013

1.6K 17 0
                                    

𝖾𝗑𝗉𝖾𝖼𝗍 𝗉𝗎𝗇𝖼𝗍𝗎𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗀𝗋𝖺𝗆𝗆𝖺𝗍𝗂𝖼𝖺𝗅, 𝗍𝗒𝗉𝗈𝗀𝗋𝖺𝗉𝗁𝗂𝖼𝖺𝗅 𝖾𝗋𝗋𝗈𝗋𝗌.

                    𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗡
                  𝗐𝗋𝗂𝗍𝗍𝖾𝗇 𝖻𝗒: 𝖬𝗋𝖫𝖺𝗓𝗒𝖶𝗋𝗂𝗍𝖾𝗋

I'm Calyx Corpuz, 18 years old. Grade 12 student. May girlfriend ako. Magkaklase kami since Grade 7. Niligawan ko siya noong grade 9 kami at sinagot niya ako noong grade 10 naman kami. Two years ang relasyon namin. Ayos naman ang takbo ng relasyon namin. Hindi kami yong tipo ng magkarelasyon na sweet sa isa't isa. Nagmumurahan kami at nagbabangayan pero biruan lamang iyon.

Linggo ngayon at napagkasunduan namin na magdate. Sinundo ko siya sa bahay nila. Pagkatapos nun pumunta na kami sa park. Pansin kong parang balisa siya. Parang may gusto siyang sabihin sakin pero pinipigilan niya. Naglalakad kami ng tawagin niya ako.

"B-Babe!" Sabi niya na nauutal pa.

"Yes babe! May problema ba?" Tanong ko dito.

"I have something to tell you,." Kinakabahan niya pang sabi.

" Ano yon?" tanong ko na kinakabahan sa maari niyang sabihin.

"Let's break up. I don't love you anymore." Sabi niya na naiiyak.

"Pero babe, 'di ba Mahal mo ako? Walang iwanan 'di ba? May nagawa ba ako? Nagkulang ba ako? May mali ba? Sabihin mo sa'kin para maayos ko 'wag mo lang akong iwan." Sunod-sunod kong tanong na 'di na mapigilang mapa-iyak.

"Walang Mali. Wala kang pagkukulang. Lahat na nagawa mo." Pagpapaliwanag niya.

" Bakit ka nakikipag break? " Tanong ko rito.

"Dahil hindi na kita mahal. Iba na ang mahal ko. Sorry." Sabi niya na humahagulhol na sa iyak.

" Masaya ka ba sakanya?" Tanong ko dito.

"Oo, masaya ako sakanya!" Pag-amin niya.

Tangina ang sakit! Bakit ba umabot kami sa ganito. Perfect naman ang relationship namin. Masaya naman kami sa isa't isa. Pero bakit nagkaganito. Masaya na siya sa iba at iba na ang mahal niya.

"Masaya ka sa kanya. 'Yan lang gusto ko marinig sayo. Masaya kana sakanya kaya pipilitin ko na rin na maging masaya. Mahal na mahal kita, masakit ang pakawalan ka pero gagawin ko. Sana hindi ka umiyak ng dahil sa kanya dahil oras na umiyak ka ng dahil sa kanya babawiin kita. Mahal kita kaya susuportahan kita sa mga ikakasaya mo kahit masaktan man ako. Ipina-paubaya na kita. Mawawala rin 'tong sakit na 'to matagal pero kakayanin ko. Tatangapin ko na lang na sa paggising ko na hindi ka na sa'kin, na hindi ka na magiging akin. " Ang huling salita na binitiwan ko bago siya talikuran dahil ang mga luha ko ay mabilis na umagos sa aking mga mata.

WAKAS..

One Shot Stories Onde histórias criam vida. Descubra agora