ADHIKA KABANATA 11

70 7 28
                                    

[Kabanata 11 - Pag-ibig]

TAHIMIK ang buong kapaligiran, aking nakasanayan simula pa no'ng una. Simula noong mawala si Ina na syang nagbibigay ilaw sa aming madilim na tahanang bumabalot sa akin ngayon. Walang ibang tao sa loob ng salas tulad ng aking nais, hindi ko sila pinahintulutang pumunta sa salas dahil nais kong mapag-isa.

Sa cuarto ko na lang sana nais magkulong ngunit ako'y nagsasawa na sa tanawing aking nakikita. Hindi ko alam kung bakit ito ang aking ginawang disensyon gayong maaari akong tumangis ng walang tigil sa aking silid ng walang nakakaalam at nakakarinig. Malungkot ako at nais kong ilabas ito ngunit hindi mawala-wala ang lungkot sa aking dibdib, nais kong i-luha ito ngunit wala na akong mailuluha pa.

Ngunit sa kabilang banda, sa tuwing dumadating sya ay tila malilimutan ko ang sakit. Napatingin ako sa bukas na bintana kung saan matatanaw ko ang labas at kalangitan. Kulay asul ang kalangitan, paparating pa lang ang araw. Nararamdaman ko ang marahang Pag-ihip ng hangin dahil bukas ang lahat ng binatana sa aming tahanan, sya na nakatakdang ikasal sa akin. Dapat ko na bang tanggapin ang aking nakatakdang kapalaran?

Nahagip ng aking mata si Purificasion na papalapit sa akin ngayon, malamang ay magtatanong pa sya kung maaari ba syang magtanong. "Magandang umaga po Señora Gwenaelle! Maaari po ba akong magtanong?" Nakangiting tanong nya tulad ng aking inaasahan, kay dali talagang kabisaduhin ng mga taong walang bago sa paraan ng pamumuhay at pagsasalita. Lalong-lalo na kung sya ang ang nakikita mo araw gabi.

"Nagtatanong ka na nga, ano iyon?" Walang emosyong tanong ko, napakamot naman si Puring sa kanyang ulo.

"Itatanong ko lang po sana kung inyo po bang pahihintulutan ang pagbisita ni Binibining Carolina ngayon?" Patanong na saad nya na may kaakibat na impormasyon, napatigil ako ngunit hindi nya naman iyon napansin. Anong ginagawa ni Carolina rito?

Tumango na lang ako, hindi na ako nag-abala pa na sundan ng tingin si Puring dahil alam ko namang pupunta sya sa labas at papapasukin si Carolina na hindi ko alam kung ano ang pakay ngayon sa akin. Aagawin na nya ba sa akin si Danyiel?

Napatigil ako at gulat na napahawak sa aking bibig dahil sa tanong kong iyon, hindi ako makapaniwalang matatanong ko iyon sa aking sarili. Napatikhim ako at napaayos ng upo. Kung sa bagay, hindi ko naman pagmamay-ari ang lalaking iyon. Kung nais nyang agawin si Danyiel, edi sa kanya na! Wala naman akong balak pigilan sya, ang tadhana lang ang nais pumigil.

"Gwenaelle," napatingin ako sa nagsambit ng aking pangalan, si Carolina. Nakangiti sya sa akin ngayon, hindi maitatanggi na kay ganda ng kanyang ngiti. Ano kaya ang aking hitsura kapag nakangiti? Nakakatawa dahil hindi bagay.

"Ano ang iyong kailangan," walang emosyong tanong ko, walang halong pagtatanong ngunit tanong na rin iyon. Hindi naman sya nagulat dahil sanay na sya sa aking kawalan ng emosyon, simula bata kami ay hindi naman talaga ako palangiti.

Maingat syang umupo sa aking tabi. "Nais sana kitang anyayahang pumunta sa bayan, magsimba tayo at magsaya!" Nakangiting sabi nya na tila hindi kami naghiwalay ng ilang taon, sya pa rin ang dating Carolina ngunit tumanda lang ang mukha nya. Magkasing edad lang kami ngunit malaki ang pinagkaiba ng aming pagkatao, napakalaki.

"Ika'y pumayag na kaibigan, pakiusap. Ngayon lamang tayo muling lalabas ng magkasama kung kaya't ika'y pumayag na," panghihikayat nya at may kasama pang pagpapaawa upang ako'y pumayag nya.

Sandali ko syang pinagmasdan. Kay galing nya ngang magpaawa dahil maging ako ay nahahawa, huminga ako ng malalim bago tuluyang tumango. Napangiti naman sya ng malawak at yinakap ako ng mahigpit, napapikit pa ako dahil kay higpit ng yakap nya. Ayaw na nya ata akong mabuhay, biro lang ngunit hindi talaga bagay.

NARITO na kami ngayon bayan, diretso lang ang tingin ko sa daan at sa mga tanawin na interesado sa aking paningin. Magkatapat kami ngayon ni Carolina dahil ang upuan ng kanilang kalesa ay magkatapat, kanina nya pa sinusubukang mag-umpisa ng usapin ngunit hindi ko naman sya pinapansin. Tanging tango lang ang ibinibigay ko, hindi ko maunawaan kung bakit ayaw nya pa rin akong paalisin sa kalesa nya kahit pa hindi ko naman sya pinapansin.

"Tayo'y magsimba muna sandali upang sa gayon ay gabayan tayo ng ating panginoon sa ating paglalakbay na gagawin," ngiti ni Carolina, tumango na lang ako. Sinabi na nya sa kutsero na dumiretso sa simbahan ng Santa Prinsesa, tumango naman ang kutsero at pinatakbo ang kalesa papunta sa aming destinasyon.

PAGKARATING namin sa loob ng simbahan, naglakad na si Carolina papunta sa isang helera ng mahabang upuan ng simbahan. Sumenyas sya sa akin na umupo na ako sa upuan kung saan ko gusto, huminga ako ng malalim at umupo sa hilera kung saan walang ibang nakaupo. Nagsimula na akong magdasal.

Noong patapos na akong magdasal, may naramdaman akong presensya at tumabi ito sa akin. Umihip ang malamig na hangin kung kaya't nakarating sa aking pang amoy ang kanyang pabangong sumama sa hangin, lihim akong napangiti dahil kilala ko na kung sino ang nasa tabi ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit sya narito ngayon sa aking tabi gayong isinama ko lang naman sya sa aking dasal. Tinapos ko na ang aking pagdarasal bago muling inimulat ang aking mga mata. Dahan-dahan akong lumingon sa aking katabi at hindi ako nagkamali, si Danyiel iyon. Kay lakas talaga ng loob nyang tabihan ako kahit na nasa pampublikong lugar kami, at sa simbahan pa talaga.

"Kay pusok mo talaga," mataray na pagpuna ko sa kilos nya at tinalikuran sya, kasabay ng aking pagtalikod ay tila paglukso ng aking pusong matagal na panahon ng patay. Hindi ko alam ngunit nais kong makipag kulitan sa kanya kahit pa hindi naman ako iyon, hindi ko maunawaan ang aking kilos ngunit ang tanging alam ko lang ay masaya ako sa ganitong sitwasyon.

"Nagkakamali ka, Binibining Gwen. Hindi ako mapusok na ginoo tulad ng iyong iniisip," nakangiting pagtatanggol nya sa kanyang sarili, taas kilay ko syang nilingon. "Ibang-iba ang mga sinasabi mo sa kinikilos mo," taas noong saad ko naman, nanatili syang nakatitig sa akin habang nakangiti pa rin.

"Hindi maaaring magtabi ang isang binibini at ginoo, maliban na lang kung sila ay pamilya o magkapamilya na. Tayo'y paparating na rin doon kung kaya't sa aking palagay ay hindi na ito kapusukan pa, ang aking ginawa ay ang pagtabi sa aking asawa..." Nakangiting sabi nya sabay tingin ng diretso sa mga mata ko, kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang tila pagbagal ng takbo ng paligid at tanging sya lang ang aking nakikita't naririnig.

Hindi ko maintindihan ngunit tila sa bawat salitang binibitawan ng lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang tila unti-unti ko ring pagkahulog sa patibong ng salitang pag-ibig.

********************
#Adhika #Pag-ibigSerye

Pag-ibig Serye #1: AdhikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon