040

643 6 0
                                    

                         𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠, 𝗦𝗜𝗡𝗧𝗔.

“Hon, mahal na mahal kita.” Lambing ni Jarred sa kaniyang asawa na si Melanie.

“Mahal na mahal din kita,” tugon na lamang nito at pumikit na ang mga mata para matulog na.

KINABUKASAN nagising na lang si Melanie na wala na siyang katabi. Wala naman siyang gagawin kaya natulog siya ulit. Nagising siya ulit tanghali na dahil nakaramdam siya ng gutom, kaya bumaba siya sa kanilang kwarto at pumunta sa kusina. Nang makarating siya sa kusina’y agad na siyang kumuha nang makakain. Imbis na sa dining table siya pumunta, pinili niya na sa island counter na lamang kumain. Nilagay niya roon ang pagkain at umupo sa stool ng island counter at nagsimula nang kumain.

Nang matapos siyang kumain ay agad niyang hinugasan ang kaniyang pinagkainan, pagkatapos ay bumalik siya sa kwarto para matulog ulit.

Sumapit ang gabi na tulog pa rin siya. Naalimpungatan siya nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito kaya nakita niya na isang text message iyon galing sa kaniyang asawa. Ayon sa text message nito, hindi raw ito uuwi ngayong gabi at sa office na ito matutulog kaya nalungkot siya.

“Pinapagod na naman ng asawa ko ang kaniyang sarili,” mahinang usal niya pagkatapos ay pinikit niya ang kaniyang mga mata at natulog ulit.



AKALA ni Melanie kinaumagahan ay nakauwi na ang kaniyang asawa ngunit wala pa ito, kaya nag-ayos siya dahil balak niya itong puntahan sa office nito. Nagluto muna siya para dalhan ng makakain ang kaniyang asawa. Nang matapos siya sa pagluluto ay naligo muna siya, nagbihis at pagkatapos ay nilagyan ng ulam at kanin ang baunan na may takip para dalhin sa asawa. Pagkatapos ay pumunta na ito sa kompanya nito dala ang sarili niyang sasakyan.

Ngunit nang makarating siya sa kompanya, napag-alaman niyang wala ang asawa, nag-atted daw ito ng meeting sa isang ka-sosyo. Ala una raw ito ng madaling araw umalis sabi ng secretary nito na labis niyang ipinagtaka dahil masyadong maaga naman yata ang meeting na iyon.

Tumunog ang cellphone niya, nang tingnan niya iyon, text message iyon galing kay Jarred, nasa ibang bansa raw ito, may aayusin daw at baka abutin ito ng dalawang buwan doon. Dahil doon ay napasimangot siya.

“Ang daya hindi ako sinama!” Pagmamaktol niya.

Bumalik na lang siya sa kaniyang sasakyan at balak na umuwi na lamang sa bahay nila.
 
Ang sabi ng asawa ay dalawang buwan lamang ito sa ibang bansa pero lagpas dalawang buwan na ay wala pa rin ito. Hanggang sa naabutan na ito ng isang taon sa ibang bansa, hindi niya tuloy mapigilan ang kaniyang sarili na mag-isip ng kung ano-ano.

Paano kung may iba na ang asawa niya ro’n sa ibang bansa? Paano kung hindi na siya uwian nito? Puno ng katanungan ang kaniyang isipan na walang kasagutan kaya siya’y napapa-iyak na lamang.



ISANG BALITA ang gumimbal kay Melanie. Tumawag sa kaniya ang ina ng kaniyang asawa. Ayon dito wala na raw ang kaniyang asawa at pinapupunta siya sa hospital kung saan naroon ang bangkay ng asawa. Hindi siya naniwala sa sinabi ng ina ng kaniyang asawa dahil alam niya sa sarili niya na buhay pa ang asawa niya.

Pero nang pumunta siya sa hospital na sinabi ng ina ng asawa, gumuho ang kaniyang mundo, parang may bombang sumabog sa harap niya, lalo nang alisin niya ang bahagi ng kumot na nakatabon sa mukha ng walang buhay niyang asawa. Nakita niya ang mapayat na mukha at kalbong buhok ng asawa.

Hindi niya kinaya ang nakita kaya lumabas siya at doon niya inilabas ang sakit na nadarama na hindi niya nagawa sa loob kung saan naroon ang walang buhay niyang asawa. Mabilis na nagsipag-bagsakan ang mga luha niya. Lumapit sa kaniya ang ina ng asawa na nasa labas lang din. Pinatayo nito si Melanie saka pinaupo sa may upuan sa labas lang ng kwartong iyon. Umupo rin ito sa tabi niya.

One Shot Stories Where stories live. Discover now