Nagmamahal, Cess

131 7 19
                                    

[10/02/2021 - 10/18/2021]

Adhika is now officially ended! Hindi ako makapaniwalang nagawa kong matapos ang nobelang ito sa loob ng labing anim na araw (16 days), labing anim na araw ko lamang silang sinulat ngunit habang buhay na mananatili sa aking puso si Danyiel at Gwenaelle.

Ito ang aking kauna-unahang istorya na nagawang magpabuhos ng aking luha. Ang sakit isipin ng kinahinatnan nilang dalawa ngunit kahit ganoon, tulad ni Gwen ay masaya pa rin ako dahil sila ang magkasama sa huling sandali ng kanilang pag-iibigan.

Huling Sandali by December Avenue ang pinili kong theme song ng Adhika dahil sa naging wakas ng kwento, tulad ng sinabi sa kanta ay para sa kanilang dalawa ang maling pagkakataon. Habang sinusulat ko ang akdang ito, may mga musika akong pinakikinggan na syang magpapaalala sa akin ng kwentong ito....

1. Huling Sandali (By: December Avenue)
2. Fallin' (By: December Avenue feat. Clara Benin)
3. Buko (By: Jireh Lim)
4. Sana (By: I Belong To The Zoo)

Maraming salamat sa mga kantang ito lalong-lalo na sa kanta ng December Avenue na kasama ko simula pa sa aking akda na 'Memories Of The Sky'. They give me motivation na manakit, char. Gusto ko lang talaga ang mga tragic endings, mas nakikita ko kasi roon ang ganda ng isang kwento kahit pa masakit. <//3

And to my beloved Cessthetics, thank you so much for your support! Thank you so much for the reads, votes, and comments you gave to this story. No words can explain how grateful I am to have you, Cess loves you forever. <3

Sya nga pala, Adhika means...

n.
1. a wish, intention: adhika, ambisyon, hangarin
2. a fervent or tenacious wish, desire or ideal

Inshort; Ambisyon, Hangarin, at Kahilingan.

: Ikaw? Ano ang iyong Adhika?

*****

Maraming salamat muli! Mahal ka ni aestheticess! See you sa ikalawang serye ng pag-ibig! Si Carolina ang protagonist doon, ating basahin ang tunay na ikinukubli ng kanyang damdamin. See you sa Gunita! ♡

ᜋᜇᜋᜒᜅ᜔ ᜐᜎᜋᜆ᜔ ᜶ ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜒᜆ <3

Official hashtags:
#AdhikAestheticess
#GunitAestheticess
#TadhanAestheticess
#HiwagAestheticess
& #PagIbigSerye

Nagmamahal,
Cess.

Pag-ibig Serye #1: AdhikaWhere stories live. Discover now