034

620 8 1
                                    

                              UNTITLED

“Babe, date tayo,” maaliwas ang mukhang sabi ng girlfriend ko saka kumapit sa braso ko.

“Hindi ako p’wede babe eh. May pupuntahan kami nila papa maya-maya,” tugon ko.

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila.

“Pero babe, tatlong linggo na tayong hindi nag-d-date eh. Busy ka kasi.” Mahihimigan ng pagtatampo ang boses nito.

“May ibang araw pa naman babe!” Ginulo ko ang buhok nito. “Sige uwi na ako babe!” Then kissed her forehead.

THREE DAYS PASSED...

Nandito ulit ako sa bahay ng girlfriend ko.

“Babe, tatlong araw kang ‘di nagparamdam,” ani ng girlfriend ko

“Sorry I’m just busy!”

“I texted you last night para sunduin ako sa waiting shed ng school pero ‘di ka dumating.” Umupo ito sa couch.

Tapos na ito mag-aral. May kinuha lang siyang files sa school nila. Gabi na siya umuwi dahil tinulungan niya ang dating teacher niya sa pag-aayos ng student’s profiles at pag-aayos na rin ng school para sa sports fest sa susunod na linggo.

“Sorry. Late ko na kasi nabasa ang text message mo. Nang nagtext ako sa’yo, reply mo nakauwi ka na.” Nilapitan ko ito.

“It’s fine. I understand that you’re busy.”

“Thank you, babe!” I smiled at her then hugged her tight.

Kumulas ako sa pagkakayakap nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa. Text message ‘yon mula kay Mama. Pinapauwi na ako nito dahil kakain daw kami sa labas kasama ang kaibigan niya at anak nito.

“Babe. I have to go. Mag-l-lunch daw kami sa labas sabi ni Mama kasama ang kaibigan niya at anak nito.”

“Sure! Bye!”

At umalis na ako.

‘Yon ang naging huling pag-uusap namin ng girlfriend ko, no’ng araw na ‘yon.

ONE WEEK PASSED.

Nagulat ako nang makita ko si Anne—ang girlfriend ko. Nakaupo ito sa may single couch. Gabi na pero pumunta pa ‘to rito sa bahay.

“Babe, why did you came here?” Nilapitan ko kaagad ito.

“Let’s end this?”

“End what?”

May hint na ako kung ano ang pinapahiwatig niya pero ayokong maniwala rito, baka kasi mali ako.

“Our relationship!” Malamig ang boses nito.

“W-What!? W-Why? Did I do something wrong!?” gulat na usal ko.

“Hindi mo ba napapansin ang sarili mo huh, Rey? Wala ka ng oras sa akin?”

“Alam mo naman na busy ako.”

“A-Alam ko, pero Rey naman kahit man lang ang i-text ako, hindi mo magawa. Saka ka lang mag-text kapag nag-text ako, pero pag-hindi ako nag-tetext, wala kang paramdam. I know that you’re a busy man, pero sana naman i-text mo ako. Kahit ‘yon lang sana.” At nagsimula nang magsi-tuluan ang mga luha nito.

Hindi lang ako nagsalita.

“Umaabot ng tatlong araw minsan isang linggo pa na hindi ka nagpaparamdam, Rey. H-Hindi naman gaano kalayo ang bahay niyo sa bahay namin, sana man lang pinupuntahan mo ako para makapag-usap tayo kahit tatlo o limang minuto lang, ayos na sa’kin basta makausap kita. P-Pero wala ehh. Alam ko ring minsan nagsisinungaling ka sa akin. Kapag gabi nasa bar ka, gabi-gabi ka ro’n sabi ni kuya Henry. P’wede mo naman sabihin sa’kin, pero pinipili mong magsinungaling. P-Pagod na ako kakaasa na dadating ang araw na ako naman ang uunahin mo. Ayoko na makihati sa oras ng isang abalang tao. A-Ayoko na.”

“Sorry, babe. Don’t break up with me. Promise I will make it up to you!” Natataranta na ani ko at nagsimula nang umiyak.

“Huli ka na, Rey. Sana noon pa! And for your information, I-I w-was raped nung gabing nagpapasundo ako sa’yo, pero hindi ka dumating kasi late mo na nabasa ang message ko. I was raped by two guy that night. I-I’m still lucky dahil hindi nila ako pinatay.” Tumalikod na ito sa’kin at naglakad na.

Huminto ito. “Sana ang susunod mo na magiging girlfriend, pahalagahan mo na. Iparamdam mo sa kaniya na mahalaga siya. Iparamdam mo sa kaniya na deserve ka niya at deserving ka para sa kaniya. P-Paalam.” At lumabas na ito ng tuluyan.

Nanghina ako sa nalaman. Sana pala nung tumunog ang phone ko, tiningnan ko sana ‘to. Napuntahan ko sana siya at hindi sana siya na-rape ng mga gagong ‘yon. Napaupo ako sa couch at napahilamos sa mukha ko na punong-puno na ng luha.

Sana inuna ko siya kaysa sa pag-b-bar. Sana pinaramdam ko sa kaniya na mahalaga siya. A girl like her deserves the universe, but I’m a jerk. Sinaktan ko siya imbis na dapat ay pahalagahan.

Tama nga sila na nasa huli ang pagsisi.

                           

                                  ‘END’

One Shot Stories Where stories live. Discover now