056

508 3 0
                                    

𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢

Parte na talaga nang pagsasalubong ng Pasko ng magkakaibigan na sina Lexi, Mica, Luna, Ayena, Jenri, at Jenny ang pumunta sa bar bago lutuin ang kanilang pang Noche Buena.

Pasado alas nuwebe y trenta nang maisipan nilang umuwi na sa bahay na tulong-tulong nilang pinatayo. Pare-pareho ang halaga na kanilang ginastos para lang magawa ang tahanan na pangarap nila. Mas gusto nilang salubungin at ipagdiwang ang araw nang pagkabuhay ni Hesus.

Nasa paglalakad sila sa kani-kanilang kotse nang madapa si Mica.

“Oh, ilan ang nakuha mong isda?” nagpipigil ng tawa na tanong ni Jenri sa kaibigan.

“Che!” Tumayo ang dalaga saka pinagpagan ang katawan at mabilis na naglakad papunta sa kaniyang pink Mercedes Benz.

Hindi na napigilan pa ni Jenri ang pagtawa na kaagad namang sinundan ng iba pa nilang kaibigan.

“Ang lampa talaga ni Ate Mica. HAHAHAHA!” ani Lexi na kung tumawa ay daig pa ang nanalo sa Lotto.

Kaniya-kaniyang sakay na sila sa kani-kanilang kotse.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay na pinatayo nila.

Ginarahe na nila ang kanilang mga sasakyan saka sabay-sabay na lumapit sa pinto.

Bubuksan na sana ni Mica ang pinto nang matisod si Luna na nasa pinakalikod nila. Dahil sa paharap ang galaw nito ay sabay-sabay silang natumba dahilan para masubsub sa pinto si Mica at madaganan

“Putangina! Ang bigat niyo!” singhal ng dalaga saka tumayo nang makaalis na ang mga nasa ibabaw niya.

“Si Luna, lampa rin!” ingos ni Ayena.

Sabay-sabay na lamang silang tumawa dahil sa mga kagagahan nila.

Sa huli ay si Jenny na lamang ang bumukas ng pinto. Sa takot na baka malasin pa si Mica at matumba na naman sila.

Nasa sila nang biglang may butiking nalaglag sa uluhan ni Ayena. Nagulat siya kaya nang alisin niya ito ay saktong nakapasok ito sa nakasiwang damit ni Jenri kaya talon nang talon ito.

Ang iba ay panay ang tawa dahil sa kamalasang tinatamasa nang kaibigan nila.

Nasa pagak na pagtawa si Mica nang mahawakan ni Jenri ang butiki at hindi sinasadyang naibato kay Mica. Parang nag-shoot lang nang bola si Jenri sa bunganga ni Mica. Pasok na pasok ang butiki.

“Yucks!” ani Mica na sinabayan nang pagtawa nang kaibigan.

Tumakbo ang dalaga sa labas ng bahay at doon nagsusuka. Malas nga talaga siya.  Dinaluhan siya ng kaniyang kaibigan. Nang matapos na siyang magsuka ay dali-dali siyang pumasok sa kusina at pumasok sa banyo roon para kuhanin ang kaniyang sipilyo at toothpaste. Nag-sipilyo siya sa may lababo at pagkatapos ay bumalik siya sa banyo para kuhanin ang pang-mouthwash niya. Ngunit saktong paglabas niya ay nadapa na naman siya.

Namayani ang tawa nang kaniyang kaibigan sa kusina. Mahal siguro yata siya nang kamalasan.

“Magluto na nga lang tayo. 10:30pm na oh.” Nakatingin si Jenny sa wristwatch niyang kulay rosas.

“Mabuti pa nga.” Sang-ayon ni Luna.

At nagsimula na nga silang magluto nang kanilang pang-Noche Buena.

Natapos silang magluto bandang 11:15 pm kaya naisipan muna nilang uminom.

𝗦𝗢𝗠𝗘𝗢𝗡𝗘’𝗦 𝗣.𝗢.𝗩.

Ako ang nakatokang gumawa ng inumin. Dito ako sa kusina naghalo nang iinumin namin para hindi nila makita ang ihahalo ko. Gamot pang pahilo lang naman iyon. Mabait pa ako ngayon para lason ang ilagay. Wala pa tayo sa exciting part. Pagkatapos kong gumawa nang tinatawag nilang gin sabog ay bumalik na ako sa sala. Doon narinig ko ang pagak nilang tawanan.

One Shot Stories Where stories live. Discover now