019

1.2K 13 0
                                    

"Hey, baby boy, wake up, tanghali na 'di ka pa nagigising." Naririnig kong tinig na gumising saakin. "Anak, gising na!" Panggigising ulit nito saakin.

"Mamaya, I'm still sleepy Mama, 5 minutes pa," sabi ko na nakapikit pa ang mata.

"No more 5 minutes, baby boy! Wake up sleepyhead." Pangungulit pa ni mama.

"Ma! Hindi na ako baby, stop calling baby boy, I'm already teen!" bagot kong sabi kay mama.

Palagi akong tinatawag na baby boy ni mama kahit hindi na ako baby. I'm a teenager now. I'm already 16 years old but she keeps on calling me baby boy, nakakairita!

"Bangon na riyan hinihintay ka na ng gf mo, nando'n na sa kusina," sabi ni mama kaya napabalikwas ako at bumangon.

"Bakit 'di mo agad sinabi Ma?!" Inis na sabi ko kay mama na ikinatawa lamang nito.

Agad na akong bumangon at agad na pumasok sa cr dito sa kwarto. Dali-dali akong naligo at pagkatapos ay tinapis ko ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan ko agad na akong lumabas ng cr at lumapit sa aking cabinet at naghanap ng pwedeng isuot na babagay sa gwapo kong mukha.

"Kyle, baby boy, matagal ka pa ba riyan, naiinip na raw gf parang babae ka raw gumalaw!" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Magbibihis na lang po mama!" sigaw ko.

"Good, bilisan mo na," sabi nito at narinig ko ang yabag nito papalayo sa aking kwarto.

Agad na akong nagbihis at pagkatapos patakbong lumabas ng kwarto ko at patakbo ring pumunta sa kusina. Nang makarating ako dito ay tanging si Mama lang ang naabutan ko at wala ang GF ko.

"Mama nasa'n ang GF ko? Sabi mo nandito?" tanong ko kay Mama nang makapunta na ako sa kusina.

"HAHAHAHA! Uto-uto ka baby boy, remember wala kang GF at 'di ka pa ni-crush back ni krizxia. HAHAHAHA! Ayon baby boy, GF mo ohh nasa lababo," sabi ni mama na humahalgalpak ng tawa at tinuro ang lababo na puno ng hugasin na sinasabi niyang kasintahan ko.

"Mama naman ehh! Tsk!" irita kong sabi.

"Hugas na baby boy, do'n lang ako sa sala. Pagbutihin mo paghuhugas ng plato baka mabasag." Paalala nito.

"Oo na Mama. Tsk!" asik ko.

Agad na akong lumapit sa lababo ng umalis na si Mama sa kusina. Nagpa-uto ako kay mama. Tulog pa sana ako ngayon kung 'di ako nauto. Naghugas na ako na labag sa aking kalooban. 'Di na talaga ako magpapa-uto kay Mama.

-UNTITLED

(MrLazyWriter)

One Shot Stories Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ