Manhid 24: Disaster with The Devil

226 37 0
                                    

Manhid 24: Disaster with The Devil.

Ivy's POV

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at halos manlaki ito nang 'di inaasahang makita ko siya.

Kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo. Nang makatayo ako ay muli akong nakaramdam ng pagkahilo kaya naman agad rin niya akong inalalayan.

Ngayon naman ay nakahawak na siya sa braso at likudan ko.

"Are you okay?"

Saglit akong natulala.

Kaytagal ko ding hindi narinig ang boses niya.

Napatitig nalang ako sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Kurk." Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makarinig ng isang pambabaeng tinig.

Napalingon ako sa likod ni Kurk at nakita ang isang babae na nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam pero for some reason, agad akong kinabahan.

"Who the hell are you?" Nagulat ako sa tono ng boses nito kaya agad akong napaayos ng tayo. Doon ko siya nakita ng malinawan.

Itsura pa lang, halatang matapang ang babaeng ito. Para sa akin ay hindi naman siya ganoon kaganda. Sa tingin ko nga ay walang-wala siya kung ikukumpara sa akin.

Nangunot ang noo ko.

'Bakit ko ba siya nilalait? Ano bang pakialam ko sa kanya?'

"L- Lyreen?" Mas nangunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

Kilala niya ako?

'Ay malamang. Artista ka, diba?' Napairap na lang ako ng dahil sa naisip ko.

Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Sa tatlong pangalan ko, bakit naman sa Lyreen niya pa ako naisipang tawagin.

Nagulat ako nang magbago ang reaksyon niya. This time, halatang galit na galit ito na nagpakaba sa akin.

"YOU-- BITCH!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

'What did she just called me?'

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagulat na lang akong muli nang walang sabi sabi nyang tinabig si Kurk. And next thing I knew ay nakalapat na ang palad niya sa kaliwang pisngi ko.

Third Person's POV

Tulala at gulat pa man ay nagulat na lamang muli sila nang walang sabi-sabing tabigin ng babae ang nobyo at sinampal ang dalaga.

Sa lakas ng impact nito ay napahawak ang dalaga sa namumula nitong pisngi at napausod papaatras.

Pumikit-pikit ang dalaga upang pigilan ang nagbabadyang luha samantalang agad naalerto ang mga kaibigan nito at agad nilapitan ang babae.

"Anong problema mong malandi ka?" Nanggigigil na sigaw ni Sherwin kay Haley at bahagya pa itong tinulak. Itinulak lang din naman siya ni Haley.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kevin kay Ivy at inalalayan pa itong tumayo ng maayos. Tinignan ng binata ang namumula nitong pisngi at hinimas-himas.

"Sssh. Don't cry." Malambing na sabi nito at niyakap pa ang dalaga nang makitang mamula-mula na rin ang mata nito.

"Don't believe that bitch!" Galit na sabi ni Haley at dinuro-duro pa ang dalaga.

Love You Mr. Manhid (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon