020

1.2K 17 0
                                    

                                    TITA

"Jerry, pupunta ka na ba ng school?" tanong sa'kin ng Tita ko nang dumaan ako sa bahay nila.

"Ahh! Opo Tita, medyo malelate na po kasi ako," sagot ko naman dito.

Siya ang Tita ko na sobrang ka-close ko. Tita ko na tinuturing ko na pangalawa kong Ina.

"Ohh, ito dagdag mo sa baon mo," sabi ng Tita ko at binigay sa'kin ang isang daan.

"Tita, 'wag na po. Sakto naman na po 'tong baon ko." Tanggi ko dito.

"Sige na kunin mo na 'to, mamasahe ka pa kaya kukulangin 'yang pera mo. 'Wag na tumanggi, magtatampo ako n'yan sayo. Gusto mo yon?" Pangongonsensya nito sa'kin.

"Okay po, Tita," sabi ko na lang at tinanggap na yong isang daan.

"Good Jerry, kiss mo na si Tita at punta ka na ng school," sabi nito.

Agad ko naman itong hinalikan sa kan'yang pisngi.

"Sige na Tita, bye na po ayan na ang sakayan." Paalam ko rito.

"Sige ingat ahh." Paalala nito sa'kin.

"Opo, Tita," sagot ko.

Agad na akong sumakay sa tricycle papunta ng school.
-----------------

Uwian na namin. Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko na mauuna na akong umuwi kasi baka pagalitan ako ni Mama at ng Tita ko. Agad akong naghintay ng sakayan. Nang may makita ako ay agad ko itong pinahinto at sumakay na pauwi.

Malapit na ako sa tapat ng bahay ng Tita ko na malapit lang naman sa kalsada ay agad kong pinahinto ang tricycle at bumaba na ako rito. Nang makakaba na ako'y agad akong pumunta sa bahay ng Tita ko.

"Tita!" tawag ko rito.

"Ohh, Jerry nakauwi ka na pala," sabi nito, " kumusta ang school? " dagdag na tanong nito.

"Ayos naman po!" sagot ko at nagmano sakan'ya at pagkatapos ay hinalikan ang kan'yang pisngi. "Sige Tita uwi na po ako." Paalam ko rito pagkatapos ko itong halikan sa pisngi.

"Sige." Tugon nito.

Agad na nga akong umuwi. Nang nakauwi na ako ay agad akong nagbihis ng pambahay at pagkatapos ay humiga sa kama ko at natulog.
-----------------------
Marami pang araw ang dumaan at masasabi ko na ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng Tita na laging nandito sa tabi ko kapag kailangan ko nang kausap at masasandalan. Tita na laging suportado sa lahat ng bagay na gusto. Tita na kasama ko para harapin ang mga hamon at problema sa buhay ko, lalo na sa pag-aaral. Tita na ang turing sa'kin ay parang anak.

Pero lahat nang 'yan ay magiging ala-ala na lamang. Ala-ala na kung saan nariyan ang taong naghubog sa aking pagkatao. Ala-ala na kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan. Mga ala-alang mananatili sa aking puso't isipan. Mga ala-alang masarap balik-balikan.

Masakit at mahirap tanggapin na mawala ang taong iyong kinasanayan. Ang taong hindi napagod na itanim sa iyong puso't isipan kung pa'no maging taong may respeto at galang. Pero ang taong 'yan ay kailanman ay 'di mo na makikita o mahahawakan sa kadahilanang siya'y sumakabilang buhay na.

"Paalam Tita, salamat sa lahat, salamat dahil naging Tita kita. Paalam, hanggang sa muli. Hinding-hindi po kita makakalimutan, lalo na ang mga payo mo sa'kin. Mananatili ka saaking puso't isipan," mahina kong sabi habang pumapatak ang aking mga luha na 'di maubos-ubos habang tinintingnan ang dahan-dahang pagpasok ng kabaong ng Tita sa kanyang libingan.

(MrLazyWriter)

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon