ADHIKA KABANATA 16

66 6 4
                                    

[Kabanata 16 - Kagandahan]

ILANG sandali pa ay bumalik na ulit sya at may dalang halamang gamot at palanggana. Iinapag nya ang palanggana sa lamesa at inabot sa akin ang halamang gamot na nakalagay sa maliit na baso, maiinom ito. Dahil malamang, nasa baso ito.

"Makatutulong ang gamot na iyan para sa iyong ubo," pagbibigay impormasyon nya, isang beses pa lang akong umubo ngunit paiinumin nya agad ako ng gamot sa ubo. Inamoy ko ang ito, hindi kaaya-aya ang amoy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tinignan sya nang naghihinalang tingin. Natawa naman sya kung kaya't napatulala ako sa kanyang ngiti, anong karapatan nyang ngitian ako?

"Huwag kang mag-alala, walang lason ang gamot na iyan," natatawang sabi nya, napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na ngayon ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang kanyang pagtawa, pilit kong hinahanap ang inis na aking nararamdaman sa tuwing ginagawa nya iyon ngunit hindi ko mahanap ang Gwenaelle na walang emosyon at matigas sa paningin ng lahat.

Diretso ko na lang ininom ang halamang gamot na iyon, pumait ang aking mukha dahil kay pangit ng lasa nito. Mas lalo syang natawa nang mapagmamasdan ang naging reaksyon ng aking mukha, kinuha na nya sa akin ang halamang gamot na ininom ko at binigyan naman ako ng tubig. Dali-dali kong ininom iyon upang mawala na sa aking panlasa ang gamot na kay pangit ng lasa, matapos no'n ay kinuha na nya sa akin ang baso at ilinapag iyon sa mesa.

Kinuha nya naman ang maliit na palanggana na naglalaman ng malamig na tubig at ilinapag iyon sa aking mesa, kinuha nya rin ang isang puting bimpo at ilinublob iyon sa tubig. Napatingin ako sa kalangitan na patuloy pa rin sa pag-iyak, bukas ang lahat ng bintana kung kaya't pumapasok ang malamig na hangin sa buong silid.

Muli ko na ulit syang tinignan, pinagmamasdan ko syang itaas ang manggas ng kanyang suot na damit dahil baka mabasa ito. Tinupi na nya ang basang bimpo at maingat na ilinagay iyon sa aking noo, napatingin din sya sa akin at binigyan lang ako ng ngiti.

Nagtaka ako ng ilahad nya ang kanyang kamay sa akin, ang lapit lang namin sa isa't isa dahil nasa iisang kama lang naman kami. "Tanggapin mo ang aking kamay kung pumapayag ka na idampi ko ang bimpong ito sa iyo," saad nya, hindi na ako nag-inarte pa at tinangap ko na ang kanyang kamay. Nakita ko nang mapangiti sya. "Baka kasi isipin mo na naman na ako'y mapusok," natatawang biro nya, hindi ko alam ngunit natawa rin ako sa biro nya. Iyon na nga dapat ang sasabihin ko kanina.

Ngunit napatigil ako nang mapagtanto na tumawa ako, ngumiti ako. At lahat ng iyon ay nagawa ko dahil sa kanya. Lumaki ang kanyang ngiti. "Sa wakas ay narinig na rin kitang tumawa," nakangiting sabi nya at kinuha ang bimpo sa aking noo bago muling ilublob iyon sa palanggana, piniga nya ito at idinikit sa kamay kong hawak nya ngayon. "Bagay sa 'yo," dagdag nya, hindi ko alam ngunit sa pagkakataong ito ay nais kong tumawa habang buhay dahil sinabi nyang bagay ito sa akin.

"Talaga?" Taas kilay na tanong ko, naniniguro. Tumango naman sya ng tatlong beses. "Kung tunay ito," saad nya, napatango ako. Maging ang aking kabilang kamay ay pinunasan nya na rin ngunit hindi umabot ang kanyang kamay sa aking braso na nakatago sa manggas ng aking suot na baro, hindi ko malaman ang nararamdaman habang ginagawa nya iyon. Kinakabahan ako na natutuwa na— Hindi ko na alam!

Nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa, halos malaglag ang panga ko ng idampi nya naman ang hawak na bimpo sa aking leeg! Gulat akong napatulala sa kanya, mukhang hindi naman ito malaking bagay sa kanya dahil isa syang doktor. Malamang ay marami na syang naging pasyente na tinulungan nya ng ganito kung kaya't hindi nya namamalayang kapangahasan ito sa aking paningin.

Pag-ibig Serye #1: AdhikaWhere stories live. Discover now