ADHIKA KABANATA 7

70 10 6
                                    

[Kabanata 7 - Kalungkutan]

NARITO pa rin ako ngayon sa Hacienda Villanueva, matapos ang malungkot na sandali kanina ay agad nilang nagawan ng paraan upang humupa iyon. Sa aking palagay ay masiyahin ang pamilyang ito, ang pamilya Villanueva.

Nagbuburda kami ngayon ni Doña Luzvimida, wala akong hilig sa pagbuburda. Kailanman ay hindi ako nakagawa ng isang maganda at maayos na burda, palagi rin akong natutusok ng karayom kung kaya't sinukuan ko na ito noon pa man. Ngayon ay muli akong nagbabalik sa gawaing ito dahil kay Doña Luzvimida, mahilig daw kasi syang magburda. Pinakita nya sa akin ang mga naiburda nyang damit at masasabi kong kay ganda nga ng mga nagawa nya.

"Hija, ikaw ba ay napopoot?" Natauhan ako nang magtanong si Doña Luzvimida, napagtanto ko na pinanggigigilan ko na pala ang puting panyo na hawak ko kung saan sinabi ni Doña Luzvimida na burdahan ko ng simpleng bulaklak ngunit hindi ko magawa. Umiling ako. "Ilagay mo na lang ang pangalan ng taong nasa isip mo ngayon. Iyon bang gumugulo sa iyong isipan," wika ni Doña Luzvimida at ngumiti ng mayumi, nagpatuloy na sya sa kanyang ginagawa ng sobrang hinhin. Tumango na lang ako at sinumulang burdahin ang pangalan ng taong gumugulo sa aking isipan ngayong buong buwan.

"Danyiel?" Patanong na basa ni Doña Luzvimida sa aking ibinurda makalipas ang ilang minuto, napatigil ako. Sa tingin ko ay lumulutang na ang aking isipan dahil hindi ko namalayang ito na pala ang naburda ko. "Bakit po Ina?" Agad kong itinago sa aking likod ang panyo kung saan nakaburda ang pangalan nya, napatingin sya sa akin dahil sa ginawa ko. Muli akong nagpanggap na walang nangyari, nakita ko nang napangiti si Doña Luzvimida.

"Wala, anak. Nais ko lang sabihin na ako'y natutuwa sa iyong kasintahan," ngiti ni Doña Luzvimida, nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang karayom na hawak ko. Kukuhanin ko na sana iyon ngunit pinigilan ako ni Danyiel. "Ako na, Binibini. Baka masugatan ka pa," saad nya at maingat na kinuha ang karayom at linagay iyon sa lalagyan, habang ako naman ay nanatiling gulat. Nararamdaman ko ang pagkabog ng aking puso ngayon dahil sa sinabi ni Doña Luzvimida at maging ni Danyiel.

"Sige na, bumalik ka na sa iyong ginagawa dahil mukhang hindi sanay si Binibining Gwen sa iyong presensya," natatawang sabi ni Doña Luzvimida at mukhang nang-aasar sya, nakita ko nang ngumiti si Danyiel at tumango bago tuluyang umalis sa aming harapan. Sinundan ko sya ng tingin, saan pupunta iyon?

Kinuha ni Doña Luzvimida ang panyong binurdahan ko, sandali nya iyong inusisa. "Naiintindihan ang bawat letra ngunit sa aking palagay ay nararapat ka pang mag-ensayo ng kaonti," ngiti ni Doña Luzvimida, tumango na lang ako. Hindi naman nya kailangan pang pagandahin ang mga salitang bibitawan nya dahil alam ko namang pangit talaga ang paraan ng aking pagbuburda, sabog-sabog ba.

Napatingin si Doña Luzvimida sa kalangitan. "Malapit na palang sumapit ang dilim, malamang ay nag-aalala na ang iyong ama dahil isinama kita rito ng walang paalam sa kanya. Ipapahatid na kita kay Danyiel," wika ni Doña Luzvimida. "Kasama pa po talaga si-" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil nagsalita na muli si Doña Luzvimida. "Maaari mo bang tawagin ang aking anak?" Mayuming pakiusap ni Doña Luzvimida sa isang kasambahay, magalang naman itong tumango at pumanik sa hagdan.

Napatulala na lang ako dahil sa katotohanang makakasama ko na naman sya, hindi na ako nag-abalang lumingon pa ng may marinig na yabag sa hagdan dahil alam kong si Danyiel iyon. Tumayo na ako ngunit nanatiling diretso ang aking tingin sa kung saan at hindi sa kanya, napatingin ako kay Doña Luzvimida nang hawakan nya ang kamay ko. "Maraming salamat sa iyong oras aking anak. Nawa'y hindi pa ito ang huli," nakangiting sabi ni Doña Luzvimida, muli ay tila hinaplos ang puso ko dahil tinawag nya akong anak. Tumango naman ako.

Pag-ibig Serye #1: AdhikaWhere stories live. Discover now