010

2.2K 15 0
                                    

                       BOY LOVE AFFAIR

"Hey Love, nakapaghanda ka na ba ng gamit mo?" tanong ko kay Jacob na boyfriend ko.

"Hmmm... pupunta ba tayo, Love. Hmm..." sagot niya na may kasabay na tanong.

Me and Jacob are both man, straight man to be exact. We fell inlove with each other even we have a same gender. Our parents, family, friends, and relatives knew about our relationship, no'ng una 'di nila nagustuhan pero kalaunan ay naunawaan naman nila ang relasyon na mayro'n kami ni Jacob. Sa pamilya namin ay ayos na, pero sa ibang taong kakilala namin na alam ang aming relasyon ay pinangdidirian kami ng mga ito.

Wala namang masama kung mahalin mo ang kapareho mong kasarian. Kapag nagmahal ka 'di mo na papansin kung magkapareho ba ang inyong kasarian, dahil oras na tamaan ka ng love wala kang takas dito. Sabi nga sa kanta "kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kun'di sundin ito" kaya sinunod lang naman kung ano ba ang dinidikta at nararamdaman ng aming puso. Wala naman kaming paki-alam sa mga naghuhusga sa amin, dahil magsasayang lang kami ng laway para sa kanila.

Ayos na sa'min ni Jacob na tanggap ng pamilya namin ang aming relasyon kahit 'di ito kaaya-aya sa iba. Gano'n naman dapat talaga 'di ba? Tanggap ka ng iba kahit 'di kayo tanggap ng iba.

"Hanz, Love, tulala ka, ano iniisip mo? Pre-occupied ka?" Jacob asked when he noticed that I'm being pre-occupied.

"Nothing Love, I'm just happy that our family accepted the relation we had," I answered him.

"Masaya rin ako, kahit 'di tayo tanggap ng ibang tao," sabi niya.

"Hindi naman mahalaga ang opinyon ng iba, ang mahalaga tanggap ng pamilya natin ang ating relasyon." Madamdaming sabi ko

Hindi naman kinakahiya kung anong relasyon na mayro'n kami. Imbis na itago ay pinangangalandakan namin ito, dahil gusto naman patunayan na kahit parehas kami ng kasarian ay may karapatan kaming magmahalan. Ito ang gusto namin ni Jacob ang mahalin ang isa't-isa kahit na parehas ang kasarian na mayro'n kami. Ito ang tinatawag nila na boy love affair.

"Love , nandito na tayo. Baba na!" sabi ni Jacob

"Sige, mauuna na akong pumasok," sabi ko ng ako'y makababa na at binitbit na ang aking gamit papunta sa kwarto. Galing kasi kami sa bakasyon ngayon lang kami umuwi ni Jacob.

"Sige, susunod na lang ako." Pagsang-ayon nito.

Agad na akong pumasok sa bahay at dumeretso sa aming kwarto. Sabay kaming natutulog ni Jacob, pero wala kaming ginagawa na milagro dahil nirerespeto namin ang kasarian na mayro'n kami. Hindi namin 'yon ginagawa dahil hindi 'yon nararapat na gawin. Oo, naghahalikan kami pero hanggang do'n lang iyon.

Nag-aayos na ako ng higaan ng pumasok si Jacob. Agad itong yumakap sa'kin na tinugunan ko naman. Alam kong naglalambing na naman ito, dahil madalas n'ya itong gawin kahit maraming tao ang nakakakita.

"Matulog na tayo, Love. Pagod at inaantok na kasi ako," sabi nito sa'kin.

"Mabuti pa nga nang makapagpahinga tayo," tugon ko naman dito.

Agad na kaming pumunta sa kama. Naupo muna kami dito bago nahiga. Sabay kaming nagdasal. Nang matapos na kaming magdasal ay nagharap muna kami.

"Love, 'wag mong pansinin yong iba na may ayaw sa relasyon natin," sabi nito, "Hindi naman mahalaga kung tanggap nila tayo o hindi, and'yan naman ang pamilya at kaibigan natin, tanggap nila ang anumang relasyong mayro'n tayo. 'Wag mo silang iisipin." Dagpag pa n'ya.

"Oo naman, wala akong paki-alam sa opinyon, kung baga sa pelikula manonood lang sila at tayo ang pelikula na pinapanood nila, sa una ayaw nila pero sa bandang huli ay matutuwa at magugustuhan din nila." Mahabang litanya ko.

"Good, Love! I love you, Hanz ko," sabi nito na puno ng pagmamahal ang tono.

"I love you too, Jacob ko," balik na sabi ko na puno din ng pagmamahal.

We stared at each other. Tumingin kami sa mata ng isa't-isa na mababakas ang tingin na punong-puno ang pagmamahal. Dahan-dahan naglapit ang aming mga labi at 'di nagtagal ay naglapat ang aming mga labi. We kissed with same intensity. Sa halik na into na-ipadama namin kung gaano namin kamahal ang isa't-isa.

"Let's sleep na, Love," sabi ni Jacob nang matapos ang halik na aming pinagsaluhan.

"Okay!" tipid kong tugon. Nahiga na kami at pinikit ang mata.

Kahit anong mangyari o kahit sino man ang humadlang sa aming pagmamahalan ay hindi namin ito papayagan. Ipaglalaban namin ang relasyong mayro'n kami kahit na pareho kaming lalaki.

(MrLazyWriter)

One Shot Stories Where stories live. Discover now