078

666 5 0
                                    

I was a newbie in the world they called RPW when I met Khairo. A walking green flag guy. He was the first guy I met in rpw. As a newbie, I don’t know what to do in this so called faked world.


Hindi ko rin alam kung bakit ako gumawa ng account. Siguro dahil sa kyuryusidad.


We became friends and months passed, our friendship deepens. Not until he confessed to me. I suddenly felt awkwardness and shock because of his sudden confession.


Hindi ako noon makapaniwala. Ang bilis lang kasi ng mga pangyayari. Pero hindi ko naman ikinakaila na gusto ko ang pag-amin niya. Siguro dahil gusto ko rin siya. Hindi na ako nagpaka-ipokrita. Nang sinabi niyang liligawan niya ako ay kaagad ko naman siyang pinayagan. Hindi ko na papalampasin pa iyon. Syempre, iyong taong gusto mo na ang naunang humakbang para makuha ang puso mo, magpapabebe ka pa ba? Syempre hindi na, ‘di ba?


Mahal ko na siya. Kaagad ko iyong inamin sa aking sarili. Dalawang buwan lang ang tinanggal nang panliligaw niya sa akin dahil sinagot ko na siya.


Nang maging kami pakiramdam ko ay nasa alapaap ako. Nagpalit ako ng rpw name dahil gusto niya couple daw dapat name namin kaya from Anexia ay naging Khaira.


Sa isang relasyon hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan na nauuwi sa away. Selos at marami pang conflict. At ang relasyon namin ay hindi exception doon. Lahat ng puwedeng pagdaanang pagsubok sa relasyon ay napagdaanan namin.


Not until the day came. One of his RPW friend told me that he’s a CRP.


Nasaktan ako dahil hindi ko inaasahan na ang boyfriend ko ay babae pala. Pakiramdam ko ay pinaglaruan lamang ako.









Limang taon na pala ang nakalilipas nang malaman ko na CRP si Khairo base sa sinabi ng kaibigan niya sa akin.  Limang taon na pero ang sakit ay bagong-bago pa rin. Tatanggapin ko naman siya kung sinabi niya kaagad sa akin ang totoo niyang pagkatao.


Umabot nang dalawang taon ang relasyon namin tapos may inililihim pala siya sa akin.


I confronted him about his true identity but he told me that he’s not a CRP.


Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya sa akin sinabing hindi nga siya CRP pero nabulag ako ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko siya pinakinggan.


I deactivated my account without breaking up with him.


I never believe on his explanations. He gave me his phone number just to prove that he’s not a crp, but my mind was too close to believe at him.  I only copied his phone number and save it in my contact list but I never tried to dial his number.


But now, I’m ready to hear his explanations. I know that it’s too late but I really want to clarify everything. Dapat dati ko pa ginawa pero pinangunahan ako ng pride.


Kumusta na kaya siya? Limang taon na kaming walang komunikasyon. Siguro may girlfriend na siya ngayon. O kaya naman boyfriend kung talagang CRP siya. Wala akong pakialam doon. Ang gusto ko lang ay ang kaniyang explanation at confirmation na dapat dati ko pa ginawa.


I went to my contact list and find his number.


Nang mahanap ko na ay kaagad ko na iyong tinawagan. Naka-ilang ring lang iyon. Bumangad sa akin ang malamyos na tinig ng isang babae. So he’s really a CRP?


“Hi, this is Khaira,” tanging nasambit ko na lamang.


“Uh, hello, ate Khaira! This is Mira po, kuya Lyndon younger sister. I mean Khairo. You’re late, ate. One year ago, Kuya passed away. He waited for you. Umaasa siyang tatawag ka para pakinggan ang kaniyang paliwanag. Pero Wala siyang natanggap na tawag mula sa iyo hanggang bawiin na siya ng Diyos sa amin, sa atin.” Biglang gumaralgal ang boses nito.


Parang biglang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita.


“Three days after you deactivated your account, kuya was diagnosed of having a brain cancer. Ikaw iyong unang chinat niya about his condition, bago niya ipaalam sa amin na pamilya niya, at kung saan ay malala na. Five years ang binigay na taning sa buhay niya ng kaniyang doctor pero hindi na umabot pa si kuya dahil lumala nang lumala ang kanser sa utak niya. Lumaban siya dahil ayaw niyang mamatay na hindi nakakapagpaliwanag sa iyo, na hindi siya CRP. Sinabi niya pa na baka lalong ma-inlove ka sa kaniya kapag narinig mo ang kaniyang boses.” Narinig ko ang bawat pagsinghot niya. Nananariwa pa siguro sa isipan nito ang pagkawala ng kuya niya.


“Huli ka na, ate Khaira. Wala na si kuya. I’m not blaming you. Kuya said that we shouldn’t get mad at you because this is not your fault. He also said that it’s God will. Mahal na mahal ka ni Kuya Lendon, ate. Pangalan mo ang huli niyang binanggat bago siya tuluyang bawian ng buhay. Siguro kung hindi mabilis na kumalat ang kanser sa utak niya ay buhay pa siya. Makakapagpaliwanag pa sana siya sa iyo. Pero sabi nga, everything happens for a reason. Goodbye, ate. I will help for the preparation sa first death anniversary ni Kuya Lendon. Sana mapatawad mo na siya ate. Hindi siya CRP. Be happy just like what kuya Lendon wants you to be. He will be happy if he saw you living happily without guilt for losing the chance to hear my brother explanation and for not believing at him. Hindi man natin nakikita pero sigurado akong magiging masaya siya. Your happiness is his happiness too. Bye, ate Khaira,” huling ani Mira saka ko narinig ang pagtunog ng cellphone ko na nagpapahiwatig na tapos na ang tawag.


Ngayon ko lang napansin ang luha na kanina pa pala tumutulo at binabasa ang aking mukha.


Kaagad kong ni-reactivate ang aking rp account. Bumungad sa akin ang mga message ng mga naging kaibigan ko sa rpw tungkol sa paglisan ni Khairo. Pati iyong kaibigan niya na nagsabi sa akin ay panay hingi ng tawad pero huli na, wala na si Khairo. Wala na ang taong mahal ko.


Hinahanap ko ang chat ni Khairo at nang makita ay binuksan ko kaagad iyon at binasa ang mga iyon mula sa pagpapaliwanag niya hanggang sa huling mensahe niya.


Napahikbi ako. Lalo na nang makita ko ang mga sweet post niya at ang mga long sweet message na binibigay niya sa akin araw-araw, pati na rin ang sunod-sunod na post na dumadaan sa news feed ko patungkol sa pagkamatay ni Khairo. Mula sa paghikbi ay naging hagulhol iyon. Lalo na nang mabasa ko ang aming endearment na mhie at dhie.


Huli na pala talaga ako. Huling-huli na. Napahiga ako sa aking kama habang patuloy pa rin sa pagluha. Sabayan pa nang malakas na tunog ng speaker ng aming kakapit-bahay na kasalukuyang nag-p-play ang kantang kabilang buhay ng bandang lapis na mas lalong nagpahagulhol sa akin.








“HULI NA”
written by erosscrivener
Work Of Fiction
Plagiarism is a crime.

One Shot Stories Kde žijí příběhy. Začni objevovat