01

18K 54 2
                                    

                    𝗛𝗢𝗪 𝗖𝗔𝗡 𝗜 𝗠𝗢𝗩𝗘 𝗢𝗡
                   

"So... Why did you broke up with her? Bakit mo siya pinakawalan?" asked by my friend na kasama ko na umiinom ngayon.

"Why did I broke up with her? It's simple, I broke up with her because she's not happy to be with me anymore. Tuwing magkasama kami palaging malayo ang isip niya. Ako ang kasama niya pero ibang lalaki ang palaging bukam-bibig niya. Sa tuwing nagk-kwento siya palaging ang lalaking bago niya lang makilala ang palaging laman ng kwento niya. 'Yung saya na lagi kong nakikita sa mga mata niya sa tuwing kami ay magkasama ay hindi ko na makita pa. Lumalabas lang ang ngiti niya kapag nagk-kwento na siya tungkol sa lalaking nakilala niya. Nararamdaman ko na rin na ang puso niya ay pag-aari na ng iba. Ako 'yung kasintahan niya pero parang ako pa 'yung nakikihati sa atensyon niya na dapat naman talaga para sa akin," huminto muna ako dahil nararamdaman ko na papatak na naman ang mga luha ko na akala ko ay ubos na, akala ko wala na akong natitirang luha pero meron pa pala.

"Mahal na mahal ko siya, alam mo 'yan, bud. Pero tao rin ako. Nakakaramdam ng pagod, at nagsawa. Napagod ako na ipagsiksikan ang sarili ko sa taong iba na ang gusto, nagsawa na ako palagi niyang pinaparamdam na pagmamay-ari na siya ng iba. Samantalang ako naman 'yung kasintahan niya. Mahal ko siya pero hindi pa rin pala sapat iyon dahil may dumating lang na iba, naglaho bigla ang nararamdaman niya para sa akin. May dumating lang na iba pinaparamdam niya na sa akin na ito ang bagong mahal niya." My tears are starting to fall repeatedly. Until now, I'm still hurting. I'm the one who ended our relationship yet I'm only the one suffering this kind of pain.

Masaya na siya sa taong kailan niya lang nakilala, samantalang ako, nandito pa rin umaasang sana mawala na 'tong sakit na nararamdaman ko, na sana magawa ko na ring sumaya kahit wala na ang babaeng mahal ko na ngayon ay masaya na sa piling ng iba. Hanggang ngayon hindi ko alam kung makaka-usad pa ba ako sa sakit na nararamdaman ko. Sana paggising ko ay nakalimutan ko na siya, na sana bukas wala na ang sakit na nararamdaman ko. Pero alam ko naman na malabo iyon. Mahirap kalimutan ang babaeng minahal mo ng sobra.

"Move on, Bud," ani nito.

"How can I move on when I'm still inlove with her? How can I move when I'm still into her?" pumapatak pa rin ang mga luha ko habang sinasabi ang mga iyon. How can I move on if I always remember the memories we had? How can I move on when she's still popping in my mind? How can I move on when my heart keeps beating only to her? Agad akong nakaramdam ng hilo dahil sa madami na pala kaming nainom. Dahan-dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata na punong-puno pa rin ng luha. Hindi na ako magtataka na magising bukas na maga na naman ang mga mata.

'𝙒𝘼𝙆𝘼𝙎'

NOTE: KUNG ALAM MO NG HINDI NA SIYA SA IYO MASAYA, PALAYAIN MO NA. KUNG IBA NA ANG NAGMAMAY-ARI NG PUSO NIYA BITAWAN AT IPAUBAYA MO NA PARA HINDI KA NA UMASA NA BABALIK PA ANG NARARAMDAMAN NIYA PARA SA 'YO. LET GO AND MOVE ON. MAY TAMANG TAONG NAKATADHANA PARA SA ATIN. KAILANGAN LANG NATIN AY MAGHINTAY

One Shot Stories Where stories live. Discover now