048

545 4 0
                                    

             𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗧𝗥𝗜𝗣 𝗪𝗘𝗡𝗧 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗𝗬

Sama-sama ang magkakaibigang sina Anna, Careel, at Leroi. Silang tatlo lamang ang magkakaibigan simula bata palang. Halos lahat ng tungkol sa kanila’y kabisado na nila.

Dahil sa sobrang init na ng panahon kasi summer na, napag-isipan nilang magkakaibigan na mag-summer trip sa isang beach resort. Nag-check in sila sa hotel ng beach resort dahil marami ang gamit nila at balak nilang mag-overnight. Nagkulong lang sila sa room nila, hapon balak nilang maligo. Iisang room lang sila pero tatlo ang kama kaya wala iyong problema sa kanila.

Sa sobrang close nila sa isa’t-isa, minsan napagkakamalan na silang magka-kasintahan. Isang lalake sa dalawang babae. Hindi lamang nila iyon pinapansin.

Ngunit hindi alam ni Anna na may galit na sa kaniya Careel dahil mas maraming atensyon ang binibigay ni Leroi sa kaniya kaysa kay Careel.

“Balik muna ako sa room natin. Nakalimutan ko kasing dalhin ang camera ko. Kuhanin ko muna.” Paalam ni Leroi sa mga kaibigan. Nakasuot na siya ng swimming trunks samantalang si Anna at Careel ay naka-two piece na. Handa na silang lumangoy.

“Sige. Bilisan mo lang ahh!” tugon ni Anna.

Tahimik lamang si Careel. Para bang may malalim itong iniisip.

Pagkaalis na pagkaalis ni Leroi, nagpakawala ng isang mala-demonyong ngisi si Careel. Napansin ito  ni Anna ngunit hindi niya lamang ito pinansin dahil nang tingnan niyang muli ang kaibigan, nakangiti na ito ng matamis sa kaniya.

“Anna roon tayo sa hindi mataong lugar. Doon lang muna tayo.” Pag-aaya ni Careel kaibigan.

“Tara!” tuwang-tuwa namang tugon ni Anna.

At pumunta na nga sila sa tagong bahagi ng resort kung saan walang maraming tao. Bagama’y hapon na at malapit na gumabi, marami pa ring tao sa beach dahil sa may cottage roon at naka-check in rin sa hotel ang mga ito.

May hawak na bote si Careel. Hindi alam ni Anna kung saan iyon kinuha ng kaibigan.

Nang nasa tago na silang lugar, nauuna si Anna kaysa kay Careel. Hindi inaasahan ni Anna ang pagpalo sa kaniyang ulo ni Careel gamit ang hawak nitong bote. Nabasag ito sa ulo ni Anna. Napahiga siya sa lupa habang hinahawakan ang ulong nagsisimula nang magdurugo dahil sa lakas ng impact nang pagkakapalo ni Careel ng bote sa ulo niya.

“C-Careel... B-Bakit?” tanong ni Anna na nakasalampak sa lupa habang hawak pa rin ang nagdurugong ulo.

“I hate you, Anna! I hate you so much!” galit na ani Careel. “Galit ako sa’yo dahil lahat ng atensyon ni Leroi ay nasa sa’yo. Puro na lang Anna! Anna! Anna! Nakakairira na!” Dagdag pa nito.

“P-Pero Careel binibigyan ka rin naman ni Leroi ng atensyon at alam kong parehas iyon nang binibigay niya sa’kin dahil sa pareho niya tayong kaibigan,” naluluhang sabi ni Anna.

“Pero mas lamang pa rin ang binibigay niya sa’yo. I love Leroi more than friends, Anna. Naiinis at nagseselos ako kapag ikaw ang inuuna niya. Kaya kailangan mong mawala para maging akin lahat ng atensyon niya. Makukuha ko lang iyon kapag namatay ka na!” singhal ni Careel.

“M-Magkakaibigan t-tayo ’di ba?” Garalgal ang boses ni Anna habang sinabi iyon dahil natatakot siya sa maaaring gawin sa kaniya ni Careel.

“Not anymore!”

Lumuhod si Careel pagkasabi niya iyon saka walang pagda-dalawang isip na itinarak sa hita ni Anna ang basag na bote na kaniyang hawak.

“Ahhh!” impit na ungol ni Anna dahil sa sakit na dulot nang pagkakatarak ng bote sa hita niya.

“Scream, Anna! Scream! Hahaha!” Malademonyong ani Careel at nagpakawala ng tawa.

“Ahhh! T-Tama na C-Careel! Help me! Please, help me!” Nagsisigaw si Anna nang itarak muli ni Careel ang basag na bote sa kabila niya pang hita.

“Walang tutulong sa’yo, my dear friend. You need to die! You deserve to die, Anna!” Mga katagang sinambit ni Careel sunod ay itanarak ang bote sa dibdib ni Anna.

“C-Careel...”

Iyon na lamang ang tanging lumabas sa bibig ni Anna nang naramdaman niya ang pagtarak ng bote sa leeg niya, hanggang sa mawalan na siya ng buhay.

Kahit wala ng buhay si Anna patuloy pa ring tinatarak ni Careel ang bote sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ni Anna. Pati mukha nito'y hindi niya pinalampas. Minarkahan niya ng letrang X ang mukha ni Anna. Tinarak niya ang bote sa noo ni Anna at iyon na ang panghuli.

“C-Careel...” garalgal ang boses na sambit ni Leroi sa pangalan ni Careel.

Napaharap si Careel nang marinig niya ang boses ni Leroi.

"L-Leroi!” kinakabahang sabi ni Careel.

“Anong ginawa mo kay Anna!?” singhal ng binata. “A-Anna...” Natutop ni Leroi ang kaniyang bibig nang makita ang duguan at wala ng buhay na si Anna.

“Ngayong wala na siya, magiging akin na lahat ng atensyon mo.” Tumalikod si Careel habang sinasabi ang mga iyon.

“Hindi iyan mangyayari dahil si Anna ang gusto ko!” Galit na ani Leroi at kinuha ang basag na bote na ginamit sa pagpatay ni Careel kay Anna.

Humarap si Careel sa binata. Nagulat siya nang makitang hawak na nito ang basag na boteng ginamit niya kani-kanina lang.

“L-Leroi!” usal niya.

“Wala na ang babaeng gusto ko kaya wala ng dahilan para mabuhay pa.”

Pagkasabi sa mga iyon ni Leroi, marahas niyang itanarak ang basag na bote sa leeg niya kung nasaan ang adams apple. Sagad ang pagkakatarak niya roon, kaya grabi ang dugong bumulwak doon. Natumba at dahan-dahang nawalan ng buhay si Leroi.

“Noooo!” sigaw ni Careel.

Kinuha niya rin ang basag na bote na nakatarak pa sa ulo ni Leroi. Nang makuha niya ito’y walang pagda-dalawang isip na itinarak niya iyon sa kaniyang dibdib kung saan naka-locate ang puso. Sinagad niya ang pagkakatarak doon. Naramdaman niya na lang ang paglapat ng kaniyang katawan sa lupa at nawalan ng buhay.

                                   

                                     ***

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon