044

580 2 0
                                    

                      𝗟𝗘𝗧 𝗠𝗘 𝗕𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗢𝗡𝗘

𝖪𝖠𝖲𝖠𝖫𝖴𝖪𝖴𝖸𝖠𝖭 kaming nasa karaoke-han ng mga kaibigan ko kasama, kasama rin namin ang girlfriend ko. Walang nagtatangkang lumagay ng numero sa karaoke para kumanta kaya ako na lang, alala ko naman ang numero ng nais kong kantahin kaya inilagay ko na ito saka ni-play na. At tumunog na nga ito “Let Me Be The One” iyon na kinanta ni Jimmy Bondoc. Magsisimula na ang intro ng kanta kaya tumingin sa akin ang mga kaibigan ko at girlfriend ko, nagbibilang na lang.

Nang magsimula na ang intro ng kanta hindi ako kumanta hanggang sa malapit na ito sa chorus. Hinahanda ko ang sarili ko para roon, alam kong masasaktan ako pero kailangan kong gawin ito. Nag pakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga hanggang sa chorus na ng kanta.

“Mahal... alam mo naman na mahal na mahal kita ’di ba?” Pagsisimula ko. “Pero tama na ’to, pinagmumukha mo na akong tanga eh.” Huminto ako dahil ramdam ko na tutulo na ang mga luha ko.

Nakita ko ang gulat sa mukha ng mga kaibigan ko dahil sa imbis na kantahin ko ang lyrics ng kanta, iba ang narinig nila. Plano ko lang talagang gawin iyong background music.

Nang alam ko na hindi na tutulo ang luha ko’y nagsalita ulit ako. “Let me be the one who breaks it. Let me be the one to end this relationship na alam ko na ako na lang ang nagmamahal at kumakapit. Kakantahin ko dapat ito pero mas pinili ko na lang na gawin itong background music para rito—para p-palayain ka...” binigo ako ng mga luha ko dahil mabilis ang mga ito na umagos sa mga mata ko. “A-Akala ko tayo hanggang dulo pero... mali ako. Maling-mali ako—mali ang akala ko. Mahal. Bakit tayo nagka-ganito? Binigay ko naman ang buong pagmamahal na nararapat sa ’yo. The time, effort and making you as my first priority, pero... bakit hindi pa rin sapat?” Pinahid ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko mula sa aking mga mata.

Lumapit ang mga kaibigan ko sa ’kin pero wala silang sinabi, inalalayan lang nila ako. Tinuloy ko na lang ang aking sasabihin.

“Unang kita ko sa ’yo na may kasamang iba, pinalampas ko dahil tinitiwalaan kita na hindi mo magagawang saktan at ipagpalit ako sa iba. P-Pero... m-mali ako—mali na naman ako. Nang una at pangalawa ay ayos pa sa akin na makita kayong magkasama dahil alam kong wala iyong malisya at kaibigan mo lamang siya. Pero... iyong pangatlo, pang-apat at pang-lima ay hindi na. Hindi na ayos sa  ’kin ’yon dahil sa gusto ko na siya kasama kaysa sa ’kin kaya kapag inaaya kita na lumabas para mag-date, tumatanggi ka, pero kapag siya ang ang umaya mabilis kang pumapayag. Isang araw pa nga na-wrong sent ka ka, inaaya mo siyang pumunta sa plasa, alam kong wrong sent ’yon dahil sa pangalan na nakalagay sa mensahe mo at hindi ako iyon. ‘Jonel’ ang nakalagay na pangalan samantalang Henry ang pangalan ko. Sasama naman ako kung ako ang inaya mo, pero hindi ako eh dahil siya ang gusto mo, pero hindi ko ’yon pinansin dahil mahal kita.” Pakiramdam ko’y mauutal ako kaya huminto muna ako sa pagsasalita. Ngunit ang luha ko ay patuloy pa ring dumadaloy.

“Tama na ’yan, dre,” sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko, pero hindi ko pinansin ang mga ito saka malapit na ang matapos ang kanta, mawawalan ako ng background music kapag ako’y huminto pa.

“Tama na ’to! Ayako nang magpakatanga. Sobrang sakit na eh! P-Pakiramdam ko bibigay na ’to.” Sinuntok ko ang dibdib ko kung sa’n banda ang puso. “Tuwing nakikita ko kayong magkasama, nadudurog ako. A-Alam ko na gusto mo nang makalaya sa akin, nahihiya ka lang maunang makipag-hiwalay, kaya... ako na ang tatapos nito. Pasens’ya na kung uunahan na kita, gusto ko na kasi na huwag nang masaktan ang mag-mukhang tanga. Ayoko na kumapit pa dahil alam kong ako’y talo na, dahil alam kong iba na ang laman ng puso mo. Kaya... hayaan mo akong maunang tapusin ito dahil kapag ikaw ang gumawa hindi ko makayanan ang sakit na idudulot nito sa ’kin. J-Jane... mahal... m-malaya ka na. Hindi mo na kailangan i-unsent ang mensahe mo sa tuwing na-ro-wrong sent ka dahil hindi naman na kita pag-aari. M-Mahal na mahal kita pero hindi pala sapat ’yon, lahat nang ginawa ko para sa ’yo’y kulang pa. H-Hayaan na baka nga hindi ka talaga para sa ’kun kun’di para sa kaniya. Nung gabing nakita ko kayong naghahalikan, tanong ko lang... masarap ba ang halik niya? Mahirap paniwalaan pero naging stalker niyo ako.” Napa-upo na lang ako sa sahig dahil napapagod na akong tumayo at nanghihina rin ang aking mga tuhod. Pati  ’ata mata ko’y napagod na rin kakaluha dahil wala na akong maramdamang luha na umaagos sa mata ko o baka naging manhid na ako kaya hindi ko na ito maramdaman pa.

“S-Sorry, Henry...” garalgal ang boses nito. Nang bigkasin niya ang pangalan alam at ramdam ko na wala na talaga—wala na itong nararamdaman pa sa ’kin.

“Wala nang magagawa ang sorry mo, Jane, dahil nagawa mo na. Hindi mapapahilom ng sorry mo ang sugat na dinulot mo sa aking puso. Minahal naman kita ng sobra pero bakit naghanap ka pa? Lahat ibiniy ko sa ’yo, pati pangarap ko ipinagpalit ko sa ’yo. S-Sobra kasi kitang m-mahal, Jane. P-Pero anong ginawa mo?” Kahit hirap na hirap ako’y nagawa ko pang tumayo. “Sumugal ako. Binigay ko ang lahat pero sa huli talo pa rin ako ako... ipinagpalit pa rin ako. M-Malaya ka na mahal. Sana hindi mo pagsisihan na pinagpalit mo pa ako sa iba.” Pagkatapos ay tinalikuran ko na ito at naglakad na paalis sa karaoke-han na ’yon. Ramdam ko ang pagsunod ng mga kaibigan ko.

Akala ko wala na akong luha pero habang  naglalakad ako, mabilis na nagsipagbagsakan ang mga ito mula sa mga mata ko hanggang sa pisngi ko. Nakikisama rin ’ata ang langit dahil naramdaman ko na lang ang malalaking butil na patak ng ulan na tumatama sa katawan ko.

                                  *𝗘𝗡𝗗*

One Shot Stories Où les histoires vivent. Découvrez maintenant