03

7.1K 34 0
                                    

               𝗗𝗔𝗨𝗚𝗛𝗧𝗘𝗥'𝗦 𝗥𝗘𝗣𝗘𝗡𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘
                

Annie-a typical high school girl. Gusto palaging kasama ang barkada. At her young age, alam na alam n'ya na kung paano paikutin ang mga lalaki sa mga kamay n'ya. But when she met Bert, tumino siya. Bert is her secret boyfriend for a months. She really love that guy even he's 4 years older than her. She's 16 years old and Bert is 20 years old.

"Uwi pa ba 'yan ng isang matinong babae?" bungad ng Daddy n'ya nang makapasok s'ya sa bahay nila.

"We just finished our group project. Kailangan kasing ipasa 'yon bukas." Tanging sagot n'ya lamang. The truth is wala naman silang project. Tumambay lang sila sa park at nag-boy hunting ang mga kaibigan n'ya, samantalang s'ya ay nakipag-date kay Bert.

"Ganitong oras? Huwag kang magsinungaling!" Pagalit na sabi ng kan'yang Ama.

"Sinabi ko na ang totoo. Kung 'di ka maniniwala, problema mo na 'yon, Dad. Bye, I'll go upstairs to change my clothes. Pakitawag na lang ako kapag kakainin na." Umakyat na s'ya sa kan'yang kwarto at nagsimulang magbihis.

She's currently doing her homework when her phone rang. When she read who's her caller, a smile flashes in her lips. Her caller was her boyfriend.

"Hello, Honey. Why did you call?" she asked.

"Magtanan na tayo."

"Magtanan? Hindi pa pwede. Ang bata ko pa, 'saka magagalit si Daddy!"

"Papayag ka ba o hindi?" Iritang tanong ng nasa kabilang linya.

"Okay, fine! Payag na ako. Give me at least 15 minutes to fix myself at para na rin maghanda ng dadalhin kong mga damit."

"Huwag na, bibili na lang tayo. Nandito na ako sa labas ng bahay n'yo. Lumabas ka na."

"Sige. Hintayin mo ako riyan."

Agad nang inayos ni Annie ang kan'yang sarili. Dahan-dahan s'yang lumabas sa kan'yang kwarto pati na rin sa pagbaba sa hagdan. Iniiwasan n'yang makalikha ng ingay na magpapagising sa kan'yang Daddy. Maaga pa pero natutulog na ang Daddy n'ya. Alas otso kasi sila kumakain ng hapunan, 7:30pm pa lang kaya alam n'yang tulog ito. At sigurado rin s'yang nasa kusina pa ang kasam-bahay nila na si Manang Cora.

"Sa'n mo naman balak pumunta sa ganitong oras?" Her Dad asked nang tangkang lalabas na s'ya ng bahay. Nagulat s'ya dahil sa gising pala ito at nahuli s'ya.

"Makikipagtanan ako kay Bert! Ayoko na sa bahay na 'to. Sakal na sakal na ako rito."

"Walang aalis! Hindi ka makikipagtanan sa lalaking 'yon. Sisirain n'ya lang ang buhay mo!" Galit na sabi ng Ama n'ya.

"Makikipagtanan ako sa ayaw at sa gusto mo. Desisyon ko 'yon. Kung masisira man ako, wala ka nang pakialam do'n!" Galit na rin na anas n'ya.

"Ganyan ba kita pinala-"

Naputol ang sasabihin ng Daddy n'ya, when her phone beeped. Binukas n'ya 'yon. She saw that it was Bert text message. Ayon sa mensahe, pinapunta s'ya nito sa bahay nito, dahil sa umuwi muna ito. Napagod daw kakahintay. Medyo tumagal din pala ang bangayan nila ng Daddy n'ya.

"Goodbye, Dad. See you when I see you."

"Annie! Bumalik ka rito!" Sigaw ng Daddy n'ya ngunit hindi n'ya na ito pinansin. Mabilis pa sa alas kwatro na nilisan n'ya ang kanilang tahanan. Lumabas s'ya ng gate ng bahay nila at pinara ang taxi na papalapit sa direksyon n'ya.

Nang makasakay ay agad n'yang sinabi ang lugar na pupuntahan n'ya. After a couple of minutes ay nakikita n'ya na ang village nila Bert. Nakakapasok naman doon ang taxi kaya 'di n'ya na kailangang bumaba pa.

Nasa passenger seat s'ya nakasakay kaya kitang-kita n'ya ang mga nasa unahan ng taxi. Nasa malapit na s'ya ng bahay ni Bert. Naaninag n'ya si Bert sa gate nito. Akala n'ya namamalikmata lang s'ya na nakita n'ya itong may kasamang babae, pero hindi pala. Dahil sobrang lapit na ng taxi sa direksyon ng dalawa, nakita n'ya na naglapit ang mga mukha nito at 'di nagtagal ay naglapat ang mga labi. A tears fell from her eyes. Her boyfriend cheated on her. She saw her boyfriend sharing a kiss with another girl.

Huminto na ang taxi ngunit 'di s'ya bumababa.

"Ma'am nandito na po tayo. Hindi ka pa po ba bababa?" asked by the taxi driver.

Sasagot na sana s'ya nang tumunog ang kan'yang cellphone. It was a text message from their maid. When she read the text message, lalo pang tumulo ang kanyang luha. Sinugod daw ang kan'yang Daddy sa hospital. Her Dad has a heart disease-mayro'ng butas ang puso ng kanyang Daddy. Galit ang naramdaman n'ya para sa sarili. She knew that her Dad condition wasn't good para bigyan pa ng konsumisyon. Kinamumuhian n'ya ang sarili dahil s'ya ang dahilan kung nasaan ngayon ang Daddy n'ya.

Agad n'yang sinabi sa taxi ang hospital kung saan na-confine ang kan'yang Daddy. Nang makarating sila sa hospital ay agad n'yang pinuntahan ang operating room. Tinakbo n'ya ito nang mabilis. 'Di na s'ya nagtanong sa mga nurses doon sa emergency desk dahil alam n'ya na kung nasa'n ang OR.

Naubatan n'ya sa labas ng OR ang kasam-bahay nila.

"Manang Cora, lumabas na ba ang Doctor?" tanong n'ya agad dito.

Ibubuka na sana ni Manang Cora ang kan'yang bibig ngunit hindi natuloy dahil sa lumabas na ang Doctor.

"Doc, how's my Dad condition? Is he okay? Naagapan ba?" sunod-sunod n'yang tanong.

"Sorry, Ms. Guevarra. We did our best para agapan 'yon ngunit hindi na kaya ng puso n'ya. Ang laki na ng butas ng puso n'ya kaya hindi n'ya nakayanang lumaban pa. O-operahan sana namin ngunit ayaw na ng Daddy mo. Your father was gone. Sorry for the lost." Umalis na ang Doctor sa harapan nila.

Parang may sumabog na dinamita sa harapan n'ya pagkatapos marinig sa Doctor na wala na ang Daddy n'ya. Napahagulhol s'ya sa iyak.

Ang Daddy n'ya na tanging nag-alaga at nagpalaki sa kan'ya nang mamatay ang kan'yang Mommy. Ngayon s'ya nagsisisi. Nagsisisi s'yang 'di n'ya sinunod ang Daddy n'ya. Nagsisisi s'ya na inuna n'ya ang kagustuhan n'ya kaysa isipin ang kalagayan ng kan'yang Daddy. Nagsisisi s'ya na mas pinili n'ya ang lalaki na sinaktan s'ya ngayon kaysa sa Daddy n'ya.

Now that her Daddy was gone, hindi n'ya na alam kung paano mabubuhay nang mag-isa. Hindi s'ya handa na maging mag-isa. She's now feeling the daughter's repentance.

'𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒'

NOTE: ALAM NATING SA HULI ANG PAGSISI. IWASAN GUMAWA NG MALING DESISYON PARA WALA KANG PAGSISIHAN. THINK BEFORE YOU ACT.

One Shot Stories Where stories live. Discover now