ADHIKA KABANATA 12

80 7 32
                                    

[Kabanata 12 - Paninibugho]

"BINIBINI at Ginoo. Paumanhin ngunit walang lugar ang kapusukan sa simbahang ito." Pareho kaming gulat na napatayo ng may magsalitang madre sa aming likuran, nakakahiya dahil mukhang kanina pa sya naroon at narinig ang aming pinagsasabi!

Napatingin din sa amin ang ilang tao na nakarinig sa sinabi ng madre, mukhang nakilala pa nila kami. Kami na syang anak ng dalawang makapangyarihang pamilya ngunit mukhang linagay namin sa pagkapahiya ang aming kani-kaniyang pamilya, sa sobrang hiya ay mabilis ang nagbigay galang sa itapat ng altar at dire-diretsong lumabas ng simbahan.

Nakita ko pa si Carolina na nagulat ng makita ako at nagtataka akong sinundan ng tingin, mukhang hindi nya naman narinig ang sinabi ng madre dahil malayo sya sa akin at may kumakausap pa sa kanyang mga madre na mukhang kakilala at kaibigan nya. Mukhang hindi nya rin nakita ang pagtabi sa akin ni Danyiel dahil abala sya sa pakikipag-usap.

Nagdire-diretso ako sa kalesang pagmamay-ari ng pamilya ni Carolina, nagulat pa ang kutsero at mukhang nagising mula sa pagkakaantok dahil sa ginawa kong pagsampa sa kalesa. Nais kong takpan ang aking mukha ngunit nakalimutan ko ang aking abaniko at hindi ko alam kung nasaan iyon.

"Gwenaelle!" Hindi ko nilingon ang tumawag sa aking ngalan ngunit alam kong si Carolina iyon, nanatili lang akong nakayuko. Ramdam ko ngayon ang pag-init ng aking pisngi dahil sa nakakahiyang pangyayari kanina.

"Gwenaelle." Napatigil ako at gulat na napadungaw sa kalesa nang marinig ko ang boses ni Danyiel na tumawag sa akin, pakiramdam ko ay bigla akong kinilabutan nang makita syang diretsong nakatingin sa akin ngayon.

"Anong nangyari? Bakit ika'y nagmadaling umalis sa loob?" Tanong ni Carolina, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Napaiwas na ako ng tingin at sumandal na lang sa upuan na tila wala akong maririnig, ipinikit ko na lang ang aking mga mata st malalim na nag-isip. "Sya nga pala, sasama ngayon sa atin si Ginoong Danyiel. Ayos lang sa akin dahil kaibigan ko naman sya at sa tingin ko ay ayos lang din naman sa iyo dahil nakatakda kayong ikasal sa isa't isa." Muli akong napatigil dahil sa sinabi ni Carolina, napapikit ako ng mariin at umayos ng upo.

Nais ko nang umuwi. Ngunit kung uuwi ako, silang dalawa ang magsasama buong gabi? Ngunit anong pakielam ko? Bahala sila sa buhay nila. Sa oras na may makahuli sa kanila, ang panginoong Diyos na ang bahala sa kanila.

Naramdaman ko na may sumakay sa kalesa, nakayuko kong tinignan kung sino iyon. Si Carolina ang sumakay at inalalayan syang sumakay ng kutsero, napatango ako dahil doon. Hindi maaaring maghawak ang kanilang kamay kahit pa sabihing magkaibigan sila, ako lang ang katanggap-tanggap na maaaring gumawa noon.

Napatingin ako sa kasuotan ni Carolina, nakasuot sya ng puting baro at luntiang saya. Napatingin naman ako kay Danyiel, pareho sila ng kulay na suot ni Carolina. Parehong luntian ang kulay ng suot nilang dalawa. Napatingin ako sa aking suot, kulay kremang baro at itim na saya ang aking suot dahil ako'y pinaglihi ngang talaga sa sama ng loob. Mukhang ako pa ngayon ang nakikisali sa kanilang paglabas. Napailing na lang ako, maging ang kulay ng suot ay ginagawa kong malaking bagay. Ako'y nag-iisip bata na.

Napasulyap ako kay Danyiel dahil hindi pa rin sya sumasakay ng kalesa, nakatingin lang sya sa akin. Marahil ay iniisip nya ngayon kung kanino sya tatabi, kung sa isang mahinhing binibini ba o sa isang binibining pinaglihi sa sama ng loob.

Malamang sa malamang ay pipiliin nya ang isang mahinhing binibini na hindi sya palaging susungitan, tatarayan, at sisiringan. Tinalikuran ko na lang sya nang maisip iyon, edi doon na sya sa mahinhing binibini nya!

Pag-ibig Serye #1: Adhikaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن