ADHIKA KABANATA 30

60 7 1
                                    

[Kabanata 30 - Mahal kita]

MAKALIPAS ang ilang araw ay unti-unting naghihilom ang sugat na aking tinamo sa braso hanggang kamay. Mabuti pa ang mga sugat ko, naghihilom na. Hindi tulad ng puso kong patuloy nangungulila sa kanya. Hindi ko inaasahan ang pagdating nya sa aking buhay, at hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ang aking loob sa kanya.

Masakit man, ngunit kailanman ay hindi ko pinagsisihan na sya ang iniibig ko hanggang ngayon. Ito pala ang pakiramdam kapag ikaw ay umiibig, maswerte nga lang ang iba sapagkat masaya sila sa kanilang kwentong pag-ibig. Masakit sa damdamin ngunit hindi ko nais na mawala ang aking pag-ibig na kailanman ay hindi rin bibitaw sa kanya.

Mabuti na lang at wala si ama, malamang ay uusisain nya ako tungkol sa kung anong nangyari sa aking sugat. Malamang ay mananagot din ang pamilyang gumawa nito sa akin, mas mabuti pang humilom muna ito bago tuluyang umuwi si Ama.

Alas sais na ng gabi, sa oras ng pagsapit ng gabi ay hindi maganda na lumabas pa ang mga babaeng katulad ko ngunit maganda ito para sa akin. Nagsuot ako ng talukbong na itim upang sa oras na lumabas ako ay hindi nila ako mamukaan, nais ko lang tanawin ang aking kalakasan.

Na syang akin ding kahinaan, kabalisaan, at kasiyahan.

NAPAHAWAK ako sa isang puno na malapit lang sa panciteria, napahawak naman ang aking isang kamay sa tapat ng aking puso dahil napagod ako sa kakalakad. Mula sa klinika ay sinundan ko sya at sa wakas ay tumigil na sila, hindi ko magawang matakot maglakad sa dilim ng mag-isa dahil mas nangingibaw sa akin ang aking Adhika na masilayan sya.

Makalipas ang ilang sandali at nang maayos ko na ang aking sarili ay naglakad na ako papasok sa loob ng panciteria, agad kong nakita si Danyiel na kasama si Sergio. Nag-iinuman pala sila, mukhang lango na sila sa alak dahil hindi ako nakilala ni Sergio nang mapatingin sandali sa akin. Nakatalikod naman si Danyiel kung kaya't hindi nya pa ako nakikita, tinalikuran ko na sila dahil baka mahuli nila ako.

Nang may lumapit sa aking serbidora ay agad akong sumenyas na huwag syang magsalita nang akmang magsasalita na sana, nagtaka naman ito. "Tumahimik ka na lang," bulong ko at may inabot sa kanyang salapi, iba nga talaga ang nagagawa ng pera dahil nagawa ko syang patanguhin at paalisin sa aking harapan.

Pasimple akong umupo sa isang pwesto na malapit lang sa kanilang dalawa, naririnig ko na ngayon ang kanilang pinag-uusapan. "Narinig ko sina Ama at Ina na pinag-uusapan ang aking pagkakaroon ng asawa. Tumatanda na raw kasi ako at kailangan ko na ng asawa't pamilya," rinig kong saad ni Sergio, mukhang lasing na talaga sya dahil sa paraan ng kanyang pagsasalita. Nakatalikod ako sa kanila at suot pa rin ang aking talukbong na tila si kamatayan.

"Huwag mong balakin na suwayin ang iyong mga magulang. Malay mo... Ang iyong mapangasawa ay syang iyong iibigin din," rinig ko namang sabi ni Danyiel, kumibot ang aking labi nang marinig ang kanyang boses. Isa pa itong si Danyiel, doktor silang dalawa ngunit umiinom sila ng alak na syang masama sa ating katawan. Nais ko silang pagalitan at pauwiin ngunit wala sa lugar iyon.

"Sya ay iniibig ko naman talaga ngunit— s-sandali, anong oras na ba? Nahihilo na ako, ako'y uuwi na." Pasimple ko silang sinulyapan at nakita ko nang tumayo na si Sergio at pagewang-gewang na lumabas at iniwan mag-isa si Danyiel, sinulyapan ko naman si Danyiel na nakasandal sa kanyang kinauupuan at nakatulala.

Mukhang malalim ang kanyang iniisip, nababasa ko sa kanyang mga mata ngayon ang lungkot at pag-iisa. Namumula rin ang kanyang mukha dahil sa pag-inom. Napatingin sya sa kalangitan kung saan doon matatagpuan ang buwan, tila kumirot ang aking puso nang may kuhanin syang panyo sa kanyang bulsa at pagmasdan iyon. Ang panyong kanyang hawak ngayon ay ang panyo na ibinigay ko sa kanya noon, ang puting panyo kung saan nakaburda ang buwan na syang aking paborito sa lahat.

Pag-ibig Serye #1: AdhikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon