031

685 9 0
                                    

                 LAST DAY OF SEPTEMBER

“Wala ka nang ibang ginawa kung hindi ang pasakitin ang ulo namin ng iyong inay, Jessica!” galit na ani ng kaniyang ama pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa kanilang bahay.

Siguradong nabalitaan na naman nito ang pagtanggi niya sa mayamang binata na sinadya pa talaga ang kaniyang ama sa kanilang bahay para humingi ng permiso para ligawan siya.

Hindi na iyon bago kay Jessica. Ganoon talaga ang kaniyang ama, nagagalit kapag tinatanggihan niya ang mayayamang binata na nais siyang ligawan.

“Papa, alam niyo naman na may nobyo na ako, hindi ba? Pero pinagpipilitan niyo pa rin na pumayag akong magpaligaw sa iba,” giit niya na lamang.

“Iyong si Norman ba ang tinutukoy mo? Isang tricycle driver lang naman ang isang iyon. Hindi iyon sasapat para buhayin ka.”

Hindi makapaniwala niyang tinitigan ang kaniyang ama dahil sa sinabi nito.

“Marangyang trabaho lang naman iyon, Papa.” Pagtatanggol niya sa kaniyang nobyo.

“Bahala ka sa buhay. Kapag hindi mo hiniwalayan ang lalaking iyan at hindi ka magpaligaw sa mayamang lalaki na gusto kang ligawan at mapangasawa, umalis ka na rito sa bahay at kalimutan mo na may ama ka pa.”

Tumayo na ang kaniyang ama sa pagkakaupo sa sofa saka siya tinalikuran.

Hindi niya na maintindahan ang kaniyang ama. Simula nang mamatay ang kaniyang ina, naging ganoon na ang ugali nito. Akala niya dati ay babalik sa rati nitong ugali ang kaniyang ama ngunit nagkamali siya. Lalo lamang itong lumala.

Ang mga luha sa kaniyang mata ay hindi niya na mapigilan. Mabilis ang mga itong rumagasa mula sa mata niya papunta sa kaniyang pisngi. Sobrang sama ng loob ang nararamdaman niya pa sa kaniyang ama na tunay ngang nagbago na.

Pakiramdam niya ay sinasakal siya sa tuwing naroon siya sa bahay nila kasama ang kaniyang ama.

Habang ang luha niya ay patuloy pa rin sa pagbuhos, mabilis siyang tumakbo para pumunta sa kaniyang nobyo para kahit papaano’y mabawasan ang sakit ng kaniyang nadarama.

Takbo at punas ng luha ang ginagawa niya hanggang sa marating niya na ang bahay ng kaniyang nobyo. Nasa labas ito kaya yinakap niya ito mula sa likod. Pinaharap siya nito sa kaniya at saka yinakap siya nang mahigpit.

Kahit hindi niya sabihin sa nobyo ang nangyari sa kanilang bahay ay alam na alam na ito ng binata. Dahil sa ito ang palaging sinusumbong niya dito sa tuwing pumupunta siya sa bahay nito na luhaan.

“GUGUNAW NA ANG MUNDO! GUGUNAW NA ANG MUNDO!”

Bumitaw sila sa pagyayakapan ng marinig nila ang mga katagang iyon na isinisigaw ng Aling kakapit-bahay ni Norman. Tumatakbo ito na para bang nililibot niya ang buong kabahayan para ihatid ang balitang nasagap nito sa telebisyon.

Napatingala sila sa langit ng bigla itong lumiwanag at doon nila nakita ang mga numero na nagpapahiwatig na iyon na lang kanilang natitirang oras pati ng mundo.

22:45:07.

Iyan ang nakasulat sa taas ng langit.

“Labing dalawang oras, apatnapo’t limang minuto at pitong segundo na lamang ang natitira, gugunaw na ang mundo!” sigaw ng isang lalaki.

Dahil roon biglang nagkagulo ang mga tao. Para na itong mga baliw na nakalaya sa isang mental hospital.

Nilukaban ng takot si Jesicca. Napabitaw siya sa pagkakahawak kay Norman ng maisip ang kaniyang ama. Kahit naman ganoon ang kaniyang ama ay mahal na mahal niya pa rin ito. Ngayong bilang na ang mga oras nila, gusto niya itong makasama.

Tatakbo na sana si Jesicca pauwi sa bahay nila nang mahawakan ni Norman ang kaniyang kamay nang mahigpit.

“Saan ka pupunta, mahal!?” pasigaw na tanong ng binata sa dalaga.

“Pupuntahan ko si, Papa. Gusto ko siyang makasama hanggang sa natitirang oras natin dito sa mundo,” sagot niya dito.

“Ayaw mo ba sa akin sumama?”

“Gusto ko, Norman, pero si Papa ang gusto kong makasama hanggang sa tuluyan nang gumuho ang ating mundo,” aniya saka yumuko.

Hindi niya nakita ni Jessica ang ngiti na bumalatay sa mga labi ni Norman dahil sa pagyuko niya. Ang naramdaman niya na lang ay ang paghila sa kanay niya ng kasintahan at magkasabay silang tumakbo sa bahay nila hanggang sa makarating sila roon.

Naabutan niya sa labas ang kaniyang ama na nakatingila sa langit, pinagmamasdan ang oras na unti-unti nang mauubos.

Tumakbo siya dito at niyakap ito. Naramdaman niya ang pagyakap nito pabalik sa kaniya.

“P-Patawad anak kung dinidiktahan kita. Patawad!” umiiyak na sabi ng kaniyang ama.

Naramdaman niya ang pagkabasa ng kaniyang balikat.

“Hindi ka pa humihingi ng tawad, Papa, napatawad na kita,” tugon niya at nagyakapan silang muli.

Habang nalalapit ang oras ng paggunaw ng mundo ang mga tao ay sumisigaw na sa takot at kaniya-kaniya nang humihingi ng tawad sa Diyos sa kanilang mga kasalanan.

                                  *End*

One Shot Stories Where stories live. Discover now