigil ako ng may maamoy na mahalimuyak. Hindi ito pamilyar kung kaya't sa palagay ko ay hindi si Ama ang narito ngayon, hindi na ako naghintay pang pumunta ito sa harap ko upang makita ko sya. Tumayo na ako at lumingon sa taong nasa likod ko, nagulat ako ng makita si Danyiel. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang narahan nyang pagngiti.

"Magandang hapon... Aking mapapangasawa," ngiti nya sabay tingin ng diretso sa mga mata ko, napatingin ako sa dalawang biloy ng kanyang pisngi dahil sa pagngiti nya. Hinubad na nya ang kanyang sumbrelo at itinapat iyon sa kanyang dibdib bilang paggalang at pagbati sa akin.

Nanatili akong gulat na nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon ang kinaiinisan ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay sya na rin ngayon ang aking mapapangasawa.

********************
#Adhika #Pag-ibigSerye

Pag-ibig Serye #1: AdhikaWhere stories live. Discover now