017

1.3K 16 0
                                    

ANG EX KO SA RPW AY ASAWA KO SA RW

"Babe let's break up, hindi ako ang para sayo, magkalayo tayo, pero tandaan mo mahal na mahal kita, kahit dito lang tayo sa rpw nagkakilala at nagmahalan. Totoong minahal kita kahit pekeng mundo man ito kung sabihin nila. Mag-iingat ka palagi, at alagaan mo sarili mo wag kang magpapabaya ahh!" Chat ng girlfriend ko.

"Pero bakit babe? Mahal mo ako 'di ba? Bakit nakikipagbreak ka. Alam mo naman na mahal na mahal kita kahit dito lang tayo nagkakilala sa RPW. Alam mo naman na ikaw ang first girlfriend ko magpa-rp o rw man. Babe 'wag naman ganyan 'di ko kayang mawala ka. Please babe, stay!" Mahabang chat ko sa kan'ya na hindi na mapigilang mapaiyak.

"Sorry Thunder, kailangan kong gawin 'to kahit sobrang mahal kita. Hanggang dito na lang talaga tayo. I love you so much, Thunder!" She chatted then she blocked. Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak.

Hanggang ngayon masakit pa rin sakin kapag naalala ko ang pangyayaring 'yan. Nasaktan ako ng mga panahong 'yon, dahil nakipagbreak sakin si Agatha. Pangalan ng first girlfriend ko sa rpw. Agatha Montefalco name niya at ang akin naman ay Thunder Monteverde. Dahil sa pangyayaring iyon ay tumigil ako mag rpw. 'Di ko denelete o deneactivate ang acc na 'yon.

Limang taon na nangyari iyon. At ngayon may asawa na ako. Nakilala ko ang babaeng mahal ko ngayon sa isang restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Unang kita ko pa lang sakan'y ay may naramdaman na agad akong kakaiba yong pakiramdam na parang matagal ko na siyang kilala. Nilapitan ko siya at nakipagkilala ako sakan'ya, binigay n'ya din ang cellphone number niya. Palagi kaming nag-uusap sa text at minsan ay nagtatawagan. Hanggang sa unti-unti ko na siyang nagustuhan at kalaunan ay minahal.

Umamin ako sakan'ya, sobrang tuwa ko no'n dahil sa sinabi niya na mahal n'ya ako. Niligawan ko siya at hindi tumagal ay sinagot n'ya naman ako. Naging kami at tumagal ang relasyon namin ng tatlong taon. Hanggang sa nagpropose ako sakan'ya na agad niya namang tinugunan. Ngayon nga ay kasal na kami.

Katabi ko ngayon ang asawa ko na busy kakatipa ng cellphone niya.

"Hon, ano ginagawa mo? Busy ka ata sa CP mo." Tanong ko dito.

"Ahh binubuksan ko lang yong acc ko sa rpw. Alam mo yon?" Sagot niya at nagtanong din.

"Ahh! Oo, meron din akong acc na ganyan." Sagot ko.

"Ahh," tugon niya.

Agad ko ring binuksan rpa ko. Nakita kong may chat ito. Kaya agad ko itong tiningnan. Laking gulat ko ng makita ko na ang ex ko pala 'to sa RPW. Nangangamusta ito sa 'kin.

"Hi thunder, how are you? Long time no chat, sorry if I blocked you before. I hope you're happy now!" She chatted.

"Hello Agatha, yeah I'm happy right now because of my wife." I replied.

"Really! May asawa ka na pala? Ako din may asawa na," sabi niya.

"Pareho na tayong masaya. Btw, who's your husband?" I asked

"Ikaw muna, sino asawa mo?" Balik na tanong niya sakin.

"Sabay tayo." Sagot ko.

"Okay," tugon niya.

"Jeremy Quezon/Angel Ortega!" sabay naming chat. Nagulat ako dahil sa aking nalaman.

Agad akong napatingin sa asawa ko na agad niya ring kinalingon.

"Akalain mo 'yon hon, tayo pala talaga, ikaw yong babaeng minahal ko na ex ko sa rpw at asawa ko dito sa rw," sabi ko sa asawa ko na agad kong tinabihan.

"Hindi ako makapaniwala hon, nasaktan kita sa rpw pero ngayon asawa kita dito sa rw. Tadhana nga naman. Pinaghiwalay tayo sa rpw para magkakilala tayo sa rw." Sagot niya sakin.

"Oo nga hon, mukhang tayo nga talaga ang nakatadhanang magkasama habang buhay," Sabi ko dito.

"I love you Jeremy/Thunder/Babe/Hon o kahit ano pa man maging pangalan at tawagin natin. Mahal na Mahal kita." Taos pusong sabi nito sakin.

"I love you so much Angel/Agatha/Babe/Hon. Hindi ko hahayaang mawala ka pa kasi ikamamatay ko iyon." Madamdaming sabi at hinalikan ko s'ya sakanyang mga labi.

                               WAKAS...

(@MrLazyWriter)

One Shot Stories Where stories live. Discover now