018

1.2K 14 0
                                    

"James, bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Mama sa 'kin.

"Kasi gusto ko 'Ma, 'yon ang magpapasaya sa 'kin." sagot ko.

"Pero anak, alam mo kung ano ang sinayang mo. Malaking oportunidad na 'yon para matupad mo ang pangarap mo. Nang dahil lang sa isang babae, inayawan mo yong offer ng tito mo na pag-aralin ka sa ibang bansa," mahabang litanya ni Mama.

"Mama, sana maintindihan niyo po, kung bakit ko tinanggihan yong offer ni tito. Ayokong malayo sa girlfriend ko 'Ma. Kaya please hayaan niyo na ako sa desisyon ko na 'wag mag-aral sa ibang bansa. Makakapag-aral naman ako rito at matutupad ko ang pangarap ko kahit hindi ako pumunta sa ibang bansa," mahabang paliwanag ko kay Mama.

"Pero 'nak, alam mo kung ano patutunguhan mo kapag nag-aral ka ro'n. Alam mo 'di ba? Gusto mo nga ro'n sa ibang bansa noon eh. Pero bakit biglang nagbago? Dahil sa babaeng 'yon. Bahala ka na nga riyan. Sana 'di ka magsisi sa desisyon mo," sabi ni Mama at iniwan ako rito sa sala namin.

Nang umalis si Mama ay umalis din ako para puntahan ang girlfriend ko. Habang lulan ako ng aking motor ay napaisip ako sa mga naging desisyon ko. Alam ko na magandang oportunidad kapag nag-aral ako sa ibang bansa, pero ayokong iwan ang girlfriend ko, ayokong mahiwalay sa kan'ya. Sana tama ang desisyon ko, sana hindi ko pagsisihan sa huli 'to.

Ngayon sana ang alis namin ng tito ko papunta sa America para ro'n ko ituloy ang aking pag-aaral. Kinausap ko ang tito ko na hindi na ako sasama. Sinabi ko sa kan'ya ang rason ko na agad niya namang naintindihan. Malapit na ako sa bahay ng girlfriend ko, pero habang papalapit ako sa bahay nila ay natanawan ko na may kausap itong lalaki. Nang malapit na ako sa bahay nila ay hininto ko muna ang motor ko.

Nakita ko kung paano kumislap ang mata ng girlfriend ko habang kausap ang lalaking iyon. Nakita ko kung paano lumapit ang mga mukha nila sa isa't-isa. Nakita ko kung paano naglapat ang mga labi nila at nagpalitan ng matatamis na halik. Sabay-sabay na pumatak ang mga luha sa aking mata, dahil sa sobra akong nasaktan sa aking nakita. Ang sakit makita na ang girlfriend mo'y may kahalikang iba.

Two years na kami, pero 'di ko alam na may kakayahan siyang magloko. Mahal na mahal ko siya pero sinaktan niya lang ako. 'Di ako tumuloy mag-aral sa isang bansa para 'di kami magkalayo, pero ginagago niya lang ako. Isinakripisyo ko ang kagustuhan kong makapag-aral sa ibang bansa para 'di ako mawalay sa kan'ya. Nakipag-away pa ako kay Mama para ipaglaban ang relasyon namin. Ngayon ako nagsisi sa aking naging desisyon. Ang pagsasakripisyo ko ay nauwi lamang sa wala.

-UNTITLED

(@MrLazyWriter)

One Shot Stories Où les histoires vivent. Découvrez maintenant