036

622 5 0
                                    

                                UNTILED

LAHAT NAGTATAKA kung bakit isang buwan nang hindi pumapasok sa Soughtwin University si Jacob Buen—ang tanyag na babaero sa campus. Kung magpalit ng babae ay parang damit lang. Minsan ay kung tapos nang maparaosan ay iiwan na lang kung saan.

Kahit saang departamento ay usap-usapan ang hindi paglitaw ng binata. Kahit ang mga propesor ay nagtataka na rin. Mag-iisang buwan na itong hindi pumapasok kaya pinag-iisapan na nilang i-drop na lamang si Jacob sa kanilang klase.

Sa loob ng canteen ng campus, kaniya-kaniyang umpukan ang mga estudyante. Syempre hindi mawawala ang usapan tungkol sa babaero nilang ka-schoolmate na bago nawala ay mahigit trentang kababaihan ang pinaiyak at pinahiya.

Natuon ang atensyon ng lahat sa bagong dating na babae. Ang kutis nito ay kaunti na lang ay puwede nang gawing salamin. Laglag ang panga at nanlalaki ang mga mata ng mga estudyanteng nakatingin sa babae—lalo ng mga kalalakihan na kaunti na lang ay tatawirin ang espasyo para hubaran ang bagong dating na babae.

Kung kanina ay laglag na ang kanilang panga at nanlalaki ang mga mata ay lumala pa ito nang magpakilala ang bagong dating. “I’m Jacob Buen.”

Tinitigan ng nagpakilalang si Jacob ang mga taong naroon.

Iyong araw na huli siyang nagpaiyak at nagpahiya ng mga babae ay ang huling araw na siya’y isang tanyag na babaero.

Pinagsisihan niya ang kaniyang mga nagawa sa mga babae, kaya napag-isipan niyang maging tulad sa mga ito. Kung tutuusin ay puwede naman siyang humingi na lang ng tawad sa mga nasaktan niya ngunit hindi niya ginawa dahil pinangunahan siya ng kaniyang mataas na pride.

Gusto niyang maramdaman kung ano ang naramdaman ng mga babaeng sinaktan niya at ang maging isa sa mga ito ang tanging naisip niyang paraan para pagbayaran ang kaniyang nagawang pananakit sa mga kababaihan.

                                      ***

One Shot Stories Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum