021

1.1K 14 0
                                    

"𝐑𝐄𝐋𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐔𝐖𝐈 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐍"

I'm Kaizer Santos, 17 years old. I have a girlfriend we both love each other. Our relationship is almost perfect. Legal kami sa mga magulang namin. Minsan natutulog ako sa bahay nila at siya naman minsan sa bahay namin, magkatabi kami pero wala kaming ginagawang milagro dahil yon ang usapin namin. Naghahalikan kami pero hanggang don lang hindi na namin umabot sa paggawa nang 'di dapat dahil masisira ang tiwala ng aming mga magulang. Kapag dumadaan kami sa harap ng maraming tao, palagi kaming inaasar at palaging pinupuri ang relasyon namin dahil 'di kami tulad ng magkasintahan na sinusubukan ang kuryusidad sa pagtatalik. Pero habang tumatagal parang nagbabago ang relasyon namin, bigla akong nawalan ng gana at parang wala na akong maramdaman na pagmamahal para sakanya. Kaya nang magkaroon ako ng lakas ng loob ay agad ko na siyang kinompronta. Tinawagan ko siya at sinabi kong saan kami magkikita. 'Di nagtagal ay dumating din siya. Agad akong kumaway para makita niya ang direksiyon. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sakin.

"Hey love," sabi ko nang makalapit siya sakin.

"Ano yong sasabihin mo sakin?." tanong agad nito sakin.

"Alam mo naman na mahal kita dba? Pero 'di ko alam ba't naging ganito? Bigla akong nawalan ng gana sa'yo at nawala na lang bigla ang pagmamahal ko sa'yo. Sorry I did try my best para mabalik yong pagmamahal ko sayo pero hindi na ehh. Ang hirap ng ibalik.Sor-" Mahaba kong sabi na 'di ko na natapos dahil pinutol niya na ang sasabihin ko.

"No need to say sorry. Kasi ako gano'n din, nawala na ang pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo. Biglang nawala 'di ko namalayan," sabi niya, nagulat ako dahil ganon din pala siya.

"Mukhang 'di talaga tayo ang para sa isa't isa. Salamat sa pagpaparamdam ng pagmamahal. 'Di ko malilumutan na minsan kitang minahal," sabi ko.

"Ako rin, pwede naman tayong maging magkaibigan na lang di'ba?" tanong niya.

"Oo naman. Pagmamahal lang yong nawala. Pwede pa naman ang ating samahan," sagot ko rito.

"So...Friends?" Offer niya

"Friends!" sagot ko.

Bago kami umalis ng lugar na yon ay nagyakapan muna kami. Ito na yata yong sinasabi nila na RELASYON NA NAUWI SA PAGKAKAIBIGAN.

(MrLazyWriter)

One Shot Stories Where stories live. Discover now