075

553 3 0
                                    

𝖂𝖆𝖗𝖓𝖎𝖓𝖌🔞: 𝖳𝗁𝗂𝗌 story 𝖼𝗈𝗇𝗍𝖺𝗂𝗇𝗌 𝗏𝗎𝗅𝗀𝖺𝗋 𝗐𝗈𝗋𝖽𝗌, 𝗏𝗂𝗈𝗅𝖾𝗇𝖼𝖾, 𝖺𝗇𝖽 𝗀𝗋𝖺𝗉𝗁𝗂𝖼 𝗌𝖾𝗑 𝗌𝖼𝖾𝗇𝖾𝗌 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗌𝗎𝗂𝗍𝖺𝖻𝗅𝖾 𝖿𝗈𝗋 𝗒𝗈𝗎𝗇𝗀 𝗈𝗋 𝗆𝗂𝗇𝗈𝗋 𝗋𝖾𝖺𝖽𝖾𝗋𝗌. 𝖱𝖾𝖺𝖽𝖾𝗋𝗌’ 𝖽𝖾𝗌𝖼𝗋𝖾𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗂𝗌 𝗁𝗂𝗀𝗁𝗅𝗒 𝖺𝖽𝗏𝗂𝗌𝖺𝖻𝗅𝖾. 𝖤𝖱𝖱𝖮𝖱𝖲 𝖠𝖧𝖤𝖠𝖣.

***

PLEASURE ROOM

ZEHANNAH was cleaning the entire house. Tapos na siya sa baba kaya sinunod niya na ang sa itaas na kaunti na lang ay matatapos na. Isang kuwarto na lamang ang hindi niya pa nalilinisin. Dalawa pa sana ngunit ang isa roon ay ayaw ipagalaw sa kaniya ng kaniyang amo. Simula ng maging kasambahay siya sa medyo may kalakihang bahay na ‘to, kailanman ay hindi niya pa nagagalaw ang kuwartong ‘yon. Nagtataka siya kung bakit ayaw na ayaw itong palinisan ng kaniyang amo.

Ano kaya ang nasa loob ng kuwartong ‘yon? Ni minsan ay hindi pa siya nadako roon. Madalang niya ring makita ang kaniyang amo, madalas kasi itong wala. Gabi lang ito nasa bahay at minsan may kasama pang babae, iba’t ibang babae. Hindi lang isa kung hindi dalawa at tatlo, minsan ay apat pa.

“Bakit ang daming kuwarto tapos lahat pinalilinisan kahit hindi naman nagagamit. Buti lamang kung may kasama ako rito pero wala. Mag-isa lang ako,” reklamo ni Zehannah saka inilagay sa kaniyang bewang ang mga kamay at huminga nang malalim.

Naayos niya na ang kama. Pati ang kurtina ay napalitan niya na rin. Kinuskusan niya rin ang sahig kaya kumislap itong muli dahil sa maayos na paglinis niya. Bitbit ang mga ginamit sa paglilinis ay lumabas siya sa kuwarto para puntahan na ang ikahuling kuwartong lilinisan niya. Naglalakad siya patungo roon nang mapadako ang kaniyang atensiyon sa kuwartong ayaw papuntahan sa kaniya ng kaniyang amo. Gusto niya talagang makita ‘yon, lalo na ang loob nito.

Curious talaga siya sa kuwartong iyon. Wala naman ang kaniyang amo kaya susubukan niyang pumasok doon, isa pa, hindi naman nito malalaman kung pumunta ba siya roon. Wala namang CCTV doon. Tumalikod siya sa daan patungo sa kuwartong dapat niyang linisan at humarap sa daan patungo sa kuwartong gusto niyang puntahan. Naglakad na nga siya papunta roon hanggang sa marating niya ito.

“Pleasure room? Anong klaseng kuwarto ba ‘to? Ano kaya ang nasa loob?” basa niya na nakukunot ang noo. “Bakit kaya ganito ang pangalan ng kuwartong ito?” usal niya pa.

Hinawakan niya ang seradura ng pinto saka iyon pinihit. Nang may tumunog ay napangiti siya. Nakalimutan yata ng amo niya na i-lock ang pinto. Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto hanggang sa tuluyan niya iyong mabuksan. Napakurap siya nang makita ang loob nito. Bumungad sa kaniya ang isang maliit na kama na may bubong na para ba iyong tent. Sa gilid no’n ay may isang roleta.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto. Nakalimutan niya nang isara ‘yon. Ipinalibot niya ang kaniyang mata, pinagmamasdan ang mga bagay na hindi pamilyar sa kaniya. Tanging ang roletang kasya ang tao lamang ang alam niya kung saan ginagamit. Bakit may ganoong bagay sa loob ng kuwarto? Naglalaro kaya ang kaniyang amo?

May nakita rin siyang katulad nang inilalagay sa leeg ng aso. May nakita siyang latigo. Pati ‘yong pampaalis sa langaw. Nakita niya rin ang feather tickler and a mere tickler at marami pang ibang uri ng tickler. Nilapitan niya ang mga ito. Marami at iba't iba ang itsura.

“Ang cute naman ng mga feather duster na ‘to. Bakit hindi ‘to pinapagamit sa akin ni Sir Luke?” ungot ni Zehannah saka hinawakan isa-isa ang mga ‘yon.

One Shot Stories Where stories live. Discover now