060

649 2 0
                                    

𝗪𝗵𝗲𝗻 𝗛𝗲 𝗖𝗮𝗺𝗲 𝗕𝗮𝗰𝗸

“Happy anniversary, hon,” Klint said as he hugged Melody from her back.

“Happy anniversary too, hon.” Melody held Klint hand that was hugging her.

Today was their first anniversary. They’re both happy just them, celebrating the most important occasion on their lives.

Nang paharapin ng binata ang kaniyang katipan sa kaniya, saka niya ito hinalikan nang masuyo sa labi nito. Pakiramdam niya ay nasa ulap siya sa tuwing kasama niya ang kaniyang kasintahan.

Nasa ganoon silang posisyon nang biglang may tumikhim.

“N-Nariyan na pala kayo, Tito,” naiilang na sabi ni Klint.

“Kumusta naman ang date niyo?” Nakataas ang sulok ng labi ng ama ni Melody habang papalit-palit ang tingin nito sa kanilang dalawa.

“It went well, Tito. We enjoyed our anniversary celebration,” tugon ng binata saka ngumiti sa matanda.

Naririnig lang nila ang patuloy na paghagikhik ng ina ni Melody ngunit hindi ito nagsasalita.

“Hon, uuwi na ako. It’s getting late.” Baling ni Klint sa dalaga.

“Sure babe,” tugon nito.

“Uuwi na po ako, Tito, Tita.” Ngumiti si Klint sa mga magulang ng kaniyang katipan saka ito binalingang muli.

He lower his head and kissed Melody’s forehead.

“Ingat sa pagmamaneho, hon. Dahan-dahan lang, makakarating ka rin sa bahay niyo,” paalala ng dalaga kay Klint na agad naman nitong ikinangiti.

“Yes, ma'am.” He saluted to Melody and kiss her forehead again.

“Go na.”

Lumabas na sa bahay nila Melody ang binata saka binagtas ang kaniyang kotse. Tulad sa paalala ng kaniyang minamahal ay dahan-dahan ang pagmamaneho niya.

Ilang minuto lang ay nakarating siya sa kanilang bahay.

Sa sala, naabutan niya ang kaniyang ina at ama na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha, kasama ang neurologist nila. Biglang tinambol ang puso niya.

“Son, may sasabihin kami sa ‘yo.” Suminghot ang kaniyang ina. Wala naman itong sipon. Galing lamang ito sa pag-iyak.

“Klint, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Base on the neurological exam, CT Scan, at Biopsy na aming isinagawa sa iyo. You have a brain cancer,” ani ng neurologist.

Parang may bombang sumabog sa kaniyang harapan dahil sa narinig. 

Brain cancer or tumor runs on their blood—to his father side. Luckily, his father did not inherit it, but it came to him.

Nakaligtas nga ang kaniyang ama ngunit hindi siya.

Kaagad niyang pinaalam sa kaniyang magulang at sa neurologist nila ang tungkol sa mga sintomas na nararamdaman niya kaya kaagad itong nagsagawa nang pagsusuri. Hindi lang isa kung hindi tatlo. Na pare-pareho ang kinalabasan.

“Is it benign or malignant?” he asked.

“It’s already malignant. Mabilis na kumalat ang tumor sa utak mo. You have to undergo treatment.” Malungkot ang boses ng neurologist na tumingin sa kaniya.

“That’s why I already packed our things. We’ll go to States now using our private plane,” gatong naman ng kaniyang ama.

“Dad, ayaw kong umalis. Ayaw kong iwan ang girlfriend ko. I will battle this f*cking tumor with her. I know that if I’m with her, malalampasan ko ito at gagaling ako. She's my medicine.” Laban niya sa ama.

“You want to see her crying just because of your situation? Do you want to see her look at you with pity on her eyes. Do you want it, Klint!” pagalit na anito.

Hindi siya kaagad nakaimik sa sinabi ng kaniyang ama. May punto ito. Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga.

“Fine. I’ll go.” Her parents just smiled at him.

Sana tama ang desisyon niya. Sana hindi niya iyon pagsisihan.

He did not text her. He left without acknowledging her.

𝗙𝗜𝗩𝗘 𝗬𝗘𝗔𝗥𝗦 𝗟𝗔𝗧𝗘𝗥...

Walang kapantay ang saya ang naramdaman ni Klint nang i-anunsiyo ng mga neurologist na umasikaso sa kaniya na wala na siyang tumor. Kaya ilang linggo lang pagkatapos no’n ay kaagad siyang umuwi sa Pilipinas para puntahan na ang babaeng mahal na mahal niya. Kahit pinipigilan pa siya ng kaniyang mga magulang ay walang nagawa ang mga ito.

Gamit ulit ang kanilang private plane ay lumapag sila sa Pilipinas. Na-miss niya ang bansang kaniyang tinubuan.

He misses his girl so much. He can’t wait to hug her. He wants to kiss her and tell her how much he love her.

Pagkarating nila sa kanilang bahay ay hindi na siya nagsayang pa ng oras. Pumunta siya sa kanilang garahe at pumunta sa kaniyang sasakyan. Naroon naman ang susi no’n dahil hindi niya iyon tinatanggal. Kaagad niya iyong pinaandar papunta sa bahay ng babaeng mahal niya.

Ngunit parang nilakumos ang kaniyang puso sa narinig mula sa mga magulang ng kaniyang minamahal. Kaagad niyang tinanong sa mga ito kung nasaan si Melody ngunit hindi niya inaasahan ang sagot nito.

“One month after you left, Melody was diagnosed of having a leukemia. Sinabihan namin siya na magpagamot pero tinanggihan niya. Wala naman na raw saysay ang buhay niya. 2 years after she was diagnosed, s-she died.” Kaagad na nakita ni Klint ang panunubig ng mata ng ama ni Melody.

Nanubig na rin ang kaniyang mga mata pero nagawa niya pang tanungin kung saang sementeryo inilibing ang pinakamamahal niya. Na kaagad naman nitong sinagot. Wala na siyang pinalampas na oras . Kaagad niyang pinuntahan ang puntod ni Melody gamit ang kaniyang sasakyan.

He thought, when he came back he can finally hug the girl he love. Pero hindi pala. Imbis na mahagkan niya ito, kabaliktaran ang nangyari. Imbis na magsaya ay naroon siya sa tapat ng puntod ng babaeng mahal na mahal niya. Nagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang minamahal nang hindi niya nalalaman.

He came back grieving and mourning to the girl he love death.

“I love you always and forever,” sabi niya saka nahiga sa katabi ng puntod ni Melody.

                               

END

One Shot Stories Where stories live. Discover now