ADHIKA KABANATA 20

70 6 2
                                    

[Kabanata 20 - Pagtanggap]

BUWAN ng hulyo, dalawang buwan na lang at ikakasal na kami ni Danyiel. Kay bilis ng panahon at sandali, parang kailan lang ay inis na inis pa ako sa kanya. Ngunit ngayon, masaya ako. Hindi ko alam kung paano ngunit ang tanging alam ko lang ay masaya ako.

Narito ako ngayon sa isang panciteria, napuntahan ko na ito ng ilang beses katulad na lamang noong kasama ko si Danyiel at Carolina. Narito pa rin ang kanilang panciteria at hindi na ito ipinagbili pa dahil napagtanto nila na panciteria ang kanilang buhay. Isa rin ito ngayon sa paborito kong kainan dahil masarap ang kanilang mga pagkain, hindi man ito pang mayaman ngunit hindi ito mahalaga sa akin. Ang tanging ang mahalaga lang sa akin ay ang masarap kong makakain.

Kumakain ako ngayon ng pancit na syang pangunahing lutuin nila sa panciteria na ito, nais ko na palang mabuhay ng mahaba ngayon. Pumasok sa aking isipan si Danyiel, ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon?

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain nang may maramdamang presensya na malapit sa akin ngayon, hindi na ako lumingon pa at hinintay na lang itong magpakilala. Nagpatuloy na sya sa paghakbang hanggang sa magtama ang aming paningin, si Carolina. "Magandang umaga Gwenaelle, maaari ba kitang saluhan sa pagkain?" Lakas loob na tanong nya, bakas sa kanyang mukha na nag-aalinlangan syang lumapit sa akin at kausapin ako. Mukha ba akong nakakatakot?

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango, maingat syang umupo sa katapat kong upuan; may isang lamesa sa pagitan namin. Mukhang makikihati sya sa aking pagkain, sayang ang kayamanan ng kanyang angkan kung hindi sya bibili ng sa kanya. Hindi ako madamot ngunit pagdating sa pagkain ay oo.

Nakahinga ako ng maluwag nang tawagin nya ang isang serbidora at sinabi ang nais nyang kainin, umalis na ang serbidora kung kaya't nabaling na ang atensyon nya sa akin. "Gwenaelle... Ikaw ba ay napopoot pa rin sa akin?" Tanong nya, mahihimigan ang lungkot sa kanyang boses dahil lumalayo ang loob ko sa kanya ng dahil kay Danyiel.

Sandali ko syang pinagmamasdan, mukhang wala naman talagang intensyon si Carolina na ako'y makaramdam ng lungkot at paninibugho. Sandali- Ako'y naninibugho?

Napahinga na lang ako ng malalim at umiling, wala naman talaga syang kasalanan. Ang magulo ko lang na damdamin ang dahilan kung bakit lumalayo ang loob ko sa kanya, dahan-dahang sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Carolina matapos makita ang tugon ko. Kami ay magkaibigan mula pagkabata, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nya ako nagagawang iwanan sa kabila ng aking angking ugali.

"Hindi, hindi naman at hindi naman talaga." Napangiti sya lalo dahil doon at mukhang natunaw pa ang kanyang puso. Sa totoo lang ay ayoko ng madagdagan pa ang poot sa aking puso, palalayain ko na lamang ito.

"Maraming salamat, kaibigan! Huwag kang mag-alala, wala naman akong pagtingin kay Danyiel. May iba akong napupusuan sa Europa," ngiti nya, napaisip akong sandali. "Hindi ba't sa Europa mo rin nakilala si Danyiel?" Usisa ko, nanatili syang nakangiti. Kay inosente ng kanyang mukha at tila sya ay nabuhay sa isang masaya at masaganang pamilya dahil sa napakaganda nyang ngiti.

"Ngunit naroon pa rin ba sya hanggang ngayon?" Tanong nya pabalik, nagkatinginan kami at sa huli ay natawa. Para kaming nasa hukuman at pinag-aawayan ang isang maliit na bagay.

Dumating na ang kanyang pagkaing pinili kung kaya't nagsimula na ulit akong kumain at maging sya, tila nabunutan ng malaking tinik ang puso ko dahil sa sinabi nya. Panatag akong kumain kasama sya dahil ang mga salitang binitawan nya ay magbigay ng kapanatagan sa akin, kapanatagan na hinihintay ng aking puso.

NAGLALAKAD ako ngayon pauwi sa aming Hacienda, may kalesa naman ngunit tila hindi ako nakaramdam ng pagod sa paglalakad ko mula sa panciteria hanggang sa aming tahanan. Hindi naman ako pinagpawisan dahil malakas ang ihip ng hangin mula pa kanina, hindi ko na kailangan pang magpaypay upang ako'y hindi mainitan dahil dito.

Pag-ibig Serye #1: AdhikaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora