052

504 2 0
                                    

THE DARE

Nandito kami ng mga kaibigan ko sa aming tambayan. Sampu kaming magkakaibigan simula n'ong kami'y mga bata pa lamang. Limang lalaki at limang babae din. Lahat ay may iba't-ibang ginagawa kaya kami'y tahimik lamang na nakaupo sa upuan sa aming tambayan.

"Guys, laro tayo," biglang sabi ni Steven .

"Anong laro naman?" tanong naman ni Albert.

"Dare lang," Sagot ni Steven sa tanong ni Albert.

"Dare lang? Akala ko truth or dare yon?" tanong naman ni Nicole, isa sa kaibigan kong babae.

"Dare nga lang kasi. Ang kulit niyo," sabi ni Steven inaatake na naman ng pag-kaisip bata.

"Okay, laro na!" magiliw na sabi ni Jason.

"Sige. Ikaw John sasali ka ba?" tanong sakin ni Steven.

"Wag kang kj d'yan, John, sumali ka sa 'min," maarteng sabi ni Ashley.

"Oo nga, sali ka na," sabi naman ni Mark.

"Hindi yan sasali, kj yan ehh." Dagdag pa ni Donna.

"Hoy John! Wag kang pabibo. Sumali ka na!" sigaw ni Catherine

"Sali na John. Bilhan ka namin ng yakult," sabi naman ni Jane. Biglang lumaki ang aking tainga nang marinig 'yon.

"Bilhan ka namin ng yakult. Tig-dadalawa bibilhin namin para sa 'yo basta sumali ka," sabay na sabay nilang sabi.

"Seryoso?" Pagtatanong ko.

"Oo nga basta sumali ka," sabay-sabay ulit nilang sabi.

"Okay sasali na," sabi ko na ngumisi sa kanila. Yakult na yon eh, papalampasin ko pa ba? Makakatipid na rin ako.

"Laro na. Nakahanda na 'yong i-d-dare," sabi nila

"Patingin ng ide-dare," sabi ko.

"Bawal, kami lang na siyam ang nakakaalam dahil ginawa na namin 'to kagabi," sabi ni Steven.

"Okay," sabi ko na lang.

Sinabi na nila ang dare na para sa kanila. Nang matapos nilang sabihin ang dare nila ay sa akin na ang susunod kasi ako 'yong huli.

"Ito ang dare mo John," sabi ni Albert na hindi pa tinapos.

"Ano? 'Wag mo pa-suspense naiirita na ako!" sabi ko na nasa tono ng pag-kairita.

"Ito na nga. Ang dare mo ay gumawa ka ng RPW account," sabay sabay nilang sabi. Hobby nila magsabay-sabay magsalita kaya sanay na ako.

"RPW? Ano 'yan?" tanong ko.

"RPW means Role Player World. Dito gagawa ka ng account na kakaiba 'yong pangalan at itatago mo ang pagkakakilanlan mo. Pwede ka gumamit ng pangalan sa wattpad at pwede mo gamitin mukha ng mga artista, pwedeng mga k-pop idols at mga blogger as your port or face claim." Pagpapaliwanag ni Ashley.

"Ahhh. Meron ba kayong ganon?" tanong ko.

"Meron! May mga sbh, sh, bh. May mga gang at univ. din kami, may fam at squad pa!" sagot ulit ni Ashley.

"Sbh? Sh? Bh? Ano din yan?" tanong ko ulit.

"Sbh means Sis'brohood. Sh means Sisterhood and bh me-"

"Brotherhood," sabi ko pagkatapos kong putulin ang kan'yang sinasabi.

"Oo. Gagawin mo yong dare?" tanong nila.

"Oo. Yon Lang naman ehh basta may yakult ako," sabi ko.

"Sige. Jack Scott yan gagamitin mong name. Okay lang ba?" sabi nito at nagtanong.

One Shot Stories Where stories live. Discover now