038

572 4 0
                                    

                                UNTITLED

GAMIT ang likod ng iyong kamay, pinupunasan mo ang luhang sunod-sunod na pumapatak mula sa iyong mga mata . Pagod na pagod ka na ngunit hindi mo magawang sumuko. Sa Sobrang pagod at hirap ng iyong nadarama, gusto mo na lang mamahinga.

Pinupogpog mo ang iyong dibdib para mabawasan ang sakit, ngunit lalo lamang itong naninikip. Gusto mo nang tapusin ang iyong paghihirap pero alam mong ito ay kasalanan.

Hawak-hawak ang iyong unan, ika’y tumingala at binigkas ang mga katagang, “Bahala na o Bathala na.”

Ang mga salitang iyon ang pahiwatig na isinusuko mo na sa Kaniya ang sakit. Lahat nang bumabara at bumabagabag sa iyo.

Nawa’y sa pagpikit ng iyong mga mata’y wala na ang iyong mga agam-agam at gigising na maluwag ang kalooban.

                                 ***

One Shot Stories Where stories live. Discover now