042

576 4 0
                                    

              𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗜𝗚

𝙇𝙐𝙉𝙀𝙎

Isa si Dominic sa mga pasyenteng inaalagaan ni Mely—isang nurse ng hospital kung saan naka-admit si Dominic. May taning na ang buhay nito sa kadahilang malubha na ang sakit nito na tinatawag na Brain Cancer. Nasa stage 4 na ‘yon. Halos isang taon na ang binata sa hospital. Ayaw na nito na magpagamot dahil sa mamamatay lang din naman daw ito. Sayang pa ang gastos. Pinilit na ito ng mga kamag-anak nito na magpagamot, ngunit ayaw na talaga nito. Kaya naman sinukuan na rin ito ng mga kamag-anak. Hinayaan na sa hospital at hindi na kailanman binisita. Patay na rin ang mga magulang ng binata kaya wala na talagang may pakialam dito.

“Dom, inumin mo na itong gamot mo,” nakangiting sabi ni Mely na may dalang tubig at gamot.

“A-Ayoko na. Itabi mo na lang d’yan, Mel.”

Nangangayayat na ang binata. Maitim na rin ang palibot ng mga mata nito, saka kalbo na rin. Hindi na rin ito makalakad dahil hindi na kaya pa nito ang katawan. Tanging sa wheelchair na lamang ito kapag gusto nitong lumabas sa room.

“Ang tigas talaga ng ulo.” She paused. “Kung hindi lang kita gusto eh,” umiiling na bulong ni Mely. Pero narinig pa iyon ni Dominic.

“Gusto rin kita.” Nakangiti ang binata.

Bumilog ang mga mata ng dalaga at laglag ang panga na bumaling ang tingin sa binata.

“Narinig mo ‘yon?” nanlalaki ang mata na sabi ni Mely.

“May taning lang ang buhay ko, pero hindi ang tenga ko.” At mahinang tumawa si Dominic.

Dahil sa hiya tumakbo si Mely palabas sa kwartong ‘yon.

𝙈𝘼𝙍𝙏𝙀𝙎

Gabi na. Papakainin na ni Mely si Dominic.

“Dom, get up. Kumain ka muna.”

Gumalaw ang binata, pagkatapos iminulat ang mga mata. Tinulugan ito ni Mely na makaupo.

“Bakit kailangan pang kumain eh mamamatay naman.”

Karaniwang iyan ang naririnig ni Mely mula sa binata sa tuwing pakakainin niya ito.

“Para kahit papa’no may lakas ka,” nasabi na lang ni Mely.

At nagsimula na nga niyang pakainin ito.

“Hmm... Mel, will you be my girlfriend? I love you. May taning na nga ang buhay ko na-inlove pa. Maiiwan ko rin naman.” Lumandas ang luha sa mata ng binata.

“Yes, Dom. I’m willing to be your girlfriend hanggang sa huling hininga mo. Handa ako kahit masasaktan ako kapag kinuha ka na.” Umiyak na ang dalaga.

Hinarap nila ang isa’t isa saka pinaglapit ang mukha at naglapat ang kanilang mga labi.

𝙈𝙄𝙔𝙀𝙍𝙆𝙐𝙇𝙀𝙎

Masayang magkasama ang dalawa at nagke-kwentuhan.

“Nang hindi mo pa alam na may Brain Cancer ka, papalit-palit ba ang nobya mo?” tanong ni Mely.

Nakahiga sila ngayon sa hospital bed na hinihigaan ni Dominic. Nakatingin sila pareho sa ceiling ng room.

“Nope. Busy ako sa pagpapatakbo ng businesses ko na ngayon ay hawak na ng kaibigan ko. Hindi ko ipinagkatiwala sa mga relatives ko baka kasi mauwi sa wala ang mga pinaghirapan ko. Dalawa lang ang naging girlfriend kaso ayon iniwan ko dahil pera lang pala ang habol nila sa akin.” Mahabang litanya ni Dominic.

One Shot Stories Where stories live. Discover now