074

538 1 0
                                    

                                   HEIDI

Ang mga mata ni  Lira ay namamaga na naman dahil sa dalawang linggo nang nawawala ang kaniyang  kapatid  na si Heidi. Hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Kahit may tulong na ng mga pulis ay hindi  pa rin ito mahanap. Nababalisa na siya gayong laganap na ang pagkawala ng mga babae sa lugar nila kasabay nang pagkawala ng kaniyang kapatid.

Naglalakad siya pauwi galing sa kaniyang pinagtatrabaho-han nang may makita siyang nagkakagulo at may mga pulis din doon. Nang lumapit siya doon ay nakita niya kung ano ang pinapalibutan ng mga tao, isang dalagitang nakahandusay sa sahig na sigurado siyang wala ng buhay at ang mga kuko sa mga daliri nito sa paa at kamay ay tinanggal. Bigla siyang kinabahan. Inisip niya kung ano na ang kalagayan ng kapatid.

“Heide, nasa’n ka na ba?” naisatinig niya, kinakabahan at nababahala.

Hindi niya na kinakaya pa ang kaniyang nakikita kaya umalis na siya na nakatakip ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang bibig. Hindi niya alam kung bakit palaging ganoon ang nangyayari sa mga babaeng nawawala sa kanilang lugar. Natatagpuan na lang na walang buhay at wala na ang kuko ng paa at kamay nito.

Pagkarating niya sa kanilang bahay ay nagtaka siya kung bakit bukas ang gate at ang ilaw sa sala. Alas sais na rin kasi ng gabi. Pumanhik na siya papasok sa gate at dumeretso pasok na rin sa sala. Napalaki ang kaniyang mata dahil sa naabutan. Naroon lang naman ang kaniyang kapatid na dalawang linggo nang nawawala, nakatayo paharap sa kaniya.

“Na-miss kita, Ate!.” Nagulantang si Lira nang biglang niyakap siya ni Heidi.

“Buti naman nakauwi ka na,” aniya sa gitna ng kanilang yakapan.

Magsasalita pa sana si Lira nang may maramdaman siyang maliit na bagay na tumusok sa kaniyang likuran dahilan para hindi siya makagalaw at bigla niyang naramdaman ang pagbigat ng talukap ng kaniyang mata. Hindi tumagal ay nawalan siya ng malay tao.

Nagising si Lira sa hindi pamilyar na kuwarto. Maliwanag ang ilaw sa lugar. Nang ipalibot niya ang kaniyang paningin, napatakip siya sa kaniyang bibig nang makita ang kaniyang kapatid, nakabitay ito at ang mga kuko nito sa paa at kamay ay tinuklap din tulad sa mga nangyayari sa mga babae sa lugar nila. Ang kaniyang mga luha ay tumulo nang mabilis sa kaniyang pisngi.

Tumambol ang kaniyang puso nang bumukas ang pinto. Nagulantang siya nang bumungad sa kaniya ang mukha ng kapatid? Paanong nangyari ’yon? Bago pa man siya makapagsalita ay kaagad nang lumapit ito sa kaniya. Dahil sa nakatali ang kaniyang paa at kamay ay hindi siya nakalaban. Impit na lamang siyang napasigaw nang isa-isang tanggalin ng kamukha ng kapatid niya ang kaniyang kuko sa paa at sinunod ang sa kamay.

Pumiglas siya na hindi niya alam na mali pala. Naramdaman niya ang pagtarak ng gunting na ginamit sa ng kamukha ni Heidi sa kaniya. Ilang sandali lang ay nawalan na siya ng buhay.


            
               @E R O S S C R I V E N E R

One Shot Stories Where stories live. Discover now