ADHIKA WAKAS

153 8 16
                                    

Now playing: Huling Sandali by December Avenue.

[Ang Wakas]

NAPATINGALA ako sa napakataas na bundok na aming tinatanaw ngayon ni Danyiel. Ang aking plano ay magtungo kami sa daungan, lumayo sa Santa Prinsesa at sabay iwanan ang mundong mapait. Ang aking plano ay mabuhay kami ng payapa sa malayong lugar kung saan walang makapipigil sa amin, ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago matapos marinig ang ikinukubli ng kanyang damdamin...

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay dali-dali akong pumasok sa loob ng selda at paupong yinakap sya, muntik na kaming matumba sa sahig dahil sa aking pasunggab na yakap ngunit mabuti na lang at napigilan nya iyon. Yinakap nya rin ako pabalik ng sobrang higpit, hindi ko nais pang bumitaw sa kanya.

"Kay sakit pa lang mabasa ang iyong kauna-unahang liham sa loob ng kulungan," rinig kong bulong nya, napapikit na lang ako dahil sa sinabi nya. Totoong iyon ang kauna-unahang liham na ibinigay ko sa kanya at ang laman pa no'n ay puno ng sakit, nabasa nya pa ito sa loob ng selda. Humigpit ang aking pagkakayakap sa kanya.

"T-tumakas na tayo papalayo sa mundong ito..." Nangingilid ang luhang saad ko at hindi pa rin kumawala sa kanyang yakap. "H-handa na ang lahat, maaari na tayong lumayo sa lugar na ito. Magsimula tayo ng bagong mundo," dagdag ko, nararamdaman ko ang pagtibok ng kanyang puso ngunit sa pagkakataong ito ay hindi iyon malakas.

"N-nais kong sumama sa 'yo at mangyari ang bagay na iyong nais ngunit... Ang aking puso." Dahan-dahan akong bumitaw sa aking pagkakayakap sa kanya at nag-aalalang pinagmamasdan sya, ako'y humihingi ng tawad dahil mukhang nasaktan sya sa aking mahigpit na yakap. Kinuha nya ang kamay ko at itinapat iyon sa kanyang dibdib.

"Nanghihina na sya, nararamdaman na nya ang kanyang huling sandali." Agad namuo ang luha sa mga mata ko nang marinig ang sinabi nya, umiling ako at muli syang yinakap ng maingat. "P-pakiusap, h-huwag mo akong iwan..." Humihikbing pakiusap ko, nararamdaman ko ngayon ang labis na takot na baka iwanan nya ako sa mundong mapait. Natatakot ako na mawala sya sa aking tabi, natatakot ako na hindi na nya mahawakan pa ang kamay ko.

"N-nais kitang samahan habang buhay ngunit hindi na kaya ng puso kong patuloy na tumitibok para sa 'yo, nawa'y patawarin mo sya..." Wala akong ibang nagawa kung hindi paulit-ulit na umiling at yakapin sya, hindi ko na alam ang gagawin gayong nararamdaman na nya ito.

Ngunit isa lang ang nasisiguro ko sa mundong ito. Kumawala muli ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi. Tinignan ko sya ng diretso sa mga mata, desidido na ako sa disesyon kong ito. At iyon ay ang samahan sya kahit saan at kahit kailan. Kinakabahan man ngunit huminga ako ng malalim bago sabihin ang Adhika ng aking puso. "Kung ito man ang iyong huling sandali, sasamahan kita..."

Aking napagdisisyonan na samahan na lamang sya sa kanyang huling sandali, tinanong ko sya kung ano ang kanyang pangarap at ang sagot nya ay ang makapanik sa pinakamataas na bundok. Kailanman ay hindi nya nagawa iyon dahil hindi kaya ng kanyang puso. Ngunit ngayon, sabay namin itong gagawin.

Pag-ibig Serye #1: AdhikaWhere stories live. Discover now