ADHIKA KABANATA 31

48 6 0
                                    

[Kabanata 31 - Pag-ungkat]

PAREHO kaming nakasandal ngayon ni Danyiel sa isang malaking puno, madaling araw na at hinatak ko sya sa likod ng punong ito dahil sa takot na may makahuli sa amin. Alam kong mali at kapangahasan ang mga kilos naming ito ngunit wala naman kaming ginagawang masama.

Sandali, wala nga ba?

Hindi na kami nakatakda pang ikasal kung kaya't hindi na rin kami magkasintahan sa paningin ng lahat. Ngunit hindi na mahalaga pa sa akin iyon dahil ang katotohanang iniibig namin ang isa't isa ay sapat nang dahilan upang ibigay ko sa kanya ang aking unang halik, hindi ko alam kung maaalala nya pa iyon bukas ngunit bahala na.

Nakakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil nararamdaman ko pa rin ang kanyang labi sa akin, hindi ko akalaing may pag-aalayan ako ng halik sa tanang ng buhay ko. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig, iwas sa mga tao, at walang pakielam sa mundo. Ako nga iyan ngunit noon pa iyon, nagsimula ang bago kong mundo mula noong araw na ako'y umibig na sa kanya.

"Sana ay totoong nangyayari ang sandaling ito..." Napalingon ako sa kanya mula sa pagkakatitig sa kalangitan nang magsalita sya, pilit nyang linalabanan ang kanyang antok. Sa akin naman sya nakatitig habang pilit iniisip na totoong kasama ko sya sa buong magdamag, muli nyang inabot ang aking kamay at hinawakan iyon ng mahigpit bago itapat sa kanyang puso.

"Kung isa man itong panaginip, ako'y umaasa na malaman mong ikaw ang itinitibok nito," saad nya at ibinaon ang aking kamay sa kanyang dibdib, napangiti ako dahil sa sinabi nya. Hindi ito isang panaginip, narinig mismo ng aking dalawang tainga ang kanyang pagsinta.

"Mahal mo rin kaya ako? Sapagkat ako, mahal kita." Pakiramdam ko at natunaw ang aking puso dahil sa sinabi nya, mula kanina ay ito rin ang kanyang sinasabi. Yinakap nya ang aking kamay at sumandal muli sa puno.

"Mahal ka nya ngunit nasasaktan sya sa iyong pagiging malamig," sagot ko sa tanong nya at tinabihan sya sa pagsandal, napadilat ang kanyang inaantok na mga mata. Muli nya akong pinagmamasdan na tila iyon lang ang kanyang nais gawin habang buhay.

"Paumanhin... Ako'y nag-aalala lang sa kanya, maaari syang mapahamak sa oras na makitang kasama ako. Mahal ko sya ngunit hindi ko nais na lalong mapalapit sa kanya dahil kapag nangyari iyon, mas lalong magiging masakit sa damdamin. Patagal ng patagal, pasakit ng pasakit. Pakiramdam ko ay hindi sumasang-ayon ang tadhana sa aking Adhika," mapait na sabi nya tulad ng mundo, napapikit ako sa kanyang sinabi at dinama na lang ang malamig na ihip ng hangin na yumayakap sa aming dalawa.

Maging ako ay ganoon din ang pakiramdam, hindi sumasang-ayon ang lahat sa aking Adhika. Tama rin sya na sa oras na tumagal ito, mas lalong sasakit. Alam naming dalawa na mahirap pagsamahin ang isang taong nakatakda nang ikasal sa iba na kung dati ay sya, umayos ako ng pagkakasandal at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay kung kaya't napatingin sya sa akin.

"Ika'y matulog na ng mahimbing. Isipin mo na lang na isang itong panaginip na tila totoo sapagkat alam na ni Gwenaelle ang iyong tunay na nararamdaman," wika ko at binigyan sya ng ngiting mapait, nagtaka sya sa aking sinabi ngunit sa huli ay tumango rin sya at sumandal sa aking balikat.

"Mahal kita, Gwenaelle..." Ang kanyang bulong bago tuluyang ipikit ang kanyang mga mata, ipinikit ko rin ang aking mga mata at huminga ng malalim. Nasasaktan ako sa aming sitwasyon, nais naming magsama ng malaya ngunit hindi maaari. Bakit ganoon? Kay daya ng mundong ito.

Kahit inaantok ay muli kong idinilat ang aking mga mata, hindi ako maaaring matulog dahil baka may makahuli sa amin ng hindi ko namamalayan. Muli ko na lang pinagmamasdan ang kalangitan na nagsisimula nang lumiwanag, hindi ko alam kung anong oras na ngunit aking nasisiguro na paparating na ang mga taong maaaring makahuli sa amin.

Pag-ibig Serye #1: AdhikaWhere stories live. Discover now