ADHIKA KABANATA 33

59 7 0
                                    

[Kabanata 33 - Katanungan]

NAKATULALA kong pinagmamasdan ang pamaypay na na hawak ko ngayon, ito ang pamaypay na isinauli sa akin ni Danyiel noon. Nakaupo ako ngayon sa silya at katapat ko ang pabilog na salamin. Naalala ko na noong araw na iyon ay wala pala akong dalang abaniko, kataka-takang may isinauli si Danyiel na abaniko at sinabing iyon ay naiwan ko sa loob ng simbahan.

Ang pamaypay na ito ay ang syang gamit ni Ina bago sya mawala.

Ang mas nagpapagulo pa sa akin ay paano ito napunta kay Danyiel gayong natatandaan ko na kinuha ng mga armadong lalaki ang abaniko namin ni Ina. May nabubuong paghihinala sa aking isip ngunit pilit kong iniwawaksi iyon, maaari namang aksidente ang mga nangyari hindi ba? Maraming ganitong klaseng abaniko, maaaring...

Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko na alam pa kung paano mag-iisip ng dahilan upang tuluyan nang mawala ang isiping ito at mapanatag ang aking loob na walang kinalaman ang taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos sa mapait kong nakaraan.

Pilit kong itinatatak iyon sa aking isipan ngunit hindi ako tinitigilan nito, napahawak na lang ako sa tapat ng aking puso. Nakalipas na ang dalawang araw simula noong huli kaming nagkita ni Leviano. Hindi ko alam kung nasaan na sya ngayon ngunit nais ko lang na malinawan, nais kong malaman ang kanyang nalalaman.

Matapos nyang sabihin ang isang makabuluhang bagay tungkol sa pagkamatay ng aking Ina ay nagpaalam na sya, bakas sa kanyang mukha na malalim ang kanyang iniisip bago tuluyang umalis. Maging ako ay naiwang tulala at hindi na alam kung ano ang mararamdaman, sumasakit ang aking ulo sa labis na pag-iisip.

Napasabunot ako sa aking sariling buhok at nagugulumihanang tumayo, napahampas ang aking dalawang kamay sa aking lamesang gawa sa kahoy. Hindi ko na kayang manahimik pa, sapat na ang pitong taon upang ako'y magkaroon ng boses. Kailangan ko na ring kumilos at hindi umasa sa hukuman na kay bagal umusad.

Alas dose na ng hapon, tuluyan nang lumubog ang araw. Dinala ko lang ang abanikong hawak ko bago tuluyang umalis sa aming hacienda at pumunta sa lugar kung saan alam kong nasaan sya.

NAPAANGAT ang aking tingin sa mataas na simbahan, sa pinakataas nito ay naroon ang krus kung saan nakapako ang panginoong diyos. Napahinga ako ng malalim bago lakas loob na pumasok sa loob ng simbahan, pilit kong linalabanan ang kabang bumabalot ngayon sa aking buong pagkatao. Nanginginig ang aking mga kamay, bukod sa hindi pa ako handang harapin sya ay kinakabahan din ako sa aking mga itatanong sa kanya.

Pakiramdam ko, kaonti na lang at bibigay na ako. Kaonti na lang at iaatras ko na an aking mga paa palayo sa kanya at palayo sa paghihinalang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako matahimik at mapali kung kaya't kailangan ko nang ilabas ito. Kapapasok ko pa lang ngunit natanaw ko na ang pamilyar na lalaking nakatalikod sa akin ngayon, nasa pinakalikuran sya kung kaya't malapit lang sya sa akin.

Muli akong huminga ng malalim at buong tapang na naglakad paupo sa hilerang kinauupuan nya, sya lang ang nakaupo sa isang helera ng mahabang upuan maliban sa akin. Walang misa ngayon ngunit bukas ang simbahan para sa mga taong nais magdasal. Nasa pinakadulo sya ng upuan at ganoon din ako, nawa'y maramdaman nya ang aking presensya.

Napikit ang kanyang mga mata at nakayuko ng kaonti habang ang kanyang dalawang kamay at magkahawak, kaonti lamang ang tao sa loob ng simbahan at abala sa kani-kaniyang buhay. Sa kalagitnaan ng aking pagtitig sa kanya ay napatingin ako sa altar kung saan magtatagpo sana kami noon, napapikit na lang ako at humiling na sana ay walang masamang mangyari sa aking Adhika.

Ilang sandali pa ay inimulat na nya ang kanyang mga mata, hindi ko namalayang malapit na pala ako sa kanya ngunit hindi naman sobrang lapit. Wala na ako sa pinakadulo ng mahabang upuan tulad nya, malapit na ako sa sentro ng upuan. Akala ko ay tatayo na sya ngunit sumandal sya sa kanyang kinauupuan habang ang nakahahalinang mga mata ay nasa altar.

Pag-ibig Serye #1: AdhikaWhere stories live. Discover now