027

875 12 0
                                    

FACING MY FEARS OF HEIGHTS WITH HIM.

"Go, Celestina! Come on!" Alex shouted-my boybestfriend.

We're currently in hanging bridge. Nasa kabila na siya which is the endpoint of this hanging bridge. He's waiting on me, hindi kasi ako makatawid papunta sa kanya because I have a fear of heights. Nakita ko kung paano kataas ang hanging bridge na ito.

"Alex! I can't, alam mo naman na takot ako!" I shouted back.

"Face your fears, Celestina. Paano kung mapunta ka sa sitwasyong nasa mataas ka ng lugar at nasa banta ng panganib and the only reason is tumawid sa hanging bridge o kahit saan na mataas na lugar na kailangan mong tumawid. Paano ka makakaalis doon, hahayaan mo ba na mapahamak ka dahil sa takot ka?!" Mahabang sigaw niya.

"But I'm really afraid. Paano kung habang tumatawid ako maputol ang hanging bridge na ito?"

"Parang sobrang bigat mo naman para maputol ito. Ako nga na lalaki at mas malaki sa iyo hindi naputol ikaw pa nga na sobrang payat. You're petite, skinny thin and etc. Basta payat ka!"

"Hindi naman sa ganun iyon. At 'saka 'wag mo nga akong nilalait parang hindi kaibigan eh! Ako na nga iyong takot tapos nilalait-lait mo pa, napakasama mong kaibigan!"

"Ewan basta harapin mo iyang takot mo, huwag mong makulong sa kinakatakutan mo. Face your fears, para sa 'yo naman iyan!"

Alam ko naman iyong pinupunto niya sadyang natatakot lang talaga ako.

"Okay susubukan ko!"

Sinimulan ko ng ilapat ang mga paa ko sa bukana ng hanging bridge, "AHHHH!" bigla akong napasigaw pagkatapak na pagkatapak pa lang paa ko dahil sa biglang gumalaw ang hanging bridge.

"Celestina hindi ka pa nga nakakalakad sumisigaw ka na agad. Nakatapak ka pa lang para ka ng kinakatay makasigaw dyan!"

"Bakit kasi gumalaw? Nakakatakot!"

"Syempre gagalawa iyan kaya nga hanging bridge ehh! Basta dalian mo na kung ayaw mong ubusin ko itong stick-o at chuckie mo rito!" Pananakot nito saakin 'saka tinaas ang paper bag kung saan nakalagay ang stick-o at chuckie ko.

"Sige ubusin mo, ipapasara ko talaga ang factory ng yakult para wala ka nang mabili!" balik na pananakot ko rito.

"Foul iyon! Bilisan mo na kasi!"

Dahil sa takot ko na baka ubusin niya ang stick-o at chuckie ko ay agad kong tinapak ulit ang aking paa sa hanging bridge.

"Guide me God," bulong ko saka nag-sign of the cross.

Dahan-dahan ako sa paghakbang ng aking mga paa. Deretso lamang ang tingin ko kay Alex na nakataas pa rin ang paper bag na may lamang stick-o nasa garapon at chuckie. Hindi naman gaano kalayo ang dulo nitong hanging bridge, malinaw ko pang nakikita na nakingiti saakin si Alex nang sobrang tamis. Dahil sa ngiting iyon ay nagkaroon ako lakas ng loob na harapin ang takot ko sa mataas na lugar. Lakas loob kong hinakbang ang aking paa papalapit sa direksiyon ni Alex.

Tama si Alex walang mangyayari kung hindi ko lalabanan ang takot ko. Facing my fear of heights is the bravest thing I ever done in my entire life.

"You did it! I'm so proud of you, Celestina!" tuwang-tuwang ani ni Alex sa akin nang malapit na ako sa kanya, tanging ngiti na lamang ang naisagot ko rito.

Ilang hakbang pa ay naabot ko rin ang endpoint ng hanging bridge na iyon.

"Sabi ko sa 'yo kaya mo! Ang tapang na ng prinsesa ko, she faced her fear of heights," Alex happily said then hugged me.

I'm really lucky to have this guy as my boybestfriend, he treated me so well. I'm his princess and he's my prince.

"Thank you, Alex dahil sa 'yo nagkaroon ako ng lakas ng loob para harapin ang takot," sinserong ani ko at 'saka ngumiti nang matamis sa kanya.

"Hindi iyon dahil sa akin, sarili mo ang dahilan dahil hinarap mo ng buong tapang ang takot mo, hindi iyon mangyayari kung hindi dahil sa sarili mo. I'm just the person who boosted your braveness to face your fear of heights," sabi niya pagkakalas na pagkakalas ng aming pagkakayakap sa isa't isa 'saka hinalikan ang aking noo.

"Eh basta salamat pa rin dahil ikaw ang nariyan harapin ang fear of heights ko," pagda-dahilan ko.

"Oo na lang, Celest," tumatango-tangong ani nito na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Parang hindi ka naman naniniwala!"

"Tumango kaya ako." Ngumiwi ito nang pitikin ko ang kan'yang tainga.

Ngiwi lang ang reaksyon niya sa pamimitik ko sa tainga niya siguro hindi siya nasaktan. Bigla tuloy akong may naisip na kalokohan.

"ARAYYYYYYY!" sigaw niya ng hilahin ko ang kan'yang tainga.

"Hindi ka nasaktan sa pamimitik ko ehh kaya hinila ko na lang ang tainga mo."

"Hindi naman kasi masakit iyong piti-ARAYYY! BITAW NA!"

Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil mas nilakasan ko pa ang paghila sa tainga niya dahilan para mapasigaw na naman siya sa sakit. Nakita ko na namumula na ang kan'yang mukha dahil sa sakit na nararamdaman niya dahil sa malakas ang pagkakahila ko sa kan'yang tainga, kaya binitawan ko na ang tainga niya. Hinawakan niya ito, dahil nga sa malakas ang pagkakahila ko roon ay namumula ito.

"Ang sakit, buti naisipan mo pang bitawan," nagsu-sungit na ani nito.

"Sorry na 'wag ka na magsungit. I-kiss ko na lang, gusto mo?" nako-konsensyang ani ko.

Napangiti ito atsaka tumingin sa akin. "Sige kiss mo na para mawala na ang sakit," ani nito 'saka nilapit ang kan'yang tainga na hinila ko kanina na ngayon ay namumula pa rin. Agad ko naman itong hinalikan na kinangiti niya.

"Ayon wala na ang sakit. Sarap daw ng kiss eh," ngiting-ngiti pa rin na ani nito 'saka inilapag sa pantay na bato na nasa katabi lang naman ng endpoint ng hanging bridge na tinawiran namin kanina ang dala naming paper bag na may lagay na chuckie at stick-o na nasa garapon pati ang yakult na para sa kan'ya. Umupo kami roon at nagsimula ng kumain ng stick, yakult ang iniinom niya at chuckie naman ang sa 'kin.

Isang garapon na stick-o at tig-dalawa lang kami ng yakult at chuckie kaya madali namin itong naubos.

"Tara uwi na tayo," aya nito sa akin 'saka tumayo, iniabot niya sa akin ang kan'yang kamay para itayo ako. Inabot ko naman ito at tumayo na rin.

Agad na kaming tumapak sa hanging bridge, magalaw pa rin ito pero wala na iyong takot ko, takot sa mataas na lugar. Takot na baka mahulog ako, takot na sobrang tagal kong kinimkim sa buong buhay ko. Takot na akala ko ay hindi ko malalabanan pero dahil dito sa boybestfriend ko ay nakaya ko.

With him-my boybestfriend, I faced my fear of heights ng buong tapang at walang pag-aalinlangan.

'END'


(MrLazyWriter)

One Shot Stories Where stories live. Discover now