Manhid 25: Talk with the Devil

249 41 0
                                    

Manhid 25: Talk with the Devil.

Ivy's POV

"Ivy." Agad akong kinabahan nang marinig ang boses na 'yon.

Kahit sasaglit ko lang narinig ang boses na 'yon ay tila ba tumatak na ito sa isipan ko. Tila ba naghuhumiyaw ito ng away at sakit ng katawan.

Masakit pa ang kanang pisngi ko kaya naman hindi pa ako ready para sa panibagong sakit ng katawan.

Kung bakit ba naman kasi pumayag pa akong magpaiwan!

"Ivy." Napapikit ako ng madiin nang muli nyang banggitin ang pangalan ko.

Kinakabahan at kagat labi akong napaharap sa kanya.

Agad nawala ang kabang nararamdaman ko nang makita ang maamo nyang mukha. Ibang-iba ang itsura niya kanina kumpara sa itsura niya ngayon.

Tila siya isang maamong aso na pinapagalitan ng kanyang amo.

"Can we talk?" Tanong nito sa akin na nakapagpabalik ng kaba ko.

'Sasama ba ako? Wala akong kakampi pagnagkataon.'

Napailing na lang ako sa naisip ko.

"S- Sure." Kinakabahan man ay alanganin na lang akong ngumiti at tumango-tango.










"I'm sorry." Napaangat ako ng tingin nang magsimula syang magsalita.

'Sorry?' Napakunot ang noo ko.

Pakiramdam ko ay nainsulto ako kaya't nainis ako.

"I'm sorry. Nagselos lang talaga ako. Naunahan ako ng galit." Napatango-tango na lang naman ako at muling tinignan ang hawak kong phone na iniabot niya sa akin kanina.

'Ihampas ko kaya sa kanya 'to 'tas saka ako magsorry?'

Itong phone na 'to. Ito ang phone na pinanghampas niya sa mukha ko.

Sa totoo lang ay kanina pa nanginginig ang kamay ko at gusto ko talagang ihampas din ito sa kanya.

Hinimas ko ang maliit na crack nito. Marahil nagcrack ang screen nito nang ihampas niya sa kanang pisngi ko.

"Kung ikaw din naman diba? Magseselos ka rin at magagalit if ganyan ang nabasa mong text." Muli kong binasa ang napag-usapan nila ni Nathan.

Nathan: Hi.

Haley: This is his gf. Who are you exactly?

Haley: Why are you texting him?

Nathan: Okay. First of all, stop calling yourself his 'girlfriend' to make yourself feel better than the other girls, we all know ya ain't so don't flatter yourself. Second, I'm the girl that can make any girl go from gf to ex real quick. Now, my name is Shanaia Lyreen Ivy Alcantara. Remember that name, bitch.

'Oo. Siguro nga. Magagalita ako pero hinding-hindi ko gagawin ang ginawa mo.'

Gustong-gusto kong sabihin 'yan sa kanya pero ayoko ng lumaki pa ang gulo. Lalo na kung tungkol lang ito kay Kurk.

Lihim akong napakuyom ng kamao nang muling sumakit ang kanang pisngi ko.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon